Chapter 29: Shock

40 0 0
                                    

Okay, sinabi niya kasing kinilig siya doon sa Chapter 24 kaya bilang pasasalamat this chapter is dedicated to beautiful albieyyyyy.

P.S
Pambawi sa kilig. Hahaha
----------------------------------------

"Good job Miss!" Narinig ko na sigaw ni Kirstein. Nanlaki ang mata ko.

"What?" Gulat na napasigaw ako ng sumagi sa isip ko na I'm alone. Walang suporta. Lumingon ako at nakitang nasa di kalayuan nakatayo si Kirstein. Bigla kong naapakan ang break dahilan ng pagkawala ko ng balanse.

Oh God. I'm gonna die.

Bigla ko na lang namalayan na may mga kamay na pumulupot sa bewang ko, dinaluhan ako nito.

Thanks God!

Binitawan ko ang bisikleta at narinig ang lakas ng impact ng pagbagsak nito. Pero wala akong pakialam, pinagsusuntok ko ito sa dibdib.

"Sabi ko huwag kang bumitaw. Bakit mo ako hinayaan? Paano kung natumba ako tapos magagasgasan ang pinakaiingatan kung kutis tapos nabagok ang ulo ko tapos namatay ako, iiwan kita." Hindi ko pa din siya tinitigilan sa pagsuntok. Hindi nagtagal ay umiiyak na ako. Natatakot ako. Kaya nga ayaw kung magbisikleta dahil takot akong matumba. Noong bata ako, sumakay ako sa bisikleta ni Kuya Christian tapos ayon, sa palayan ang bagsak namin. Ang dami kung sugat ng dahil doon.

"Shhhh, don't cry. Wala namang nangyari eh. Tahan na. Kung hindi kita binitawan, hindi ka matututo. Its alright, hindi kita pababayaan. I'm here to catch you every time you fall." Yinakap ako ito. Sana ganito na lang kami palagi. Ako, nakayakap sa kanya at pinatatahan niya. I feel like I'm on cloud 9. His hugs are like my Korean music, soothing and comforting.

"Bili mo akong cotton candy tapos lollipop." Sabi ko dito habang kumakalas sa yakap niya. Sabihin pa ng mga tao dito na PDA kami. PDA naman talaga kami, hindi lang sinasadya.

"Just wait for me." Agad siyang tumalima sa demand ko. Cute. Umupo ako sa pinakamalapit na bench.

I was watching two cute kids playing ng may mapuna akong may umupo sa bench. It wasn't him dahil hindi pa siya dumaan sa harapan ko.

"You knew that I love him." Napalingon ako sa nagsalita.

Delaine Solidad. The last person I wanna be with right now.

"Sana sinabi mo. Hindi iyong para akong tangang nagkukwento sa iyo. Ang sakit Yngrid." I saw pain crossed her eyes. Am I hurting her? Wala naman akong kasalanan.

"I-I'm sorry. I did not mean to hurt you." Napayuko ako. Bakit ba ako nahihiya? Wala akong ginawang masama. I should be proud but I just couldn't. Parang pinagtaksilan ko siya?

"Nasasaktan na ako Yngrid. Wala ka ng magagawa doon. You took away the only reason why I'm still breathing. You took away the only person who could make me happy. Kinuha mo ang tanging pag-asa ko." I could feel that she's about to cry pero pinipilit niyang magpakatatag sa paningin ko.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko dito.

"Nasa iyo na lahat Yngrid. You have the name, the fame, the talents and brain. Pati ba naman si Pierre?" Hinarap ako nito. I could see her eyes burning, mixed with anger and pain. Ako na naman? Ako na naman ba ang magpaparaya? Parati na lang?

"Lani, I'm very sorry but I can't just give up Kirstein. I love him, he loves me. Wala namang mali doon." Harsh but the truth. Ano ba ang aasahan niya? Ganun-ganun na lang? Ibibigay ko si Kirstein na parang papel na pag may nanghingi, bigay agad? No way!

"He's mine. Tandaan mo iyan Yngrid. I loved him first. Lalaban ako. He's my everything. Sana alam mo pero hindi ko gustong kaawaan mo ako. Mapupunta siya sa akin dahil gusto niya hindi dahil sa awa." I saw a lone tear escaped her eyes. Umiling ako, this time, it should be me. Ako dapat ang masaya. Tapos na akong magparaya, kaligayahan ko naman ang uunahin ko.

"I hope that I could understand you Lani. Pero tapos na akong magparaya, pagod na akong unahin ang kasiyahan ng iba. Ako naman, sarili ko naman ang uunahin ko." Matatag na sabi ko dito.

"Sa ngayon lang iyan, he would be mine." Tumayo na ito at umalis. Pinagmasdan ko ang rebulto nito papalayo. Kasalanan ito ni Kirstein, ang tagal dumating.

"Sorry Miss, may tinulungan pa kasi akong batang nawawala. Natagalan tuloy ang cotton candy mo." Napangiti ako ng biglang sumulpot si Kirstein sa harapan ko. Ang kanang kamay nito ay nasa kanyang batok at ang kaliwa ay may dalang candies.

Shocks! Ang sweet ng boyfriend ko.

Tinuruan ako nitong magbike, naglaro kami ng parang bata sa park. Wala akong ginawa kundi ngumiti at tumawa. The sweetest man I ever known is laughing with me. Kinalimutan ko muna ang problema. Zack and Lani, ayoko muna silang isipin. Nanamnamin ko muna ang mga masasayang sandaling ito. Ito ang problema sa pagiging masaya, malaki ang posibilidad na baka bukas, hindi na.

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon