Chapter 11: Months

40 0 0
                                    

"Geminie! Iyong pusa! Baka makatakas!" Sigaw ko sa babaitang hindi mapakali sa kakahabol sa pusa.

"Ito na nga!" Balik-sigaw nito sa akin.

"Halika nga dito at ng mapirmi ka." Inilagay niya ito sa isang cute na cage. Malapit na kasi ang araw kung saan kakatayin na namin si Kitkit. Kawawang pusa.

Naalala ko si Kirstein, hindi nag ala pusa ang isang iyon halos dalawang buwan na. Don't get me wrong, conscious lang talaga ako sa mga petsa. Kamusta na kaya iyon. Busy sa mga requirements?

Ipinilig ko ang ulo ko, dapat requirements ko ang inuuna ko. Malapit na kaming grumadweyt ng kolehiyo. Malapit ko ng iwan ang eskwelahang ito.

Naibalik lang ako sa mundong ibabaw ng tumunog ang cellphone ko.

Hala! Minamaligno ata ang cellphone ko.

Iniba ko kasi ang ringtone na para kay Zachariah. At sa hindi ko inaasahang pagkakataon, I heard it.

Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa.

Hi. Sorry ngayon lang ako nagtext ulit. Busy eh.

Agad akong nagtipa ng sagot dito. Its been months simula noong kinuha niya ang number ko at isang 'hi' lang ang convo namin. Ano ba ang nasa utak nito?

Hi din. Okay lang. Busy lahat ng tao ngayon.

At sa unang pagkakataon, umabot kami sa kahit anong bagay. May naramdaman akong konting kasiyahan. Hindi ko aakalain na makakausap ko siya, hindi man personal pero kahit na.

Uie, Zachariah. Magpapaalam na ako. May pasok pa kami.

Okay lang. Mag-ingat ka Yng.

Ito ang pakiramdam na nararamdaman ko noong magkaibigan pa kami. We are as close as the sea and the sand. And now, we are as far as the land and the sky.

Ganito naman talaga ang buhay. Boring naman kung walang mga pagsubok, hindi ba?

"Una na ako Yngrid. Alagaan mo iyang pusa kundi ikaw ang kakatayin ko." Banta ni Gem sa akin. Alam niyang ayaw ko sa pusa, sa lahat ng hayop ang pusa ang pinakaayaw ko. I'm more like a dog lover.

"Ikaw nalang kasi. Baka masakal ko pa iyan." Sabi ko dito ng naka ungos.

"Alam mo namang allergic si Mama sa pusa. Hindi pwede sa amin iyan." Pangatwiran nito. Okay fine.

"Hala, humayo kana at baka madatnan ka ng ulan." Pagtataboy ko dito.

Hindi nagtagal ay narinig kong sumara ang gate. Maya-maya ay papasok na sana ako ng kwarto ko ng may marinig akong sigaw sa labas.

Bumalik si Gem? Nagsalubong ang kilay ko sa ideya. Ilang minuto na ng umalis si babae.

"Gem? Ikaw ba iyan?" Baka nadatnan ng ulan. Napayakap ako sa sarili ko ng buksan ko ang pinto. Bumungad kasi sa akin ang napakalamig na hangin.

"Kirstein?" Tanong ko sa lalaking nakatalikod sa gate. Basang-basa ito. Agad kong binuksan ang gate.

"Hi. Pwede makisilong?" Bungad nito sa akin.

"Pasok bilis!" Agad-agad akong tumakbo papasok ng bahay.

"Bakit ka lumabas ng walang payong? Basa ka tuloy." At ako pa talaga ang inalala.

"Bakit ka nasa labas? Ang lakas ng ulan Kirstein. Baka mapano ka. Bawal pa namang maulanan ang pusa." Sabi ko dito.

"What?" Bingi ang lalaking ito. Good to know.

Umalis ako sa harap niya at kumuha ng towel at shirt ng kapatid ko. Kasya naman siguro. Paano iyong pambaba? Ay bahala siya dun.

"Oh! Punta kang banyo, maligo ka don." Tinuro ko dito ang daan patungong banyo. Agad naman itong tumalima.

Dalawang buwan pero bakit parang may nagbago kay Lasaca. Iyong buhok niya, clean cut na. Lalong gwumapo ang loko. Napailing ako sa naisip ko. Magtimpla nga nalang ng kape.

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon