Chapter 38: Please Don't

59 0 0
                                    

Nakangiti ako habang nakatingin sa results ng board exam. Para ata akong natulos sa kinatatayuan. I am now a licensed Biology teacher. Nakapasa ako! Nakapasa kami ni Geminie Carolla!

"Beshy!! I really can't believe it! First try natin to. Nakapasa agad tayo." Sa malaking boses na sabi nito. Leshe! Gustong umulit?

"Baliw ka? Gusto mong umulit? Kung gusto mo, ikaw lang. Huwag kang mangdamay." Inirapan ko ito. Hindi biro ah.

Ngiting-ngiti naman ako habang nakatitig sa resulta, iba na matalino. Napabilang ako sa top 10. Ito naman ay ika 30. Matatalino eh. Natawa na lang ako sa naisip ko.

"Naks, pumang-walo lang eh." Sagot ni Gem sa akin.

"Hoy, alam mo bang parang piniga utak ko niyan? Nobody said it was easy." Kinanta ko pa ang huling bahagi nito.

"Ano? Party na?" Baliw nato. Party agad? Hindi ko pa nga nasasabi kina Mama.

"Baliw. Sasabihin ko pa kina Mama. Asan si Keila Helena?" Palinga-linga ako habang nagsasalita. Nandito iyon eh. Sinama namin.

"Where is she? That crazy living thing. Sar! Nakapasa lang, ginamitan na agad, a-aray!" Kinurot ko sa tagiliran. Geez, ano-anong trip ng babaeng 'to.

"Wait, tatawagan ko muna sina Mama." Eh sa excited ako eh.

"Hahanapin ko iyong bruhilda." Nakaalis na ito bago pa ako tumango. Okay, bastosan?

Tatawagan ko ang Mama, uuwi ako ng Davao sa makalawa. Malay mo, may handaan doon.

Seriously? May ring back tone si Mama.  God Gave Me You? Lakas maka-AlDub ah.

"Oh anak? Napatawag ka? May resulta na ba? Nakapasa ka ba?" Napatawa ako ng mahina dahil sa mga tanong ng Mama. The ever supportive her.

"Ma, may ipon naman kayo dyan di ba? Baka balak niyong magpahanda?" Hindi ko inaasahang ang magiging reaksyon ng Mama.

"Romulus!!!! Nakapasa ang anak natin!" Sigaw nito.

"Ma. Lucia, huwag kang sumigaw.Uso ang loudspeakers, narinig ko." Napa-iling ako sa sagutan nito. Halatang-halata na komportable at mahal na mahal ang isa't-isa,

"Uuwi po ako sa makalawa Pa, Ma. Nandiyan na ho ako sa Sabado." Eh sa gusto kong umuwi.

"Dalhin mo si Lemuel dahil namimiss ko na ang batang iyon." Nag-aaral iyon eh. Tapos taong-bahay pa. Ewan ko sa lalaking iyon, parang ayaw na ayaw niya kay Kirstein.

"Opo, sige po, paalam. Maghanda kayo ha. I love you. Mwah." Sumagot din ito at napangiti ako.

Iso-sorpresa ko na lang si Kirstein mamaya. Busy din iyon eh.

"Yow shimi shimi yow yow." Biglaang sulpot ni Keila Helena sa likuran ko.

"Anong-yow? Nasaan si Geminie, Keila Helena?" Lumayo ako dito ng dalawang dipa. Alam ko, masusuntok ako nito.

"Sabing ayaw na ayaw kong kinu-kumpleto pangalan ko eh. Ihahabla talaga kita." May pahabla-habla pang nalalaman eh.

"Sagot lang kailangan ko, hindi reklamo." Hinampas ko ito. Nanggigigil ako.

"Tinawagan sina Tita. Kala mo ikaw lang ang marunong? Alam na ni Pierre?" Umiling lang ako bilang sagot.

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon