Chapter 9: Huddle

53 0 0
                                    

Naging totoo nga ang sinabi ni Gem. Gumala nga kami sa saan pwedeng galaan. Pero sosyal iyong si Keila kaya malling kami ngayon.

"Okay! Dresses tayo." Demand nito habang tinatakbo ang daan patungo sa pakay. Oo, tinakbo talaga. Parang bata.

"Geez, sige na nga." And I rolled my eyes on Gem. Isa pa 'to eh.

"Wag ka ngang maarte. Bibilhan ka naman kaya bilis." At sinundan nito si Keila.

Oh geez, gusto ko sa books.

Hindi nagtagal ay ako ang naaawa sa  mag-aayos ng mga damit dito. Sila na talaga. Pati ata rack na pinaglalagyan eh sisirain nila.

"Hoy, dahan-dahan naman. Grabe kayo ha." Sabi ko sa kay Gem na siyang leader sa pagkakalat.

"Ito ang trabaho nila. Kung walang sumisira sa inaayos nila, wala silang trabaho. Sayang lang ang sweldo." Ito talaga si Gem, ang hilig magpalusot. Napailing nalang ako, tama din naman. May punto.

"Itry mo nga itong peach na floral dress. Sigurado akong bagay sa iyo. Ikaw lang naman ang maputi sa ating tatlo." Kumbinsi ni Keila. I don't usually wear dresses. Sa simbahan lang ata ako nakikitang nakapalda at nakadress. I'm used to jeans and shirts.

"Isa lang ha." Turan ko dito. Pinandilatan ba naman ako ng mata.

"Punta ka doon at feel kong mayroon pang iba, dali!" Agad-agad naman akong tinulak ni Gem sa fitting room.

Akala ko isa lang pero matapos kong sukatin iyong peach na floral dress eh may sumunod pa.

"Saktong-sakto!" I just rolled my eyes on Keila. Seriously? I'm wearing a red dress na hapit na hapit sa bewang ko. Tapos ang skirt ay may tatlong layer.

"Tapos? Anong gagawin ko dito?" Tanong ko sa dalawa.

"Ano pa ba? Gawin mong basahan!" Ang sungit talaga ni Keila. Bibig palang parang hindi nauubusan ng bala.

Binilhan nga nila ako ng iba't-ibang kagamitan. Kaya ko namang bumili para sa sarili ko pero mapilit eh.

"Total, tapos niyo na ang pakay niyo sa akin. Pupunta mo na akong National Bookstore." Paalam ko sa kanila.

"Okay, we'll see you sa parking lot. O kaya naman ay pupuntahan ka namin doon." I just nodded ng matapos si Gem magsalita. Makakapagbasa na din sa wakas.

Pumunta ako sa section na may mga trivias. Ako na ang bookworm. Ito ang hobby ko, magbasa hangga't hindi na kayang idigest ng utak ko. I learn new things when I'm reading. Ang saya kaya nun, you're having fun while learning.

Mga kalahating oras na ako sa lugar na iyon at nasa mga section ako ng mga libro ng mga wika ng may makita akong hindi dapat.

Holy guacamole! Anong ginagawa nila rito.

Hindi pa naman huli upang tumalikod at umalis. Kaya agad-agad akong naglakad papalayo sa kanila ngunit huli na pala ang lahat. May tumawag sa pangalan ko na siyang dahilan para lumingon ako.

Oh great! Are we having a huddle in here? Sorry, I did not bring my team.

"Nice to see you here, Yngrid." Bati ni Ace ng papalapit na sila sa akin.

"Nice to see you too...and your group." At sumilip ako sa likuran niya. There I saw Reina, Mike, Faye, Zachariah, Stephen and Kirstein?!

Ano ang kaganapang ito? Meeting? Ang huling senaryo sa utak ko.

Zachariah with Faye tapos nandito pa si Kirstein. Worst, I'm alone. Great!

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Gem.

I have a situation in here. Do you mind fetching me?

Muli kong tiningnan ang kanilang grupo at nakita si Lasaca wearing his devious smile. Tinaasan ko ito ng kilay and mouthed 'don't you dare'.

My phone made a bling sound. Hudyat na nagreply si Gem.

Okay, best friends on the go.

Nakahinga ako ng maluwag ng mabasa ang reply ni Gem.

"You look like a maiden in distress, my Miss." Lumapit si Kirstein sa akin at halatang nang-iinis na naman.

"You look like Joker, jerk!" Sabay irap dito. Geez, sa lahat ba naman ng pwedeng lugar na puntahan ay dito pa talaga?

"Yngrid!!" Narinig kong sigaw ni Gem. Nagpasalamat ako sa Panginoon sa pagsasagip sa akin.

"Geminie? Nandito pala kayo?" Tanong ni Faye. Yeah, Faye. She's my best friend way back elementary days. Kaklase ko siya grade 2 hanggang grade 6. She was my best friend.

"Sabi ko naman sa inyo eh, may kasama ako. Kaya mauna na kami sa inyo." Sabi ko kay Faye. Nagpipilit kasing isama ako, ano ako? Magbibigti?

"Sige na. Magtatampo ako sa inyo. Please, eat with us. We could have some sort of bonding, you know." Nagtatampo na nga ako sa iyo. Pero kahit ganun, hindi ko siya kaaway. She's still my friend.

Tiningnan ko si Keila at Geminie. I saw them nod. Pinanlakihan ko sila ng mata. They're kidding me.

"Sure, why not. Ngayon lang naman ito 'di ba?" Sabat ni Keila. Wala talagang makapipigil dito.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

We are here at Italia. Gloriously! Sa lahat pa talaga ng pupuntahan? Pero sabagay, malapit-lapit lang ito sa mall.

"Okay, dahil nagtatrabaho ako dito every morning. I'll be your waitress." Offer ko sa kanila. Nakita kong tinaasan ako ng kilay ni Gem. Para makawala sa pulong na ito ay kailangan ko itong gawin.

"Nagtatrabaho ka dito? Kailan pa?" Gulat na sabi ni Stephen.

"Yeah, since I'm a sophomore. I don't want to waste my time doing nothing. Kaya ayon. Okay, I'll be taking your orders." Isa-isa naman silang nagsi-orderan. Bali walo lahat ang pinagsisilbihan ko. Okay na ang ganito. Kontra nandoon ako.

"I'll go with carbonara and lasagna." Ang sabi ni Zachariah.

"Copied." Ayoko ng ulitin. Ang haba.

"Dapat nandoon ka at nakikipag-usap. Anong ginagawa mo? Nagpresinta ka pa talaga. May iniiwasan ka?" Biglang sulpot ni Amelia sa likuran ko.

"Ha? Wala. Masama bang pagsilbihan ang mga kaibigan?" Kinuha ko na ang mga order ko at nakita si Ameliang nakangiti. Ngiting nakakaloko.

"Here's your orders." Inilapag ko ito ng may ngiti. Aalis din ako pagkatapos nito.

"Dali, upo ka na." Yaya ni Faye.

"H-ha?" Oh my God! Ang lakas ng radar ng babaeng ito.

"Okay." Tumabi ako kina Keila. Kinurot ko nga at napaigtad.

"Faye, baka nakakadistorbo kami." Sabi ko dito. May lakad sila tapos kami, kinaladkad lang papunta dito.

"Hindi ha. Iimbitahan ko kayo tapos distorbo lang kayo. No way." Sabi nito tapos sumubo ng carbonara.

"How's life?" Tanong nito.

"I'm okay. Kaya pa naman." At tumawa ako ng mahina. Namalayan kong may naglagay ng isang plato ng lasagna sa harapan ko.

"Kumakain kami tapos ikaw hindi." Sabi ni Zachariah. Wala akong masabi. Nyemas. Natutop dila ko dun.

"W-wag na." Tanggi ko dito.

"Eat." Isang salita pero napasunod ako. Damn you Castardo. Fine!

A thank you is all I could say. Masaya silang nag-uusap. Feeling close naman si Keila at Gem sa kanila. Sila na ang friendly habang ako hindi makamove on sa ginawa ni Zachariah.

After 30 minutes ng pag-uusap ay nagsiuwian na sila. Masaya silang kasama. I'm lying kung hindi ako nag-enjoy.

At last, our meeting was finally over.

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon