Chapter 31: I Couldn't

36 0 0
                                    

Graduation day namin ngayon. I'm so proud of Yngrid. Sa wakas, nakamit na rin niya ang matagal niyang pinapangarap. Makatapos at makapagtapos ng may medalya. Ngayon sana ako magtatapat ng pag-ibig sa kanya. I already have the plan pero wala eh, nahuli nga ako.

Ngayon, sapat na sa akin ang makita siyang nakangiti at masaya. Kahit hindi ako kasali sa mga rason kung bakit. Iyon naman siguro ang papel ng mga tangang nagmamahal, ang hilingin ang kasiyahan ng taong mahal niya kahit iba ang kasama.

After the ceremony I saw her looking for someone. That someone is supposed to be me. Me, but here I am, kuntento na lamang sa patingin-tingin lang.

"Nakalukot na naman ang mukha mo. Something's wrong?" Napapitlag ito ng marinig akong nagsalita. Tinitigan lang ako nito, winawari kung ano ang sasabihin. Just don't, don't ask me. Just-

"Nakita mo ba si Kirstein?" Nagulat ako sa tanong niya ngunit wala akong ibang magawa para itago ang sakit kundi ang ngumiti.

"After the ceremony, dumating ang Mommy ni Lani. Asking for his presence at the hospital." Napahawak ito sa kanyang batok. Strange.

"Bakit daw?" Nagtatanong ito na parang may hinuhuli. She's not supposed to be in this situation, complicated.

"She has ARVC. It is a rare heart disease na hindi agad nada-diagnose. She found out na meron siya noon ng tumuntong tayo ng college." I saw her face paled at parang hindi naman ito nakikinig sa pinagsasabi ko.

"Yngrid? Are you with me?" Tinanong ko ito dahil feeling ko hindi nga ito nakikinig. Halata ang pagkabalisa sa mukha nito.

"Excuse me." Umalis itong parang wala sa sarili. Tinitigan ko lang ang likod niya habang papunta sa kanyang mga magulang.

Damn Lasaca, nakuha ang taong gusto ko. Ang taong pinakaiingatan ko.

Umalis na ako sa kinatatayuan ko at pumunta kina Papa. He's talking to Faye's Mom. Inilibot ko ang paningin ko at hinanap ang barkada. Ibabaling ko muna sa kanila ang atensyon ko sa ngayon. I'll try to forget the pain.

Pumunta ako kina Reina at Mike to congratulate them.

"Yow Bro. Congrats! Nakagapang ka!" I teased Mike. Hindi ko akalaing makakapagtapos ang gagong 'to. Landi lang kasi ang inaatupag.

"Huwag kang gago Zack!" Napangiti ako sa tinuran ng kaibigan ko. Gago na ako, simula pa noon. Simula ng tinalikuran ko siya at piniling saktan.

"Congratulations Zack." Napalingon ako sa nagsalita. There, I saw Faye. She, once, became my life. Pero nagbago ang lahat ng iyon ng makilala ko si Yngrid.

"Congratulations din." She gave me a kiss on the cheeks na siyang kinagawian na niya.

"So, anong plano mo?" Napatitig ako kay Faye. Ano nga bang plano ko?

"Plano kong magmove on." I know that Delaine in the picture means problem. Pero hindi ko gagawing rason iyon upang makuha si Yngrid. I could play dirty. I could be unfair but I just couldn't. Hindi ako ganoon lumaban. Gusto kong bumalik si Yngrid sa akin ng hindi pinipilit. Gusto kong bumalik siya ng kusa.

"Good luck to you then." I saw her smile na hindi man lang umabot sa mata niya. She's hurting. And I couldn't love her back because of it.

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon