Chapter 7: Horror

60 0 0
                                    

Naglalakad kami papunta sa ikalawang klase namin ng tumunog ang warning ringtone kong pusa.

Lasaca. Ano na naman bang kailangan nito?

Pinusa ko talaga dahil una, para siyang pusang ang cute. Ikalawa, para siyang pusa na nakakabwesit minsan.

Hi Miss, busy ka?

Walanghiyang Kirstein. Nagsasayang lang ng load itong taong 'to.

Busy ako kaya wag kang umepal. Nasasanay kana sa kamiss-miss mo sa akin ah? Missmissin ko iyang mukha mo.

Hindi nagtagal ay tumunog na naman ang cellphone ko pero hindi na pusa.

Hi Yng.

Unknown number. Yng? Isang tao lang ang tumatawag sa akin ng Yng. Zachariah?

"Hala! Naghimala ang mundo." Tanging nasambit ko.

"Ha? Bakit?" Usisa agad ni Gem. Itong si Gem na talaga.

"S-si Zachariah, nag-text." Nauutal na sabi ko rito.

"Weh? Hindi nga? Niloloko mo ba ako?" Sunod-sunod na tanong nito.

"Hindi ha. Eh ano kasi, hiningi niya number ko noong nakaraan." Nakita ko nalang na nanlaki ang mga mata ni Gem.

"Hindi ko ata alam 'yan. Tapos ano? Kinikilig ka?" Tinataasan na naman niya ako ng kilay.

Hindi ako kinikilig, natatakot ako. Dapat kinikilig ako ngayon. Dapat nagtatalon na ako sa tuwa. Pero wala. Walang wala.

"Wala akong nararamdaman. I can't feel anything. Should I feel anything?" I asked her. Delikado na ata ako.

"Normal ata iyan. Masakit ding malaman na boyfriend siya ng best friend mo. At tsaka patayin mo nga iyang pusang iyan, baka yan ang imummify ko eh." Seryoso na yun tapos lalagyan niya ng biro. Baliw na 'to.

Nag-reply muna ako kay Zachariah ng 'Hi din' at tinuos ang sandamakmak na text messages ni Kirstein.

Galit ka na niyan Miss? Busy ka talaga?

Busy daw. Nagdadaldalan lang naman kayo eh.

Miss?

Miss?

Walanghiyang KP nato. Inilang send ba naman. Nakakapagod magbura nito.

What!! Nakakapikon ka na ha! Bakit alam mong wala si Ma'am? Isa-isa lang. Kapagod magbura.

Iyan. Hindi na siya makuntento jan.

Nadismaya ako ng hindi na nagreply si Zachariah. Ganun naman talaga iyon,iba ang inuuna. Hindi pa ako nasanay.

Tumunog iyong pusa ko kaya napunta dito ang atensyon ko.

Miss, ngumiti ka nga.

Luminga-linga ako dahil feeling ko nakatingin lang sa akin si Lasaca.

Patay ka talaga sa akin Kirstein Pierre. Nasan ka?

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon