Chapter 20: She's Back

45 0 0
                                    

"Welcome to Italia!" Magiliw na bati ko sa mga taong pumapasok sa Italia. Good mood ako ngayon. Dapat hindi ito masira.

Ngumiti lamang ang couple na inihatid ko sa table ni Santi. Puno pa ang toka kong tables. Ganyan talaga ang mga magaganda. Siyempre, joke lang.

Malapit na ang Valentine's day. Kaya ang Italia ay may puso kahit saan. Pula pa ang tema. Kung dati, pag may nakikita akong puso eh parang naduduwal ako. Hindi ako maka-relate.

The cold-blooded Yngrid is no where  to be seen. Yngrid Mellana is back. At last, I found myself. Humigit kumulang limang taon ko din hinanap ang napira-pirasong puso ko. At ngayon, pwede na akong magmahal ulit ng buo. Buong-buo. Hindi na matatakot at handa ng ipaglaban ang pagmamahal ko. Hindi kagaya ng dati, lumayo ako at hinayaang mabasag ang puso ko ng mag-isa.

"Looks like somebody is happy. Are you in love?" Sulpot ni Kuya Tantan. Hindi ko tinatawag na Sir si Kuya. He's in his mid-twenties. Ako, 20. Pwede naman pero ayoko. Kami naman halos lahat eh Kuya tinatawag dito.

"Kuya Tan, magtagalog ka. Nasa Pilipinas tayo. Wala ka sa bayang sinilangan mo." English ng English akala mo nasa Italy. Half Italian si Kuya Tan pero mas mahilig itong mag English. Okay na ako doon, kesa mag Italiano siya diyan, wala akong maiintindihan.

"Walang basagan ng trip, okay? Kahit kailan talaga Yngrid, ang KJ mo." Ayan. Matatas itong magsalita ng Tagalog, tinatago lang niya. Masarap kasi sa pakiramdam ang mang-trip. Ani nito.

"At kahit kailan Kuya, napakapakialamero mo. Masaya ako, masaya ako. Kanya-kanyang trip lang 'yan." Sabi ko dito.

Tumawa itong malakas. Tawang ang ganda sanang pakinggan ngunit may kulang sa tawa niya. Kulang ng kasiyahan.

"Bakit wala kang girlfriend, Kuya?" Seryosong tanong ko dito.

"May hinihintay ako Yngrid." Tugon niya sa tanong ko.

"Sino?" Nagtatakang tanong ko dito.

"Hinihintay ko ang sarili kong bumalik. Hinahanap pa kasi nito ang puso ko." Nagulat ako. Si Kuya, nawawala? Hindi literally pero pareho kami.

"Nawawala lang ang tao sa sarili niya kung nagmamahal siya. Nagmahal ka siguro kaya ng umalis siya, nadala niya ang puso mo. Bakit hindi mo kunin Kuya, para sa ganoon sumaya ka at mahanap mo ang totoong nagmamay-ari nito." Ngumiti muna ito sa akin at tinapik ang balikat ko bago umalis.

Ang kaibahan lang, si Kuya, hindi pa nahahanap ang sarili niya. Ako, sa limang taon, binuo ko ang sarili ko. And now, Yngrid Mellana Nuevo is back.

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon