Chapter 32: Presence

48 1 0
                                    

Ikalawang gabi ko na dito sa ospital. Gusto kong umuwi at hanapin si Yngrid at sunggaban siya ng yakap. Hindi ko man lang siya nagreet ng Congratulations. Sigurado akong nagtatampo iyon sa akin.

Tiningnan ko si Lani, payapa siyang natutulog. Sa likod pala ng mapupulang pisngi at labi nito ay ang maputlang Delaine. Ang Delaine na lumalaban para sa kanyang buhay. Ang Delaine na palagi kong tinataboy at sinasaktan. How could she managed all of the pain I'm giving her, when in fact, she's in pain already.

Gumalaw ang kamay nito na wari ay may hinahanap. I know it's me kaya ay lumapit na ako dito at hinawakan ang kamay nito.

"Pierre? Is that you?" Tanong nito matapos magmulat ng mga mata.

"Yes, I'm here Lani." I saw tears. Tears streaming her pale cheeks.

"Bakit nandito ka pa? You shouldn't be here Pierre. You shouldn't be here." Tumalikod ito mula sa akin.

Bakit nga ba ako nandito? Ano ang dahilan? But I already knew the answer, I'm here because for me, my presence is all I could offer to make her happy. I can't offer my heart because I already gave it to someone. And that someone is Yngrid.

"Nais ko lang makatulong." Nais kong makabawi sa pagpapasakit ko sa iyo. Sa lahat ng pagtataboy at mga masasakit na salita.

Pero hindi ko ito maisatinig. Dahil kung sasabihin ko iyon, mas lalo ko siyang masasaktan.

Naalala ko minsang nagkita kami sa mall. I'm with my friends at hindi ko alam kung sinusundan ako nito o sadyang nagkataon lang.

"Hi Pierre! Nice to see you in here." Binigyan niya ako ng napakatamis na ngiti na siyang nagpangiwi sa akin. I don't like the guts of this girl. She's bolder than the guys I'm with.

"Hi din Delaine." Sagot ni Fin Nick. Jerk. Pinapatulan ata lahat ng makitang may buhok. Pero huwag ninyo akong paniwalaan, eksaherado lang talaga akong magkwento.

Tumaas ang kanang kilay nito. Sinusuri ng tingin ang kabuuan ni Fin. She smirked and I saw Fin's eyes burn with amusement.

"What are you doing in here?" Tanong ko dito.

"Shopping?" Tinaasan ko ito ng kilay. Shopping? Seriously.

"Alright. Nasa food court ako ng makita kong dumaan kayo. I-I followed you. H-hindi ba pwede?" She's stammering na parang nadakip na magnanakaw.

"Delaine, hindi ito ang una but please let it be the last. Huwag mong ibaba ang dignidad mo. Babae ka pero kung makasunod ka para kang lalake." Napayuko ito at humawak sa bandang puso. Siniko ako ni Jace and Fin mouthed 'bastard'.

I saw pain in her eyes that day at parang nawala ito parang for a week. Pero bumalik na naman ito. What would I expect? Delaine is Delaine.

"Umalis ka na. Ayokong makita ka dito. Parang awa mo na." Narinig kong pumiyok ang boses nito. Pinipilit niyang magpakatatag.

My Mom raised me not to hurt women. Pero ito na ata ang ginagawa ko. I'm hurting Delaine. And I'm afraid I'll be hurting my Miss. She don't deserve the pain. She had enough.

"Sa ginagawa mo Pierre, hindi ka nakakatulong. You know what, I already have abnormal heartbeats. At kapag nandiyan ka, lalo itong nagiging abnormal, lalong bumibilis." Her back is still facing me pero ramdam na ramdam ko ang hinanakit niya.

"I'll stay, weather you like it or not." Pinal na sabi ko. Hindi ko magawang umalis lalo na na mismong ina nito ang nagmakaawang pumunta ako.

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon