Chapter 35: His Visit

68 0 0
                                    

Should I study for the Board Exam? Ano bang mauna? LET o Civil Licensure Exam? Hala! Magtatanong na lang ako kina Mama.

It's been three weeks since graduation. Burong-buro na ako sa bahay. Umalis na din ako ng Italia. My requirements are ready. Yeah, ganoon ako ka excited magtrabaho. Pero hindi ko alam kung anong susunod. Baka ma bore ako sa trabaho. Baka magkamali ako. Natatakot ako. Baka hindi man lang sumunod sa mga utos ko iyong mga tuturuan ko.

"Mellana! Open the gate" Hala! Pinapauwi na nila ako. Anong ginagawa ng taong ito dito sa pamamahay ko na pamamahay namin? Huwag naman sana. Hindi ko pa alam iyong meaning ng code red ng mga Engineers.

"Mellana!" Hay, eskandaloso. Hindi na nagbago. Ano na naman ang dalang balita ng lalaking ito.

"Just wait! You mimps!" Patamad kong tinungo ang gate. Bakit na naman? Its been a year since the last time he visited me. When I caught a FLU.

Bumungad sa aking ang lalaking ayaw na ayaw kong makita. Pasakit ng ulo. He was standing proud. Porke matangkad. Geez. Pero mas nabigla ako ng may makitang maleta sa likuran nito. Oh no! No! No! No!

"No!" Natatarantang sabi ko dito.

"Kapatid ba talaga kita? Hindi mo pa nga ako pinapapasok tapos no na agad?" Lemuel said.

"What are you doing in here?" Tanong ko dito habang linakihan ang uwang ng gate.

"Papasukin mo muna ako. Walang awang ate 'to." I groaned ng pumasok na ito sa bahay. Don't tell me na dito mag-aaral ang taong ito?

"Nice! The last time I checked, ang tamad mo. But, look at the house. Organized na organized. Found a haven?" Nakangising sabi nito habang pasalampak na naupo sa sofa.

"Again, what are you doing in here?" Umupo ako sa pang-isahang upuan. My brother annoys me. Kung makaasta eh parang hindi ako mas matanda sa kanya ng dalawang taon.

"Dito na ako mag-aaral. You know, K-12." At humalakhak. College na pala ang hudas naming bunso.

Oo nga pala, malapit ng mag May.

"You, here, means pain. I thought you're just gonna pay me a visit. Got disappointed when I saw your luggage." Sinabi ko sa kanya ang totoo. Alangan namang sabihin ko na masaya ako dahil nandito siya. Ayokong magpahipokrita.

"Oh, stop being a squawker." At mabilis na pinulot nito ang bagahe at pumasok sa kwarto. Ang pintuan tuloy ang natamaan ng flying bunny slippers ko.

"Irksome!" Alam kong maririnig niya iyon. Sa lakas ba ng boses ko.

"I know I'm handsome. Thank you for reminding me!" Balik sigaw nito. Kitams, narinig nga. I just mentally rolled my eyes. At nagulat ng tumunog ang napakaganda kong ringtone.

Hey you! Hey you!

Shocks! Ang lakas maka The Vamps.

I picked up the phone smiling.

"Hmn? Napatawag ka?" I asked him.

"Bawal ka na bang tawagan ngayon Miss?" Tanong nito sa kabilang linya.

"Answering a question with a question is rude Mr. Lasaca." I told him. Baliw na 'to, una akong nagtanong eh.

"Chill Miss. I just missed you." Naramdaman ko ang pamilyar na tibok ng puso ko kapag nagkakaganyan ang lalaking ito. Kinikilig ako sa simpleng mga salita niya.

"Huwag mo akong bolahin." At sinabayan ko ito ng tawa.

"I did not. What are you doing? Hmn?" Nag-iisip. Nag-iisip sa iyo. Yikes! Nahahawa ako dito!

"Thinking." Maikling sagot ko dito.

"Thinking of me?" I heard him laughed. Ang tawang kailan man ay hindi ko pagsasawaan.

"Geez, pareho kayo ni Lemuel, pasakit sa ulo." Naputol ang tawa nito at kahit nasa telepono ay ramdam kong sumeryoso ito.

"Why are you mentioning another man's name? Who is he?" Tanong nito sa kabilang linya.

"Huwag ka-Lemuel!" Lumabas kasi ito ng kwartong may dalang gamit ko. Pinakaiingatan kong mga libro. Pakialaman na ang lahat-lahat huwag lang ang mga libro ko.

Lemuel made a face at inilagay ang mga ito sa harap ko.

"Next time bumili ka ng cabinet para sa mga iyan." At bumalik na naman ito sa loob.

Doon ko lang naibalik ang atensyon ko sa telepono. Inend call nito. Bastosan lang?

I was about to lift one pile of my books ng bumukas ang pintuan.

"Who is he?" Gayon na lang ang pagkagulat ko. What is he doing in here?

---->
Lalake o Lalaki? Nalilito ako. Haha sige gagamit nalang ako ng, "Filipino is all about consistency. " XD

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon