Chapter 21: Different

74 0 0
                                    

May nahagip akong blue na bagay na dala-dala ni Kirstein. Ganoon nalang ang tuwa ko ng makitang Nips iyon.

"Hoy, huwag kang assuming. Hindi para sa iyo 'yan." Putol ni Gem sa pagpapantasya ko.

"Eh kung hindi sa akin, bumili. Ang lapit kaya ng convenience store sa atin." Ani ko dito. Epal eh. Minsan na nga lang umasa.

"Ay. Pikon." Maikling saad ni Keila. Tumawa nalang ako ng malakas. Trip ko nga lang.

"What?!" I asked them. Kung makatitig parang nakakita ng multo.

"Are you laughing? If you are, punch me." Walang gatol na sinuntok ko si Gem sa braso.

"Aray naman. Biro lang iyong suntok." Hinimas-himas pa niya ang nasaktan na braso.

"Masama bang tumawa ng malakas?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi naman. Sa pagkakaalam ko, hindi ka tumatawa ng malakas. Kung hindi ka ngumingiti, you'll just giggle. Anyare?" Pakikay na turan ni Keila.

"You're-different." Maikling segunda ni Gem.

Different? Anong klaseng different? Baliw na different o magandang different?

"Finally.." Ngumiti muna ako bago nagpatuloy.

"Finally.. I've moved on. Nabuo ko na ang puso ko. Sabi nila, ang pangit kung bibitaw ka ng walang laban. Sometimes, it is better to let go without fighting than fighting without any chance of winning. Bakit ka pa lalaban kung alam mong hinding-hindi ka mananalo."

Naging seryoso ang pagmumukha ng dalawa kong kaibigan. Nakaupo kami sa round table ng school, tambayan ng mga estudyante.

"Finally, natauhan ka na. Halos limang taon din ang sinayang mo sa kakahanap sa sarili mo at sa lalake na para sa iyo." Kinuha ni Keila ang kanyang cellphone at may anong hinalungkat doon.

"Hindi naman nasayang ang limang taon na iyon, Gem, Kei." Ngumiti ako sa kanila at biglang tumawa. Epic! Ang seseryoso mg mga mukha.

"Nakamove on lang, nabaliw na." Pailing-iling si Gem habang sinasabi iyon.

Hindi ako baliw. Masaya lang ako na malaya akong nakakatawa.

"Hindi ako baliw no, masaya lang ako na nakakatawa at nakakangiti na ako ng malaya." Sabi ko sa kanila. Napadako ang paningin ko sa grupo ni Kirstein. He's holding a black guitar and from here, I could see him singing. Hindi man dinig dito pero iyon ang pakiramdam ko. Walang basagan ng trip.

"Malaya ka naman talaga eh. Ikaw lang ang nagkulong sa sarili mo. You covered your heart with ice and built a gate for someone not to enter." Totoo ang sinasabi ni Gem. Ako mismo amg nagkulong sa sarili ko.

Sa loob ng limang taon, ikinulong ko ang sarili ko sa alaala niya. May emosyon ako pero may bandang wala. Sa banda ng pag-ibig.

"Natibag na ang pader pati na ang yelo." Nakita kong parang nagulat sila pero ang daling nakahulma.

"I'm glad your back. At ang swerte ng lalake na iyan." After she said those words ay tumingin siya sa likuran ko.

Ha? Ano? Sino?

"Aray! Ang sadista naman ng lalakeng 'to." Napasigaw ako ng tamaan ako ng isang pakete ng Nips.

"Pasalamat ka nga binigyan ka." Sabay tabi sa amin. Nakasunod lang si Stephen ng tingin sa amin. May alam din ito eh, hindi lang sinasabi.

"Ganyan ka magbigay? Ha? Ha?" Sabay ko dito. Akala nito di ako papatol. Hoy, iba na 'to.

"Ganyan iyan para unique. Batuhan." Nakangiting demonyo na naman si Kirstein. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, hambalusin ko ito ng yakap.

Joke lang. Huwag seryosohin.

"You're-different today." Puna ni Lasaca. Baliw na 'to. Dumagdag ba daw sa collection ng 'You're different ' nila Keila.

"I'm not different. I'm just me." Maikling sagot ko dito habang kinakain ang Nips White Chocolate na dala niya.

"I like that. The real you." Napayuko ako ng ulo. Nag-iinit ang pisngi ko. Baliw na 'to. Gawin bang kamatis ang mukha ko. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad-agad namang umalis. Palagi akong naiisahan ng taong 'yon.

Hindi ako nag-iba. Bumalik lang ako. Ako ito, ang tunay na Yngrid Mellana.

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon