Chapter 23: His Property

49 1 0
                                    

And I was like 'Where are we?', pero hindi ako sinasagot nito. Ayaw niya talagang sabihin. Sabagay, date naman 'to.

Assuming. Maghunos dili ka. Saway ng aking utak. Ayokong mag-isip ng kung ano ngayon. Susulitin ko ang pagkakataong ito. Hindi nagtagal ay naramdaman ko na lumiko ito pakaliwa.

Kristine's, bumungad kasi sa amin ang pangalan ng isang..restaurant?

"Nasa Maynila pa ba tayo?" Tanong ko sa kanya ng pagbuksan niya ako ng pinto. Gentleman ang loko. Ngumiti ito ng napakalapad.

"Of course, hindi nga tayo lumayo eh. Halika na." Sagot nito at hinawakan ang kamay ko. Nakakahiya. Holding hands while walking without talking. Hanep.

Akala ko, papasok kami sa loob ng restaurant pero mali ako. Lumiko siya at naglakad patungo sa likuran ng restaurant.

"Mas gusto ko dito sa garden ng Kristine's. Mapayapa, tahimik, at magaan sa pakiramdam." Sabi niya sa akin habang naglalakad pa rin.

Hindi kalaunan ay may nakita akong fountain sa gitna mismo ng garden. Nakapalibot dito ang nagsisi-pulahang mga rosas. Nasa kanan ang kulay dilaw at puti ang sa kaliwa.

Pero hindi iyon ang nakaagaw ng pansin ko. Kundi ang lamesang nakahanda na ang lahat.

"I-ikaw may gawa nito?" Nauutal na sabi ko.

He nodded and I think I want to cry. Seriously?

"Bago ako pumunta sa bahay niyo, dumaan muna ako dito." Dumaan? Gumastos ang taong ito para sa akin?

"Eh. Gumastos ka pa. Pwede namang doon sa malapit lang." Sabi ko dito habang paupo na.

"Para naman sa iyo. Tsaka hindi ako gumastos." Natigilan ako doon. Hindi? Ano ito? Favor sa kaibigan? Kristine's, if shuffled, nasapo ko ang bibig ko. Grabe!

"You own the place!" Gulat na sigaw ko. Ngumiti lang ito na siyang dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Grabe, ikaw na ang mayaman." Turan ko dito.

"Hindi naman. Pamana ni Mom, she's Kristine." He snapped at agad na lumapit ang isang waiter.

He gave us the main dish after the appetizers. I was awed by what he served. Ang sasarap tingnan at ang gaganda ng plating. Pero nadagdagan ang amazement ko ng matikman ko ang mga ito.

Heaven. Tastes like heaven. Nakangiti ako habang kumakain. Napapansin ko na panay ang nakaw ni Kirstein ng tingin. Hindi ako magpapa-demure kung ganyan ang iniisip niya.

"Sabihin mo lang kung gusto mo akong tingnan buong araw. Hindi iyang nakaw ka ng nakaw." Sabi ko dito ng minsang tumingin na naman ito sa akin.

"Sige ba. I'm willing to stare at you forever." Sagot naman nito. Akala ko siya ang kikiligin. Nag-init ang magkabilang pisngi ko. Nakalimutan ko, he could turn the table.

"Kikiligin na ba ako?" Ay shit! Napalakas ata. Bibig ko na may bangs. Whoah. Kakahiya. Lumapad tuloy ang ngiti nito. Letse. Naisahan na naman ako.

"Stop grinning." Saway ko dito. Naramdaman kong lumapit ang waiter and he served the desserts.

"You really like Mocha moist, don't you?" Tanong ko dito ng makita ko na Mocha moist talaga ang una niyang kinuha.

"Mom used to bake me Mocha moist when I was young. Kaya naging paborito." Kwento niya sa akin.

"Tanong ko lang, sinong nagluto ng mga 'to? Sabihin mo sa kaniya na gusto ko siyang pakasalan." Sinundan ko ito ng tawa. Seriously, ang sasarap.

Ngumiti ito. Napapansin kong ang dalas ngumiti ng lokong ito ngayon. Anong nakain nito?

"Okay then, let's get married right away." Sagot niya.

"Sa kay Mr. Chef, hindi sa iyo." Sinalo ba.

"I said, let's get married right away." Wait, pangalawang beses na niyang sinabi iyon. Huwag niyong sabihing..

"Oh my God. You really are full of surprises!" Turan ko dito habang nasa state of shock pa rin.

"There's more. Tara, ililibot kita sa Kristine's." Habang naglilibot kami ay panay ang kuha niya sa akin ng litrato. Ako naman, feel na feel ang ngumiti. Dala-dala ko pa rin ang bouquet na ibinigay ni Kirstein kanina. Eh sa gusto kong dalhin.

"Hindi ka ba nabibigatan sa dinadala mo? You could put it in the table." Tanong niya sa akin habang nakatingin sa dala ko.

"Okay lang. Gusto ko ang amoy eh. Ikaw ba, gusto mong makita ang bulaklak na binigay mo na iniiwan lang?" Binigyan ko siya ng aking one million dollar smile.

"Huwag ka ngang ngumiti ng ganyan. Kinakabahan ako." Napalingon ako sa kanya. Why is he nervous? I saw a piano. A piano inside a garden? Binitawan ni Kirstein ang kamay ko at pumunta sa harap ng piano. My hands feel cold, ang init kasi ng kamay ni Kirstein ayan tuloy nasanay.

Nagsimula siyang tumugtog. Kiss the Rain, he was playing it. He's playing one of my favorite songs. Para akong naiiyak sa saya, sa kaba at sa halo-halong emosyong nararamdaman ko. He finished playing the piano at naglakad papunta sa akin.

"Yngrid, this is not a friendly date kung iyan ang nasa isip mo." Napanganga ako. So, all this time dapat hindi ako nasasaktan.

This is not a friendly date! This is a romantic date, for Pete's sake! Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Yngrid Mellana, I want you to be my property. I want to be your property." I could feel my jaw dropped and my heart pounding like there's no tomorrow.

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon