Chapter 16: Sweetness

46 0 0
                                    

"Guys, hindi na talaga langgam. Hantik! Grabe, nakaka-inggit." Halatang kinikilig na sabi ni Keila.

"Papuntahin na kasi dito para may kalambingan ka din." Sabi ni Gem kay Keila. Naiinggit eh. May Orion ito pero nasa malayo nga lang nag-aaral. Magda-dalawang taon na sila Keila at Orion. Long distance relationship isn't easy. Hindi mo alam kung anong ginagawa niya, ikaw pa ba o meron ng iba.

"Huwag nga kayo! Mga malisyosa." Sabay upo. Nanghina ako doon ha!

"Sus! Sabihin mo, kinikilig ka. Kirstein Pierre Lasaca? May dinalhan ng payong? Unbelievable!" Parang nagbro-broadcast na sabi ni Keila.

Nakita kong nakangiti ng nakakaloko si Kirstein. Bangasan ko pagmumukha nito eh. Kung ngumiti, wagas.

"Ano?!" Pagalit na tanong ko dito.

"Miss naman, ikaw na ang ginawan ng effort, ikaw pa ang galit." Turan nito sa akin.

"Wala bang salamat diyan?" Dugtong nito sa sinabi kanina lamang.

"H-ha? A-ah, thank you pala." At ngumiti ako ng aking one of a kind smile.

"Walangya! Naglambingan lang naman sa harap natin Kei." Tumatawa naman si Keila dahil sa sinabi ni Gem. Naglalambingan? Thank you lang, naglalambingan agad?

"Wala ka nang pakialam dun!" Bwelta ni Kirstein.

"Huwag ka ngang pabebe Pierre pwera nanonood lang kami. Wala ng pakialam?" Ang hilig magdrama ng mga tao ngayon. Napailing nalang ako. Hahay, ginaya pa talaga ang mga Pabebe Girls .

Sa unang pagkakataon ay narinig ko itong tumawa. Umalingawngaw ang tawa nito kahit malakas ang buhos ng ulan. His laugh is so carefree. Parang walang problema. Hindi katulad noong nasa bahay siya. Ang sarap pakinggan ng tawa niya ngayon, parang isang kantang gusto kong pakinggan palagi.

"Huwag nga kayo." Saway ko sa kanila. Kung ganitong palagi nila kaming tinutulak sa isa't-isa ay baka mahulog akong mag-isa.

"May hindi ka sinasabi Yngrid." Keila pouted. Geez, she's already cute. Baka sumobra, abnormal na.

"Ano iyon?" Sabat ni Kirstein.

"H-ha? Wala!" Ang pangit pakinggan kung sasabihin ko sa kanila tapos nandito siya.

"Hoy! Meron. Iyong kasagsagan ng bagyo ba iyon?" Pinanlakihan ko ng mata si Keila.

"Ah! Hindi mo pa sinabi? Doon ako natulog sa bahay ni Miss." Kampanteng sabi nito. Nyemas ka talagang pusa ka!

"What?!!" Sabay na sigaw nina Gem at Keila. Buhol na talaga ang bituka ng mga ito. Pati ba naman reaksyon, magkatulad.

"Ay grabe. Kung makasigaw." Pinaypayan ko ang sarili ko. Ang ginaw pero ang init ng pakiramdam ko. I could feel my cheeks turning crimson. Oh my God.

"Yngrid Mellana! Lalake pa rin iyan. Ano na lang kung may ginawa 'to sayo?" Ngayon pa talaga sila hysterical na dalawang linggo na ang lumipas. I'm fine. Perfectly fine. Hindi nga ako mapakali ng gabing iyon kasi iniisip ko ang taong nasa kabilang kwarto.

Call me paranoid, not that I don't trust Kirstein. Kanakabahan ako. Paano kung bumukas iyong pinto? Anong gagawin ko? Pero salamat sa Diyos wala namang ganoong nangyari.

"I stayed just for a night. Kayong tatlo, magkakaibigan talaga kayo. Masamang mag-isip. Hindi ako gagawa ng ganoon, takot ko lang kay Miss." Nakatingin si Kirstein kay Keila na nakataas ang kilay. Ang hirap nito.

"Pagkaalis kasi ni Gem, umulan. Bagyo na pala iyon. Hindi ko man lang alam. Eh ito, parang basang sisiw sa labas kaya pinapasok ko na. Mamatay pa 'to sa ginaw, ako pa ang may kasalanan." Buod ko sa mahabang kwento. Hindi ko nilahat kasi sa amin lang iyon ni Kirstein.

Natahimik sina Keila at ng biglang kumulog ay siyang gulat namin ng tumili ang mga bruha sabay talon pa.

"Ang sweet! Gusto ko din ng ganoon!" Aning Gem na kinikilig pa rin.

"Sweetness overload! Kayo na, kayo na talaga." Keila made a sharp sound ng 'ayiee'. Hindi ko gets kung bakit nagha-high five pa sila.

Tumingin ako kay Kirstein. Kinikilig kaya ang taong 'to? Kasi ako, gusto kong tumalon-talon din pero ayokong magpahalata. Nyemas. My friends are really hopeless. Hanggang tumila ang ulan ay walang ibang bukambibig kundi 'Ang sweet niyo.' at Ayieeee!'

I admit it, kinikilig ako. Huwag nga kayo. He is really sweet. Ngayon ko nga lang nalaman na may asukal pala sa buto itong si Lasaca.

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon