Chapter 3: Nothing

114 2 0
                                    

Ang gwapo pa rin niya. Ilang taon na ba ang lumipas ng huli ko itong makausap. Lima? Kakatuwa naman. Ngayon ko lang siya natitigan ng ganito. His black hair na hindi ko matukoy kung paano niya sinuklay, his dark black eyes that could melt your soul at tindig niyang pang-atleta. Habang kinakausap niya ang Professor ko ay hindi ko alam kung masasaktan ako o hindi. Wala akong maramdaman. Gusto kong makaramdam ng kung ano. Pero wala. Wala akong maramdaman.

"I'm sorry but there is an emergency so could I trust you to continue what you are doing?" Tanong ng Professor namin.

"Of course Ma'am." Sagot namin dito.

"Gwapo! Naman oh. Taken na kaya iyon?" Tanong ni Gem sa akin.

"Yeah, hindi ba halata?" Pagtataas ko ng kilay dito.

"Are you raising your eyebrows on me, Yngrid?" Nakataas din ang kilay niya.

"Hindi ba halata Geminie?" Sagot ko dito habang natatawa.

"Bitter." Tanging nasabi niya. Ay itong babaeng 'to. Isa ko pa itong best friend na ang supportive. Nauna kong nakilala si Geminie dahil magkaklase kami Grade 2 hanggang sa College. Humigit kumulang isang dekada.

"Hindi na ako bitter noh." Tanggi ko dito.

"Oh yeah, you are now Ms. Cold-blooded. Wala ka na bang nararamdaman diyan?"

"Noong nalaman ko na sila na ng best friend ko dati, I only shed two drops of tears. Pagkatapos noon, wala na. Wala akong maramdamang sakit. Pero alam ko na nakatago lang iyon sa isang sulok ng puso ko na pinipilit kong huwag tuklasin." Nakanganga siya habang nakikinig sa akin. Ang tanga lang?

"W-wala akong masabi. Ikaw na talaga." Tangi niyang sagot sa litanya ko.

"Huwag ka nga. Maghahanap pa tayo ng pusa. Oh my God. Ito na talaga." May thesis na nga may mummification pa.

"Ay lintek! Oo nga pala." Minsan lang to magmura kaya hinayaan ko na.

Natapos namin ang pinapagawa ni Ma'am. Nakipagkilala lang naman ako sa skeletal system ng tao. Kailangan ko pang imemorya iyon.

Our class ends at 8:40 in the evening. Hindi ako nagdodorm. Malapit-lapit lang ang bahay namin dito. At pag sinabing malapit-lapit, kasama lang iyan ng malayo. Hindi naman gaanong malayo eh.

"Halika na Yngrid, puntahan natin si Keila. Baka napa-away na naman iyon." Keila was the stubborn girl. If she wanted to talk, then she will talk. She's not aware na nasasaktan na iyong kausap niya. Pero kahit ganoon siya, mahal na mahal namin 'yon.

Naglalakad kami papuntang College of Engineering. Ambisyosa din iyon eh, engineering talaga ang gusto. Sabagay, in love sa Mathematics ang babaeng iyon.

"Code red!" May biglang sumigaw sa nag-umpukang mga Engineer students.

"Code red daw Gem. Ano yun? Warning?" Tanong ko kay Geminie na parang nakakita ng mga diyamante.

"Geminie Carolla. Hoy! Huwag kang gagawa ng eksena." Banta ko dito.

"Yngrid naman eh, paminsan-minsan na nga lang makakita ng mga taong biyaya." Nagpapadyak pa siya habang hinihila ko.

Nakita ko ang likod ni Keila, alam ko dahil walong taon ko ng kakilala yan.

"Keila!!" Tawag ko dito. Habang papalapit kami.

"Oh? Uwi na tayo?" Yaya ko rito. Hindi ko binigyang pansin iyong mga kasama niya.

"Sure. Wait lang. Kukunin ko iyong hiniram ni Jackie." At naiwan kami ni Gem sa.. oh no. Si Kirstein kasama ang taong hindi dapat narito sa mundong ito.

"Hi Miss!" Nanloloko na naman si Lasaca.

"Hi Kirstein." Bati ko dito.

"Zack." Sambit ni Gem. Tango lang ang binigay nito. Na naman!

"Una na ako Pierre." Agad na paalam nito.

"Buhay pa pala ang kapreng iyon. My gosh." Arteng sambit ni Gem.

Saktong dumating si Keila. Kaya hindi nagtagal ay umalis na din kami.

"Sama ako! Magtatampo na talaga ako sa iyo Miss." At hinabol kami ni Kirstein.

"Saan ka ba pupunta Lasaca? Ha? Umalis ka nga." Angal ko ng sumama nga siya sa amin.

"Keila, iyang kaibigan mo. Turuan mo ngang maging mabait. Palagi nalang naninigaw eh."

"Ganyan talaga iyang mga bitter Pierre. Palibhasa nakita ang nakaraan niya." Pasaring ni Gem. Ito kaya paalisin ko.

"Si Zack? Walanghiya yun. Anong ginawa niya sa Miss ko?" Akma siyang aalis kaya pinigilan ni Keila.

"Walanghiya talaga yun pero ang nakasasama ng loob, wala iyong ginawa. Iyon ang problema, wala siyang ginawa." Napangiti nalang ako ng may pait. Wala nga, wala siyang ginawa.

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon