Chapter 6: Kirstein Pierre

76 1 0
                                    

Iba na talaga ang mga gwapo ngayon, nagkakagulo ang mga tao pag may isang dumaan.

Pero nasa loob pa naman ako ng kotse ko, kaya wala pang nagkakagulo. May nakita akong isang rebultong pamilyar sa akin na naglalakad sa daan.

Ang miss ko pala. Hindi ba ito natatakot mangitim. Hanep ah.

"Miss, halika na. Iitim ka niyan sige ka." Panakot ko dito. Naglalakad ng walang payong, ano ito? Immune sa init ng araw?

"Ihahatid mo ako?" Nagtatakang tanong ni Yngrid.

"Hindi, I'm just gonna watch you hanggang makarating ka ng school." Ang slow din ng matalinong ito. Meron bang ganoon? Tititigan ko lang siya ganun?

"Sumakay ka na nga, ang slow mo rin noh?" Napailing nalang ako. Itong babaeng 'to. Panira eh.

"Salamat." Tanging sambit niya ng makarating kaming school.

"Walang anuman miss." Pagbaba nito agad-agad itong naglakad ng mabilis.

Napailing na lang ako. Isang weird na babae.

Naglakad na ako papunta sa klase ko. Hindi pa naman ako late. Nagsititigan na naman iyong mga babaeng walang magawa sa buhay kundi pagnasaan ako. Iba na talagang gwapo.

"Hi Pierre." Bati ni Delaine.

Hindi ko na ininda. Everyday she keeps on pestering me. Sarap magtago sa baul. Kung iyong iba eh sa titig lang, ito kakaiba. Kung nasaan ako, nandoon din siya.

"Pierre naman eh. Pansinin mo naman ako." Ang kulit din ng isang 'to.

"Lani, wala ka bang pasok?" Accountancy ang kinukuha nito. At sa pagkakaalam ko, malayo ang building namin dito.

"Ay shit! Late na ako. Ikaw naman kasi Pierre eh, hindi ko kayang hindi ka masilayan." At bumungisngis pa ito habang paalis. Nangilabot ako sa pinagsasabi ng babaeng ito. Pati ata buhok sa batok ko nagsitaasan.

Wala ako sa mood ng pumasok sa unang klase ko ng hapong iyon. Pero sabagay, sino bang hindi mapapansin ang isang Kirstein Pierre Lasaca? Gwapo, mayaman, matalino, talented, hot at hot. Ako na talaga.

"May dumagdag na naman ba sa sakit ng ulo mo?" Biglaang tanong ni Stephen.

"Kinilabotan lang ako sa sinabi ni Delaine." Nawala tuloy ang mga good vibes sa katawan ko.

"Ganyan talaga tol, hindi naman natin kasalanang maging hot." Tinapik-tapik pa niya ang balikat ko.

"Tumahimik ka nga Ybanez." Naputol ang pag-uusap namin dahil dumating sina Zack at ang barkada nito.

Umupo na ang mga ito at dumating na ang Professor namin ng klaseng iyon.

Nang malapit ng matapos ang klase ay tiningnan ko si Zack. Busy ito sa cellphone niya. May tinitipa siya tapos binubura. Magtitipa na naman siya tapos buburahin.

"Hindi ka ba napapagod kabubura Zack?" Mahinang bulong ko dito. Total malapit ng matapos ang unang klase namin.

"Huwag mo nga akong pakialaman. Nag-iisip ako dito." Nakabusangot na naman 'tong taong to.

"Sino ba yan at kailangan mo pang mag-isip? Hindi ka naman marunong nun." Ani ko dito.

"Can you shut up? Mind your own business Pierre." Sa ibang direksyon siya tumingin habang nagtitipa pa rin.

"Alright. Baka tumaas alta presyon mo niyan." Nakinig nalang ako sa huling habilin ng Prof namin. Hindi, huling inihabilin bago siya umalis.

Makapag-text na nga lang akala niya siya lang may load. Sino bang pwede bwesitin ngayon. Nag-iisip ako ng dumaan sina Geminie at sakto. Tama! Ang highblood na si Yngrid Mellana.

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon