Chapter 30: Graduation

35 0 0
                                    

Ganito pala ang pakiramdam ng magtatapos sa kolehiyo. Parang ano, parang nakakatakot tapos exciting. Magna cum laude, big word. Yeah, ambisyosa ako kaya nasungkit ko pinangarap kong posisyon. Being one is enough for me. Hindi naman kaya ng powers ko maging summa.

Nakangiti ako habang naghihintay sa oras ng pagmartsa. Ang ganda kong tingnan sa itim na toga.

"Naks! Magna cum laude lang naman ang best friend naming si Yngrid." Sabi ni Keila habang papalapit sa amin. Itong babaeng 'to talaga. Aawardan din ang mga ito dahil Cum laude ang dalawa. Ganyan talaga, matatalino kami eh.

"Huwag ka nga, nahihiya ako eh." Sabay ipit ng mga hibla ng buhok na kumawala sa tenga ko.

"Sus! Sinong niloko mo?" Tanong ni Gem. Basagin ba ang trip ko.

"Bumalik na nga kayo doon. Malapit ng magsimula." Pagtataboy ko sa kanila. Ang dadaldal kasi tapos magsisimula na ang programa.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuhan ng gymnasium. Napangiti ako ng makita si Kirstein. Todo ngiti ito at may kausap na lalake. He seems to be familiar to me. Parang nakita ko na ito noon.

Eh! Iisang university tapos ngayon mo lang napansin?

Tanong ng utak ko. Oo nga naman, baka nakita ko na somewhere.

Nagsimula na ang programa. Isa-isa ng tinawag ang pangalan namin upang bigyan ng diploma.

"Nuevo, Yngrid Mellana." Umakyat ako na todo ang ngiti. Diploma na ito! Ito na talaga!

Bumalik na ako sa inuupuan ko at nakinig. Wala akong ibang ginawa kundi ang pumalakpak at ngumiti.

"Solidad, Delaine Mae." Inulit ang pangalan niya ngunit walang Delaine na umakyat.

Her seat is vacant. Graduation tapos hindi niya sisiputin? It's not Delaine.

Whoah! Gusto kong magtanong pero ang layo nina Keila.

"Faye, nasaan si Delaine?" Hindi ako makapagpigil eh. Oo na, ako na ang chismosa.

Biglang lumungkot ang mukha nito. Bigla akong kinabahan. Paano kung maging rason ito upang-nope! I won't think that way.

Be positive Yngrid. Huwag mag-isip ng masama.

"Hindi mo ba nabalitaan? She's in the hospital since Monday. Natatakot na nga ako. Paano kung-" Naputol ang sasabihin nito ng biglang umalingawngaw ang pangalan ko.

"Congratulations Yngrid." Narinig ko pang bati niya kahit naglalakad na ako.

Smile Yngrid. It's your day. She's okay.

Pinilit kong ngumiti kahit iba ang nararamdaman ko. Bumibigat na naman ang pakiramdaman ko. I'm not feeling guilty. She's okay. Walang nangyaring masama sa kanya.

"Ngumiti ka nga Yngrid Mellana. Gusto mong kurutin ko iyang singit mo?" Pagbabanta ng Mama.

"Mama naman, kitang ang daming tao oh. Oh, nakangiti na po." Nilapadan ko ang peke kong ngiti.

Heto na naman ako, ngumingiti. Pretending to be okay when actually I'm not. Kanina pa tapos ang graduation ceremony pero walang Kirstein Pierre na lumalapit sa akin. Mas nauna pang bumati ng congratulations si Zack.

"Nakalukot na naman ang mukha mo. Something's wrong?" Napapitlag ako ng biglang nagsalita si Zack sa likuran. Nagpapansinan na kami, professionalism kumbaga kahit may awkwardness.

"Nakita mo ba si Kirstein?" Huli na ng maprocess ng utak ko ang aking tanong.

Ay tanga! Bakit ka grumadweyt ng Magna kung ganyan ka.

Pinapagalitan ko ang sarili ko. Shocks lang. I saw him smiled pero nawala din iyon ng magsimula na siyang magsalita.

"After the ceremony, dumating ang Mommy ni Lani. Asking for his presence at the hospital." Napahawak ako sa batok ko. Feeling ko kasi may pumitik.

"Bakit daw?" I need answers to solve her riddles.

He's mine. Tandaan mo iyan Yngrid. I loved him first. Lalaban ako. He's my everything. Sana alam mo pero hindi ko gustong kaawaan mo ako. Mapupunta siya sa akin dahil gusto niya hindi dahil sa awa.

You took the only reason why I'm still breathing.

You took the only reason why I'm still breathing.

You took the only reason why I'm still breathing.

Parang kidlat. Nakakabingi. Pinamamanhid nito ang buong sistema ko. Pinaglalaruan ako ng tadhana. Hindi pwede. Hindi.

"Yngrid? Are you with me?" Zack looks at me like I'm some sort of an alien.

"Excuse me." Hindi ko narinig ang ibang pinagsasabi ni Zach. All I could hear is the sound of my heartbeat and..ARVC.

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon