Chapter 15: Feelings

43 0 0
                                    

I'm here at one of the bleachers near the field. I was looking for my Miss and I'm surprised to see her with him. Smiling and laughing with him. Napakuyom ang kamao ko habang nakatingin sa kanila.

Nakita kong kinuha ni Zachariah iyong itim niyang gitara. Marunong din ako noon. I could even play the piano for her.

"Pierre! Anong ginagawa mo dito?" Sigaw ni Gem sa hindi kalayuang upuan.

"Watching a beautiful love story."

Ganti ko dito. Lumapit ako sa kanila at nakikain ng Piattos. I saw Zack strumming his guitar while singing. Matiim na nakamasid lang ako sa kanila.

"Galit ka na niyan Pierre? Why oh why?" Tudyo ni Gem.

"Hindi no. Bakit naman ako magagalit." I made a weird sound that I usually do when I'm frustrated.

"Pierre, mahal mo?" Nagulat ako sa lumabas sa bibig ni Keila. Itong babaeng 'to ang bilis ng pickup.

"Mahal ko?" Napatawa ako ng pagak. Mahal ko, mahal ay iba. Napailing ako.

"Ayon oh! Tumatawa kasama iyong mahal niya." Ngumiti ako. Ito na iyon. Kaya ko na sanang ipakita sa kanya. Huli na ba? Huli na ba talaga ako?

"Kaya mo iyan Pierre. Hindi ka  naman nahuli." Sabi ni Keila. Anong hindi pa huli?

"Hindi ko maintindihan." At muli kong ibinalik ang tingin ko sa dalawa. Sana naman hindi pa ako huli.

"Slow much? May tsansa ka, huwag mo nga lang patagalin. Si Yngrid kasi, pagod ng maghintay." Segunda ni Keila sa mga huli niyang sinabi. Anong tsansa ang pinagsasabi ng mga 'to?

Do I really have a chance? I could feel Zack's having feelings with Yngrid.

Napailing ako. Kung sinasabi ng mga kaibigan niyang may tsansa ako, totoo naman siguro hindi ba? Sila ay lubos ng kilala si Miss kaya malamang may nasabi ito.

Letse! Umaasa na naman ako. Kung ano kasing pinagsasabi eh. Napangiti ako sa ideyang baka, baka may nararamdan si Miss sa akin. Okay lang naman sigurong umasa kahit minsan. Wala naman sigurong masama.

I averted my eyes to them and saw Zack listening to what my Miss is saying. Ano kaya ang pinag-uusapan ng mga ito?

"Hala! Nagalit ata si Zack!" Maya'y sigaw ni Keila. Ang laki talaga ng boses ng babaeng 'to.

Nakita namin si Zack na tumayo at umalis. Hindi maipinta ang mukha nito. Tumayo naman ang Miss ko at tumitig lang sa papalayong rebulto ni Zack. Pain crossed my heart. Is she hurt?

Ilang minuto na siyang nakatayo doon at hindi man lang kumikilos.

"Yngrid! Umuulan!" Kung hindi dahil sa pagsigaw na iyon ni Gem ay hindi nito mapapansing umuulan. I immediately grab the umbrella I brought for her saka tumakbo palapit dito. Sabi kasi ni Kuya Kim, may 80 percent na baka umulan.

"Sinigawan kana't lahat-lahat. Nakatunganga ka pa rin." Nasa iisang payong, ako nakatingin sa kanya, siya nakatingin sa iba.

Tumingin ito sa payong na may halong pagtataka. Pagkatapos ay tumingin sa akin. Nakita kong sumilay ang isang matamis na ngiti sa kaniyang labi. Hinapit ko siya papalapit sa akin upang hindi siya mabasa. Making sure not even a raindrop fall to her.

Nagbubunyi ang puso ko habang tinatahak namin ang bleacher na inuupuan ng mga babae. My lips curve into a smile. Ang sarap na pakiramdam na ganito. Siya, nasa bisig ko.

Lol, kinikilig ako.

Mas lalong lumapad ang ngiti ko sa ideya.

Gagawin ko ang lahat para makuha ang puso ni Yngrid. Unti-unti ko nang natitibag ang pader sa puso nito at hinding-hindi ako susuko.

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon