Chapter 12: One Stormy Night

72 0 0
                                    

Narinig kong bumukas ang pintuan ng banyo. Kung anong takot ko ng nakita si Kirstein na nakatapis lang ng tuwalya.

"What the heck!" Agad-agad akong tumalikod. Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Hindi naman sa hindi ako nakakakita ng mga ganyan. Nakikita ko naman ang mga pinsan kong topless.

"Kung makapagsalita ka Miss parang hubad ako." Aning Kirstein sa malamig na tinig. Shit, kinikilabotan ako.

"A-ano k-kasi, m-magdamit ka!" I covered my eyes with my hand. Sinilip ko ang mukha ni Kirstein. Nakangiti ang loko.

"Magdamit ako? Damit lang? Miss naman, basa ang damit ko. T-shirt lang ang ibinigay mo, remember?" Sabi niya ng nakangisi.

"W-wait lang, baka may kasya si Lemuel na jersey shorts sa iyo. Tsaka, patuyuin mo sa dryer damit mo." Tumakbo ako papuntang kwarto ngunit nahagip pa rin mata ko si Kirstein. Shit, ang gwapo pala ng taong 'to.

Hinalungkat ko ang cabinet na may mga extrang damit nila mama. Saktong nandoon ang hinahanap ko.

"O-oh! Bihis ka dali." Humalakhak pa ito na parang nanalo ng paending bago pumasok sa banyo. Baliw na 'to.

Lumabas na ito at kailan ba lalong gumwapo si Kirstein? Bakit hindi ako nainform?

Paulit-ulit ka Yngrid. Maghunos dili ka.

"Oh, hindi yan matamis dahil wala akong sweet tooth." Ibinigay ko dito ang tinimpla kong kape.

"Salamat. Sayo?" Tanong nito sa akin.

"I don't drink coffee." Nakangiting sabi ko dito.

"By the way, ba't ka nasa harapan ng bahay ko? Inihip ka ng malakas na hangin?" Tanong ko dito.

"I was visiting my friend diyan sa block B. Pauwi na sana ako ng bumuhos ang ulan. I forgot, may bagyo pala."

Nanlaki ang mga mata ko. May bagyo? Bakit hindi ko alam? That means, makakasama ko ang pusang 'to ngayong gabi? No way!

"Natulala ka diyan Miss?" He snapped a finger at me na siyang nagpabalik sa akin sa Earth.

"You can't go home right?" Tanong ko dito.

"Miss, bumabagyo sa labas tapos papauwiin mo ako? That hurts." Nakita ko siyang nalungkot. Dinadramahan na naman ako nito.

"N-no, you can stay for the night. Sunday naman bukas." Turan ko dito. I saw him smile. Confirm. Baliw nga 'to.

"Thank you." Ilang minuto din ang katahimikan ng magpasya akong basagin ito.

"Magluluto ako for dinner. You can watch TV." Pinaalis ko ito pero nagpresenta itong magluto kaya here I am watching The Walking Dead Season 5.

Letse, ang bango ng niluluto ng loko. Hindi ko alam na marunong itong magluto. Sabagay, marami akong hindi alam sa taong 'to.

Ibinalik ko ang atensiyon ko sa pinapanood ko. Binaril na si Beth. Wala ng ka link si Carl my labs.

Naramdaman kong may tumabi sa akin. Ang bango naman ng taong 'to. Lumingon ako upang makitang napakalapit ng mukha ni Kirstein sa akin.

"Wag kang masyadong close." Sabi ko dito. Naiilang ako.

"Hindi ka nakikinig eh. I called for how many times. Kaya lumapit na ako." Ganti nito sa akin.

"Ha? Bakit?" Tanong ko dito.

"Kakain na Miss." At tumayo ito at hinawakan ang kamay ko kaya napatayo na din ako.

Para akong nakukuryente. Masama 'to. Baka hindi ko kayanin. Nawala lahat ng agam- agam ko ng maamoy ko ang luto niya.

Kare-kare at sinigang. Mga paborito ko. Kaya pala ang bango. Tiningnan ko so Kirstein para malamang nakatitig ito sa akin. Nang magtama ang aming mga mata ay ngumiti ito.

Huwag kang ngumiti! Abnormal na ang pintig ng puso ko tapos pinapabilis mo pa.

"Your favorites." Tipid na sabi nito.

Wala ng patumpik-tumpik pa. Pagkatapos magdasal ay agad-agad akong tumikim sa niluto niya.

Hala, ba't ang sarap? Napangiti lang ako sa ideya. Kumain na nga lang.

"Masarap ba?" Tanong nito na parang kinakabahan.

Napa-thumbs up ako. Ayokong magsalita. Baka kung ano pang lumabas sa bibig ko.

Matapos kumain eh siya pa ang nagpresentang maghugas ng plato. Siya ang bisita tapos siya ang gumagawa ng mga gawain ko. Aba, okay lang naman sa akin pero parang hindi ako hospitable kung ganun.

"Marunong ka pala ng gawaing bahay?" Tanong ko dito.

Umayos muna ito ng pagkakaupo bago sumagot.

"Siyempre, Mommy taught us things before she.. went to rest." Pumiyok ang boses nito. Halatang nagpipigil ng emosyon.

"Your Mom died? Kailan pa?" Hindi ko na naman alam. Ganito ba ako ka walang paki sa paligid ko?

"Three years ago. I was 18 at that time." Sagot nito. Hindi ito makatingin ng diretso sa akin.

I'm curious. Kirstein Pierre Lasaca, isang lalakeng napakasayahin. Parang walang problema. Pero nakatago lang pala sa isang maskara.

"Why?" Hindi ko napigilan. Alam kong masakit. Naramdaman ko na iyon.

"Cancer. Breast cancer. She did her best to fight the cancer cells but.. it didn't work." Ngumiti ito ng may pait.

"I'm sorry to hear that. Ba't hindi ko alam yan?" Tanging nasabi ko dito.

"Madami kang hindi alam tungkol sa akin Yngrid. Madaming-madami." Sabi niya sa akin. Ito ang unang beses na tinawag ako ni Kirstein sa pangalan ko, ang ganda pa lang pakinggan. Nalulungkot ako, wala akong magawa para macomfort siya. Isa lang ang nasa isip ko.

I hugged him. It's the least I can do. Isang gabi ko lang nakasama si Kirstein pero sapat na iyon upang maramdaman ko ang kaniyang kalungkutan. Kalungkutang tinatago niya sa karamihan. Ngayon ko napagtanto, hindi lahat ng pinakikitang ngiti ng tao ay totoo.

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon