Chapter 26: This Pain

44 0 0
                                    

Today is the day na aaminin ko kay Yngrid na mahal ko siya. Alam kong talo na ako but may banda sa puso ko na umaasa na sana, hindi pa.

"Pwede bang mahiram si Yngrid?" Iyan ang sabi ko matapos makalapit sa kanila. I saw her rolled my eyes. Maldita ang babaeng ito kahit kailan.

"Mabilis lang ha! Kung ayaw mong makakita ng away." Banta ni Keila. Tumalikod ako at pumuntang sa may bleacher, alam kong agad sumunod si Yngrid.

Ng makalayo kami sa field ay agad akong nagsalita. Shit. Ang hirap nito.

"Am I too late?" Panimula ko dito. Nakita ko siyang naguguluhan.

"Nakalimutan kong hindi pala habambuhay nakapaghihintay ang tao. Nakalimutan kong ayaw na ayaw mong pinaghihintay." Dagdag ko sa sinimulan ko kanina. Ayaw na ayaw ni Yngrid ang pinaghihintay ng matagal. Iyon ang nakalimutan ko.

"Nakapaghintay ako. Nagawa ko para sa iyo Zachariah. Alam mo, nakakapagod kang mahalin. Na dumating sa punto na napagod ako. Naisip ko ngang bakit pa ba ako lumalaban at patuloy na umaasa? Alam ko naman ang sagot, dahil minahal kita at nakakulong ako sa alaala mo." It hurts. Oo, masakit. Ganito siguro kasakit ang nararamdaman niya dati o baka mas masakit pa. Paano niya nakayanan ang ganito? Sa sobrang sakit parang pinupunit ang puso ko. This is the second time I let my heart be broken.

"Finally, I moved on Zack. Ang gaan sa pakiramdam na palayain ang sarili mo sa pagkakakulong." Ngumiti ako. Ngiting may pait. Soon, I will be moving on too. Pero malayo pa iyon.

"Dati, gusto kong tawagin mo ako sa palayaw ko pero mas masakit palang marinig iyon mula sa iyo. Parang gusto ko iyong buo, I feel loved." Napasandal ako sa pader na nasa likuran ko. Nanghihina ako. Dati, ayaw na ayaw kong tawagin sa buong pangalan ko at siya lang ang gumagawa noon. Gusto kong mabalik iyon. Dahil noong tinawag niya akong Zack, wala na akong maramdamang pagmamahal.

"Sabi ng isang kanta, we are like bumper cars Zack, the more we try to be together, the more we crash apart. Ganun tayo, hindi tayo bagay. Hindi tayo para sa isa't-isa." We really are. Dahil noong oras na lumapit ka sa akin, pinalayo kita. The same happened to me. Bilog nga ang mundo.

"Pierre is such a jerk. Naunahan niya ako sa iyo. He is so lucky to have you. Feel the love na hindi ko naibigay sa iyo Yngrid. And if he hurts you, nandito lang ako parati. Ready to wipe your eyes and catch every tear you shed for him. Just let me, let me continue to love you." Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay agad akong umalis.

Umabot ako ng bahay na lutang. My Mom asked me what happened and I just shrugged. Wala eh. Wala na akong magawa. Dumiretso ako sa kwarto ko upang doon ilabas ang mga luhang pilit kung tinatago kanina pa. Hindi ako iyaking tao, hindi lang talaga makaya ng puso ko ang sakit kaya pinalabas ng mga mata ko. I know I deserve this pain. I deserve to suffer. I'm such a jerk knowing that she loves me but I just taken her for granted. This pain I'm feeling right now will be with me for the rest of my life. I will bear this pain, forever.

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon