Chapter 39: Between The Two

78 0 0
                                    

We don't have a communication for 3 freaking days. Anong nasa utak ng taong iyon? Don't tell me na low battery ito because that is a lame excuse.

Nasa Davao ako ngayon. Noong Sunday pa ako nakarating dito. Lemuel is with me. Keila and Gem knew but he did not. Hindi siya nag-abalang alamin kung ano ang gusto kong sabihin sa kanya. Geez.

Palaging missing in action si Lasaca.

Pero palaging present kung si Delaine ang may kailangan sa kanya. How could he do such thing? Yaah!!! Insensitive.

"Nagmumukmok ka na naman. You've been doing that since we came here." Napalingon ako kay Lemuel. He was standing proud sa habla ng pintuan.

I stared at him.

"May problema kayo ni Lasaca? Is he cheating? Hindi nag-eefort?" Tumabi ito sa akin.

"I dunno. Hindi ko alam. Ayokong malaman." Sumandal ako rito. I miss my brother. We were on the same roof pero palaging hindi tugma ang schedule namin.

"Huwag ko lang malamang umiiyak ka ng dahil sa kanya. He stole you away from me at wala akong ginawa doon." He was weird. He was not sweet. He was the serious type. Pero kapag naglambing si Lemuel siguradong mapapangiti ka. Once in a blue moon lang kasi mangyayari.

"Ate naman eh!" I pinched his cheeks. Baliw eh.

"Anong he stole you away from me? So? Gusto mong forever akong single? You did not lost a sister, you gained a brother kaya magtino ka."

"Gained? Hindi pa kayo kasal Yngrid Mellana. What did I gain? Pero huwag mong ibahin ang usapan. What's your problem?" Akala ko nakalimutan na niya, hindi pa pala.

"I'll give you a situation. There was a girl who was sick and she loves a guy. The guy was kindhearted but he had a girlfriend. Pero palagi siyang nasa babaeng may sakit. What does that mean?" I looked at him. Magkasalubong ang mga kilay nito.

"Its either he's just kind or mas importante sa kanya iyong isa." Ouch. Hindi man lang nagpaligoy-ligoy. Diretso tira, walang sinayang na bala. Grabe. Kaya pala walang gaanong kaibigan ang isang 'to. Ang sakit makapagsalita.

"Mas importante iyong isa." Ulit ko sa huling sinabi nito. Pwede bang obligasyon muna? Wait, wala siyang obligasyon sa babaeng iyon.

"Mas importante ka kay Lasaca pero naoobliga siya kay Delaine. Don't think too much. Huwag mong hilahin ang oras." Tumayo na ito at patungong pinto.

"Lem, kung maka-Lasaca ka. Mas matanda iyon sayo." He just smirked at me. Geez.

"Wait!" Sigaw ko rito. Palabas na sana eh. Pero may gusto akong malaman.

"Ano na naman?" Naiiritang tanong nito.

"Paano mo nalaman lahat ng 'to?" I am puzzled. Akala ko wala itong pakialam.

"You are my sister and I have my ways." Tuluyan na itong umalis. Iniwan ako nitong naguguluhan. What if he is right? Bakit ba feeling ko palagi na lang siyang tama?

"Yngrid Mellana! Bumaba ka nga diyan. May bisita ka." Sigaw ni Mama. May bisita daw pero kung makasigaw.

Okay po. Sagot ko dito sa isip ko.

Nagsuklay lang ako ng buhok bago bumaba. Sina Keila lang iyan, sabi ngayon ang dating nila eh.

Nagmamadali akong bumaba sa ikalawang palapag ng bahay. I'm so excited to tour them. Bukas pa daw ang 'party' sabi ng Mama.

Pero iba ang nakikita ng mga mata ko. Hindi si Keila, hindi si Gem. Ang taong minahal ko dati.

"Zack!" I ran towards him. He really did surprised me.

"How did you know I was here?" Tanong ko dito.

"I visited my Lola and Keila mentioned that they'll be going to Davao for your celebration. Ba't ang layo?" Nilakap nito iyon ng tawa.

"Pati address?" Nakataas-kilay na tanong ko dito.

"No, bata pa lang ako alam ko na ang lugar na 'to. My Lola lives few blocks from here.'' Napatanga ako rito. Totoo? Walang halong biro?

"Hindi ako na inform. Busy mga tao rito, naghahanda para sa handaan eh. By the way, kumain ka na ba?" Tumango ito. Papunta kaming kusina ng makasalubong namin ang Mama. Sa gusto ko siyang pakainin. Baka gustong kumain, nagpapakipot lang.

"Ma, si Zack, kaibigan ko. Zack, ang Mama." Pakilala ko ng pormal sa mga ito.

"Oh, the man you met at your high school." Originally, nakatira kami sa Manila but Mama wanted to be here. Dito kasi nagmula ang lolo at lola.

"Mama naman eh. Nakaraan na iyon. Pambobomba na sa Paris ang uso." My gosh. Inilibing ko na iyon sa lupa.

"Huwag ka ngang guilty. Crush mo pa?" Napatawa ako sa turan ng Mama na naging dahilan ng paglingon ni Zack.

"Don't listen to her Zack. Wala lang trip si Mama. Tara, what do you want to eat. Salad? Cake? Oh, may cheesecake akong binake kanina. Wala kang choice, dapat tikman mo." Nilakipan ko iyon ng tawa. Nakita kong napa-iling ito.

"Hindi mo ako binigyan ng choice." Umupo na ito at tinikman ang inihanda ko. Napatitig ako dito. Double meaning?

"Not bad." Iyong feeling na you are expecting some compliment tapos iyon lang ang sasabihin.

"Don't frown. Hindi pa ako tapos. You baked well. Asus, naghihintay ng papuri." He teased me. Nakita kasi nitong sumimangot ako. Tumatawa ito ngayon.

"Tse! Pinaghirapan ko iyan no. Seryoso? Masarap?" Umupo ako at tumikim din. Pwede na akong magtayo ng bakery.

Ha-ha! Feeling.

"Masharap." Hindi ko napigilang mapatawa. Loko 'tong si Castardo.

"Huwag kang ganyan. Masabihan kang bakla sige ka. Hindi bagay sayo." He glared at me.

"Oops sorry. Hoy, tirhan mo kapatid ko." Patuloy pa rin ito sa pagkain ng cheesecake habang ako tawa ng tawa.

Nilibot lang namin ang buong subdivision. Para kaming bumalik sa dati. Iyong closeness na dating nawala. Kwento doon, kwento dito. I was longing for him. For my friend.

Dumating ang hapon at nagpasama ako dito papuntang airport. Susunduin namin sina Keila.

Ito ang nagmamaneho and as I look at him. Wala na. Wala na akong nararamdamang pag-ibig. Dahil alam ko naalis na iyon lahat ni Kirstein Pierre. Napangiwi ako sa naalala. Hindi pa rin nito alam kung nasaan ako. Hindi pa rin nito alam kung bakit ako nandito.

Bumalik sa gunita ko ang usapan namin kanina ni Lemuel.

Mas importante ka kay Lasaca pero naoobliga siya kay Delaine. Don't think too much. Huwag mong hilahin ang oras.

Kung papipiliin si Kirstein kung ako o si Delaine, sino ang pipiliin nito?

Sigurado akong ako dahil ako ang mahal niya. Pero paano si Delaine? Kailangan ba talagang mamili?

"You're thinking too much." Napalingon ako kay Zack. Did he know what I'm thinking? Kahit nagtatanong ang tingin na ipinukol ko dito, ngiti lang ang isinagot nito.

"Am I?" Hindi ko napigilan ang magtanong.

"Not really. Just get used of your set up for now.  Dahil sa larangang pinasok niyo, hindi maiiwasang walang panggulo. And I know, between the two, he will choose you." Bumalik ang atensiyon nito sa pagmamaneho habang ako lalong nalunod sa dagat ng mga tanong sa isip ko.

Sa larangang pinasok ko, hindi ko napaghandaan ang mga ganito. Akala ko, simple lang. Walang kumplikasyon. Ako, siya, masaya. Normal lang akong tao pero hindi ko alam na pwede palang maging teleserye ang buhay pag-ibig ng mga kagaya ko.

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon