Chapter 22: A Date

45 1 0
                                    

Matuling lumilipas ang mga araw. Hindi ko man lang namalayang araw na ng mga pusong baliw sa pag-ibig.

"Matutulog tayo ngayon!" Patalon-talon pa ako sa kama ko. Ayokong lumabas, makakakita lamang ako ng mga taong ang sarap barilin.

Nakahiga ako sa kama ng marinig kung may tumatawag sa aking pangalan. Ang gandang pakinggan. Sige, sigaw ka pa.

"Miss! Miss!" Patuloy na sigaw nito.

Isinuot ko ang aking Panda slippers at tumayo na.

"Opo! Parating na po." Ganoon na lang ang gulat ko ng makita si Kirstein na..ang gwapo. Saan ito pupunta? Bihis na bihis eh. May date?

Napahawak ako sa bandang puso ko, kumikirot ata.

Hoy Yngrid! Anong ibig sabihin nito? Letse, mahal na mahal ko na ata ang pusang ito.

"You love what you're seeing?" Tanong nito na siyang nagpabalik sa akin sa mundo.

"H-ha? Baliw na 'to. Hoy! Huwag kang assuming." Binuksan ko ang gate para makitang may dala itong bulaklak. Roses? Daffodils? Love and desire.

Mga paborito kong bulaklak! Sa ideyang iyon ay naiiyak ako. Sana akin nalang iyon. Biglang lumungkot ang mukha ko. Letseng babae iyan.

"Anong nangyari sa iyo? Hoy, huwag kang umiyak. Anong ginawa ko?" Natatarantang tinanong niya ako. Agad-agad siyang pumasok sa gate at hinawakan ang balikat ko.

Hindi ako sumagot. Naramdaman siguro nitong ayaw kong sumagot. Hinila niya ako at nagulat sa ginawa niya. Niyakap niya ako. Niyayakap ako ng isang Kirstein Pierre Lasaca sa labas ng bahay ko. Is this for real?

"Ngayon lang ako nakakita ng babaeng nalungkot dahil pinuntahan sa bahay nila at dinalhan ng bulaklak." Bulong niya sa tainga ko. That sent shivers to me. Para sa akin iyong mga bulaklak?

"P-para sa a-akin 'yan?" Agad kong tiningnan ang mata niya. Napangiti ako ng ngumiti siya. Kinikilig ako. Whoah!

Naiiyak na naman ako. Para sa akin 'yon. First time kong mabigyan ng bulaklak. Si Kirstein pa talaga ang una.

Kumalawa ako sa yakap niya at niyaya siyang pumasok.

"Bihis ka na." Napalingon ako sa kanya.

"Ha? Bakit?" Tanong ko dito.

"Date tayo." Nakangiting sagot niya. D-date? B-bakit? Nakakabaliw.

"Ha? Ah, saglit lang." Tumakbo ako papuntang kwarto ko. Nyemas. Anong susuotin ko? Ayaw kong magmukhang basahan pag katabi si Kirstein.

"Nyemas. Anong susuotin ko?" Napahilamos ako ng palad. Hindi ko alam kung ano. Nahagip ng paningin ko ang floral dress na peach. Eksakto! Unang suot sa dress sa unang date.

Lumabas na ako mg kwarto. Ang tagal ko ba?

"Hala, sorry. Natagalan ba?" Tanong ko dito.

"Okay lang, you are worthy waiting for." Sagot niya sa tanong ko. Nahiya naman ako ng sabihin niya iyon.

"Shall we go?" Sabay abot ng bulaklak sa akin. Nagdadalawang-isip ako kung dadalhin ko ba o dito nalang sa bahay.

Ay bahala! Mamatay sila sa inggit.

Bitbit ko ang bulaklak habang papalabas ng gate. Dala ni Kirstein ang kotse niya. Okay, siya na ang mayaman.

"Saan tayo?" Tanong ko habang nasa byahe. Fifteen minutes na ang nakalilipas pero hindi pa kami nakararating sa kung saan man ako dadalhin ng pusang 'to.

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon