Chapter 5: Warm Fuzzies

86 0 0
                                    

"Ano ho ang order niyo?" Magiliw kong tanong sa mga may edad na mga babae sa restaurant.

"Dalawang order ng pasta, tapos tatlong order ng lasagna iha. Magma-mango juice nalang kami. Alam mo na." Sabay tawa ng mahina.

"Two pastas, three lasagnas and five mango juices. Copied po." Magiliw kong ulit sa order nila.

Dating gawi na naman. Hindi gaanong matumal ang restaurant hindi din malakas. Isa itong maliit na Italian restaurant, ang Italia. Ewan ko kung anong meaning niyan. I'm not an Italian, you know.

"Napapansin ko, ang saya natin ngayon ha?" Turang Jessy, kasamahan ko sa trabaho.

"Ha? Ako? Hindi ha. Hindi kaya." Tanggi ko dito. Ako? Masaya? Masaya ba talaga ako? Hindi ko alam kung dahil kagabi o dahil magaan lang talaga ang pakiramdam ko ngayon.

"Dini-deny pa eh. Halata naman." Giit pa rin niya. Ang sama ng babaeng to. Sinasabing hindi eh.

"Ewan ko sayo." Kinuha ko na ang order ng mga ale sa table 8.

"Here's your order Ma'am." Nakangiti ako dahil nakangiti din iyong aleng umorder kanina.

"Thank you, beautiful lady." Ani ng ale.

Beautiful lady daw? Makaalis na nga rito, baka maniwala pa ako. Inasikaso ko ang ibang mga orders, itong si Kuya Tantan kasi, nagtitipid ata ng waitresses. Apat lang kami, si Jessy, Amelia, Santi at ako. Kaya ayon, busy kaming lahat.

Nagpahinga lang ako saglit at naligo. 1:30 pasok ko ngayon tapos anong oras na. Pagkatapos kong magbihis ay linakad ko lang ang papuntang school. Hindi naman ako nagmamadali tapos tinitipid ko lang talaga sarili ko.

"Miss, halika na. Iitim ka niyan sige ka." Anak ng fudgee bar! Natakot ako dun ha. Si Kirstein lang naman, nasa loob ng kaniyang magarang sasakyan.

"Ihahatid mo ako?" Tanong ko dito.

"Nope, I'm just gonna watch you hanggang makarating ka ng school." Sagot niya sa akin, akala ko pa naman.

"Sumakay ka na nga. Ang slow mo rin noh?" Hindi na ako aarte pa, sumakay talaga ako sa kotse na. Aba, mahal ang Kojic ngayon.

"Salamat." Tipid kong turan dito pagbaba ko ng sasakyan. Malalate na ako. My gosh.

"Walang anuman Miss." Bahala ka jan. Nagmamadali akong naglakad dahil malalate na talaga ako.

Nakangiti akong pumasok ng silid kung saan magtutuos kami ng Math. Sasakit na naman ang ulo ko nito.

"Yngrid, saya natin ngayon ah. Wanna share something? Huwag kang mag-alala, hindi ko ipagkakalat." Binulong pa talaga niya iyong huling parte.

"Gusto mo gilitan ko sa leeg iyong crush mong si Henry?" Banta ko kay Geminie.

"Wala namang ganyanan. Binibiro lang kita noh. Porke wala kang ganun, dadamayin mo nalang si Mine ko." Sus. Baka barilin ko yang Mine niya eh.

"Wala. I'm just happy. Bakit masama ba?" Taray ko dito.

"Unti-unti kanang bumabalik sa sarili mo Yngrid. Hindi kana cold-blooded." At humalakhak pa talaga ang babaitang may lovelife.

"Basta. Masaya ako. Huwag niyong sirain ang good vibes." Umupo na ako sa silya ko dahil nandito na si Sir Greg, ang aming Math teacher.

_______________________________________

Naglalakad ako papuntang cafeteria, hindi ko kasama ang mga baliw kong kaibigan dahil iba-iba kami ng schedule kapag Friday.

"Hi." Sabi noong taong tumabi sa bench na inu-upuan ko. Hindi ako makahulma. Letse, ngayon pa nagloko itong lalakeng 'to.

"H-hi." Anong masamang hangin ang nagtulak sayo Zachariah Castardo? Bakit ka nandito?

"It's been a long time Yng. How are you?" Panimula nito.

"I'm doing fine Zachariah. Yeah, it's been a long time indeed." Sagot ko dito. Ito iyong kinatatakot ko. Ang makita siya ng harap-harapan.

"Ayaw mo talaga akong tawagin sa palayaw ko noh?" Manghang tanong niya, naaalala niya pa pala.

"Ayoko talaga. Gusto ko iyong buo." At tumawa ako ng pagak. Minsan lang ito, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Sa haba ng panahong lumipas, kinausap niya na talaga ako. Sa haba ng panahong iyon, ngayon lang niya ako kinausap. Nakakalito.

"Marami na talagang nagbago no?" Oo, pati ikaw, nagbago.

"Marami na talaga." Tumingin ako sa wristwatch ko at laking gulat ko ng late na ako ng limang minuto.

"Oh my God. Late na ako. Maiwan na kita Zachariah ha. My my my." Dali-dali akong naglakad ngunit napatigil ako sa sinabi niya.

"Pwede bang mahingi phone number mo?" Natulala ako, bumalik na naman ang eksenang ito. Pero sa panahong ito, ibibigay ko na. Malay mo, di ba?

"Salamat. Ingat ka." Pagkatapos ng sinabi ay nagmamadali akong maglakad. Sana tama iyong desisyong iyon. Kasi ayokong maulit iyong nakaraan. Nakaraang patuloy kong pinagsisisihan.

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon