Chapter 37: Missing Someone

46 0 0
                                    

I missed her.

Ilang buwan na rin nang magsimula itong magreview para sa board exam. She's busy and I'm busy too. Hindi na rin ako laging pumupunta sa kanila, her brother's look could kill. Pero kahit na ganoon ay tinatawagan ko pa rin siya.

"Stephen, is it possible to miss someone this bad?" I saw him winced. Tumingin muna sa bintana bago lumingon sa akin.

Bitter.

"You saw each other last week and I last saw her three years ago. You're just exaggerating things Pierre." Kahit nagagawa na niyang gawing magbiro ng ganyan, I know, he's still hurting.

"How did you handle the pain? We all knew that you love her to the highest level." Umupo ako sa katabing upuan sa salas niya.

Tumingin ito sa malayo. Hindi ko alam kung ano ang nasa labas ng bintana niya dahil dito siya nakatingin.

"Let's not open the wound Pierre." Tugon nito sa tanong ko. He keeps avoiding it. As long as he could.

"Walang sugat na gumagaling kung hindi ginagamot. It's time to face the reality Stephen Carl." I looked at him and trust me, he's in the verge of crying.

"Matagal ko ng hinarap ang katotohanan Pierre. Ang katotohanang mabubuhay ako na wala siya sa tabi ko. Every day of my life, nangungulila ako sa kanya." Napangiti ito ng mapait. The saddest smile he could offer.

"Anong ginagawa mo kapag namimiss mo siya?" Tanong ko dito. Namimiss ko lalo si Miss sa usapang to.

"Pinupuntahan ko siya kung saan siya payapang nagpapahinga." Pupuntahan ko siya mamaya. Ginawa ko namang patay si Miss nito eh.

"Araw-araw ko siyang namimiss kaya araw-araw ko siyang pinupuntahan. Kahit nang-iwan siya, mahal na mahal ko pa rin siya. Ang sakit Pierre, ang sakit mawalan. Ang sakit mangulila sa taong nagpapahinga na." Sa ikalawang pagkakataon, nakita ko na naman si Stephen Carl Ybanez na umiiyak. Bakit ko ba kasi ito iyong napili kong pag-usapan?

"Bakit hindi mo puntahan?" Tanong nito sa akin.

Naaasiwa ako sa tinging ipinupukol ng kapatid nito. Na para bang may gagawin akong masama. He's just 18 pero ang mature ng pag-iisip.

"Nandoon ang kapatid niyang parang papatay kung makatitig." Hindi ko alam kung bakit. He doesn't like me? He's jealous of me? I dunno.

"Kapatid lang iyon Pierre, hindi pa magulang. Titiklop ka kung sila na? Boo pare boo." Sa totoo? Bakla ba 'tong kausap ko? Ang bilis magbago ng mood eh.

Binato ko ito ng unan. Baliw eh. Pero seryoso, I really missed her.

"Stephen, una na ako. Pupuntahan ko si Yngrid. Baka magtampo iyon eh." Ngumiti ako dito bago tumayo. I saw him smile but his eyes are telling me he is lonely.

Someday Steph, someday.

"Miss, nasaan ka?" Nakatayo ako sa labas ng bahay nila. Mula dito ay kitang-kita kong palakad-lakad ito sa salas nila.

"Bahay? Why?" Napangiti ako sa ginawa nito. She smiled while holding her phone habang palakad-lakad.

"Can I visit you? Or you're busy something?" Tanong ko dito.

"Of course, para ka namang others eh. Hindi mo na ako sino-sorpresa. May iba ka na? Ha? Ha? Naging busy lang eh." Tumalikod ito kaya hindi ko  makita ang reaksyon nito.

"You know I can't do that. Lumabas ka nga ng bahay niyo. Pinapapak na ako ng lamok dito oh." Nakita kong napalingon ito sa labas. Her mouth formed Oh Gosh.

"You really are something." Pinatay na nito ang cellphone nito at dali-daling lumabas. She's wearing a sleeveless orange shirt and white shorts. Beautiful.

"Surprise." Nakangiti ito habang papalapit sa akin. Geez, I'll never let go of her smile. Iniabot ko dito ang dalang bulaklak. Daffodils and Freesia.

It's her favorite flowers.

"Ilang oras ka ng nandito? Ba't hindi mo sinabi agad." Ngumuso ito na nakagawian na nito.

"Tatlong oras lang iyon kumpara sa anim na taong paghihintay ko sa iyo." I gave her a smack on the lips. I'm happy to see her. OA na siguro ako. But sorry, I'm just in love.

"Pumasok na nga tayo sa loob. Kung ano-ano pa ang sinasabi eh." Hinila niya ako papasok ng bahay nila.

"Ba't ngayon ka lang pumunta dito? You know you are free to visit me." I am free to visit. Pero para namang hindi bukal sa loob ng kapatid niya.

"I know. Nandiyan ba si Lemuel? Your brother could kill with his stares. Mabuti pa't hindi pa nadadakip iyan. Aray naman Miss!'' Binato ba ako ng throw pillow.

Hindi ko gusto to pero sige na nga lang.

Binato ko pabalik sa kanya ang unan. Tumatawa lang ito habang papalapit sa akin at hinampas ako.

"Miss naman! Nagiging sadista ka na. Dahan-dahan naman." Ang lakas kung makapalo eh. Parang hindi babae.

Tawa pa rin ito ng tawa.

"This is fun! Haha! I used to play pillow fight sa internet but Ate and Lemuel always beat me. Mas maganda pala kung totoo." Hahampasin sana ako nito ng inabot ko ang beywang niya at niyakap ito.

"I missed you." And I kissed her temple.

"I missed you too." She kissed me on the cheeks at doon kami may narinig na nagsalita.

"Uhm? SPG?" Nakataas ang kilay ng kapatid nito.

"Hindi ah. Naglalaro lang kami." Umalis ito sa pagkakayakap ko at hinawakan ang kamay ko, na siyang nagpangiti sa akin.

"Naglalaro? Ano kayo? Bata?" At pumasok na ito sa kwarto nito. I can't help but smile. He's bitter. Sobrang bitter.

"Hayaan mo iyon. Binasted eh kaya ganoon." At tumawa ito.

"Crazy woman. I really missed you." This time, I kissed her lips.

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon