Chapter 19: Sooner or Later

49 0 0
                                    

I really can't believe it. Today's the first day of February. A month more and we'll be out. Parang kailan lang ng pumasok ako sa paaralang ito.

"Code red!" Letseng code red iyan. Ilang beses ko ng naririnig iyan pag pumupunta akong College of Engineering.

"Keila Helena, ano bang code red ang sinasabi niyang mga erps na kapwa mong in love sa Math?" Napangiwi si Keila ng marinig ang buong pangalan niya.

"Yngrid Mellana, hindi ko rin alam. I'm not one of the boys, yow!" Nasobrahan sa Math ang babaeng 'to. Kung ano-ano na ang pinagsasabi.

"Ikaw ang taga rito tapos hindi mo alam?" Tanong ni Gem. I just rolled my eyes to the two of them.

"Miss! Tingin dito." Napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Kirstein. Napalingon ako at nakitang naka-on ang flash ng Samsung Galaxy Notes nito.

"Shit! Kinikilig ako. Umalis nga kayo!" Tinulak pa ako ni Keila para may effects.

Kung sila kinikilig. Ako nagdadalawang-isip. Stolen iyon, baka mukha akong ewan.

"Hoy! Anong ibig sabihin ng code red niyo?" Tanong ko ng lumapit si Kirstein na parang pusa ni Alice sa Alice and the Wonderland.

"Code red? Bakit alam mo 'yon?" Nagtatakang tanong ni Stephen. Hanep ah, siya ang sumagot. Binalingan ko si Kirstein at ayon, ang lapad pa rin ng ngiti.

"Ang hina naman kasi makasigaw ng mga kasama niyong erps." Sarkastikong sabi ko. Nyemas. Lokohan 'to?

"Minsan Miss, nagtataka na ako sa katalinuhan mo. Ang tagal mong makagets eh. Aray! Miss naman!" Sigaw niya habang hawak-hawak ang brasong pinalo ko. Kung hindi ko mahal ang isang ito, sus, hindi lang palo.

"Kung makainsulto ka." Taray ko dito.

"Code red. Kailan mo lang ba naririnig iyan?" That made me think. They would shout 'code red' when we are around. Me, Gem and Keila.

"What's the connection with us?" Taas ko ng kilay dito. Akala niya mahina ako, saksak niya sa baga niya ang ideyang iyan.

"That's my Miss! Kuha mo naman pala eh." Tinapik ko si Keila at Gem para magtanong.

"Wala akong alam. Promise! Mamatay man si Edward Cullen. Pumangit man si Zachary Drew my loves. Huwag naman sana." Defensive much si Keila ha.

"Wala pa akong tinatanong, may sagot ka na agad. Aba, wala ka talagang alam diyan?" Sabi ko dito. Iba ang pakiramdam ko. May alam ang mga ito pero hindi nila sinasabi sa akin.

"Gem?" Tanong ko dito.

"Anong Gem?" Inosenteng balik-tanong nito. Wala kaya itong alam? Inosente naman ang mukha nito. Ay! Huwag kang pauto diyan, nakalimutan mo, best actress ang babaeng ito.

"Anong anong Gem? Alam mo na, painosente pa eh." Inirapan lang ako nito. Nyemas, may alam nga.

"Okay! Alis na ako. Nakakabanas mga tao dito. Parang mga ewan." Hinila ko si Gem at padabog na umalis sa lugar na iyon.

"Ikaw naman, sarili mo dapat ang siyang makakaalam. Huwag ka kasing manhid." Sabi nito habang naglalakad kami.

"Miss! Miss!" Napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Ano?!" Sigaw ko pabalik dito.

"Sooner or later, malalaman mo rin. Just wait, Miss." Pagkatapos noon ay tumakbo siya palayo.

Sooner or later, malalaman mo rin. Just wait, Miss.

Letse. Hindi ako makapag-concentrate. Ano ba talaga ang nasa sooner or later na iyan, ha! Sooner or later malalaman ko na mahal niya ako o sooner or later mababaliw na ako?

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon