Chapter 24: Yellow Light

47 1 0
                                    

Worth it ang hindi ko pagpasok sa Italia ng araw na iyon. If I did, hindi naganap ang pinakamaligayang araw sa buhay ko.

Geez, kinikilig pa rin ako sa nangyari noong Sabado. Walang hiyang Kirstein, baka diabetes ang labas ko sa sobrang ka sweetan.

"Ang sweet ni Orion ko, pinadalhan ako ng bouquet of roses sa bahay." Patili-tili pa siya habang nagkwe-kwento.

"Wala ka sa Henry ko, pinuntahan ako sa bahay tapos binigyan ako ng chocolates. Namasyal naman kami sa EK." Ngumiti ito ng napakatamis. In love ang mga kaibigan ko. Naiingit ako. Pero okay lang, may Kirstein naman ako. Inako talaga, parang akin na.

"Ikaw na ang pinuntahan! LDR here." Parinig ni Keila kay Gem. LDR pero matatag naman. Hindi kagaya ng iba, kabilaan.

"Alam kong may nangyari sa 'yo. Kwento mo na." Sabi ni Gem sa akin.

"Gem, malapit na ang ikatlong klase natin. Punta kayong bahay, doon ko iku-kwento." Sabay talikod. Eh baka hindi ko macontrol ang sarili ko at magtitili ako diyan sa tabi. Napagkamalan pa akong baliw.

"Ay, ganun. Pabitin. Humanda ka. Sige, alis na ako." Ganoon kasimpleng umalis si Keila. Okay fine.

Pumunta na kami sa aming klase. Wala namang gaanong tinalakay. Malapit na rin kasi ang Marso. Busy na naman kami.

"Biologist, originated from Biologie, from bi- + -logie -logy." Sabi ng professor namin. Kung kelan malapit ng matapos doon pa bumalik ang topic na iyan.

Mag-aalas otso y medya na ng uwian namin. Gutom na ako. Hindi ko pa naman kayang hindi kumain ng apat na beses sa isang araw. Trip ko eh.

Naglakad lang ako pauwi ng bahay ngunit hindi pa ako nakakalayo sa school ay may narinig akong boses.

"Pasok." Nakakatakot ang pagbigkas niya. Puno ng awtoridad. Ngunit tinitigan ko lang ito. Bakit?

"Papasok ka o kakargahin kita?" Dahil doon ay napapasok niya ako. Nakakatakot eh.

"Miss, kapag wala kang kasama, pwede mo akong puntahan. Ihahatid kita." Ito ang bumungad sa akin pagbuhay niya sa makina ng sasakyan niya. Aba! He's underestimating me. Hindi naman gaanong malayo ang bahay namin dito.

"Kaya ko ang sarili ko Kirstein. Walang mangyayari sa akin." Sagot ko dito. He's being OA na.

"Wala nga, paano kung may mangyari? Hihintayin mo pa? Paano kung may tambay diyan? May adik, may rambulan, may raid, may nakarugby? Eh di napahamak ka. Hindi ko kaya yun, Miss. Mababaliw ako nun." Napatanga lang ako sa sinabi niya. Nawala ang kaninang maawtoridad na aura niya. Napalitan iyon ng pag-aalala.

May namayaning katahimikan na si Kirstein mismo ang bumasag. Isang katagang gustong-gusto kung marinig.

"Yngrid, just give me the yellow light and I'll be the happiest man on earth." Yellow light? Traffic? Getting ready? Nanlaki ang mga mata ko. Oh my God!

"We are here..kanina pa." Halata ang pag-iwas niya sa tanong niya kanina. Doon ko din nalamang nasa bahay na pala kami.

Bumaba ito at binuksan ang pintuan para sa akin. Minsan gentleman, minsan hindi.

Bakit ka natatakot Kirstein. Huwag kang matakot.

"Kirstein, I already gave you the yellow light you needed. Sobra pa nga, pati green binigay ko na." Nakita kong lumiwanag ang mukha niya. At sapat na iyon para mapangiti din ako.

"Ano ba tayo Kirstein?" Lakas-loob kung tanong sa kanya. Walang takot. Dahil alam ko na sa oras na ito, hindi ako marereject.

"Ano nga ba tayo Yngrid?" Papalapit siya sa akin na siyang dahilan kung bakit ako napaatras. Lumapat ang likod ko sa isang malamig na bagay. Kotse niya. I'm trapped.

"Sapat na bang mahal kita at mahal mo ako?" Nakita ko siyang nakangiting-aso. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Mahal niya ako. Mahal niya ako!

"Mahal mo a-" Naputol ang dapat na sasabihin ko. Hinalikan ako ni Kirstein. Hinahalikan ako ni Kirstein Pierre!

Kusa siyang huminto. Ngunit kinuha niya ang kamay ko at ipinatong sa dibdib niya. Sa may bandang puso. Ang lakas ng tibok nito.

"Dahil sayo, ganito kabilis ang tibok ng puso ko." Binitawan niya ang kamay ko ngunit hindi ako nakuntento. Gusto kong marinig ang tibok ng puso niya kaya niyakap ko siya.

Ang sarap sa pakiramdam pero ang lalong nagpapasaya sa akin, tumitibok ito dahil sa akin. Sa akin at sa akin lang. Nanatili kami sa ganoong ayos ng halos ilang minuto.

"Chansing ka na." Sabi niya sa akin. Sus, pabebe pa eh. Gusto naman.

"Gusto mo naman." Ngumiti ito ng napakatamis. Kung ganito siya palagi, magkakaheart attack ako.

"Gabi na, matulog ka na. Goodnight, Girlfriend." Oo, hindi sa salita pero puso na namin ang nagpasiya. Its not that I'm an easy to get, iba lang talaga ang pangliligaw niya. O ako ang manhid?

"Drive safely, huwag kaskasero. Sweet dreams, Boyfriend." Hinintay kong makaalis ang sasakyan niya bago ako pumasok. Gusto kung tumalon, sumigaw, magtitili pero hindi ko ginawa. Sa halip, ngumiti na lang ako.

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon