Chapter 33: Her Agony

32 0 0
                                    

He is here. He is here dahil pinapunta siya ng Mommy. He is here dahil naaawa siya sa kalagayan ko. He is here kasi napipilitan lamang siya. Kahit masakit. Kahit ayaw ko, dapat kong gawin. Kailangan ko siyang ipagtabuyan. Dahil puso kong sira ang namimiligro.

"Umalis ka na. Ayokong makita ka dito. Parang awa mo na." Please. Nakita ko siyang napatiim. Nanahimik. Wala akong nagawa kundi tumalikod para hindi makita ang awa sa mga mata niya.

Kahit gusto kong nandito ka. Kahit gusto kong inaalagaan mo.

"Sa ginagawa mo Pierre, hindi ka nakakatulong. You know what, I already have abnormal heartbeats. At kapag nandiyan ka, lalo itong nagiging abnormal, lalong bumibilis." Nagpasya akong basagin ang katahimikan. Ito ata ang pinakaunang pagkakataon na sinasabi kong mahal ko siya pero hindi ako nakatingin sa mga mata niya. How brave I am to do so.

"I'll stay, weather you like it or not." I heard him sighed. He shouldn't be in here. Ayoko.

Tinakot ba ito ng Mommy? Why can't he leave when in fact he doesn't want to see me.

I sighed. Okay, fine. Wala akong magagawa.

"Okay. Desisyon mo iyan. Hindi kita pinipilit." Two days. Two days ago was our graduation day. Gusto kong dumalo pero hindi pwede. Gusto kong makaakyat ng stage at tumanggap ng diploma sa mismong araw na iyon. Pero bwesit na puso, doon pa sinumpong.

AVRC be damned! Sa lahat ba ng tao na magkakaroon ay ako pa ang maswerteng napili. Hindi ko naman sinisisi ang Diyos na binigyan niya ako ng karamdaman. Pero, bakit ito pa. Itong walang lunas na sakit pa. Okay lang kung kukunan ako ng kidney o kaya appendix. O kaya ay ubo, sipon, dysmenorrhea. Why does it have to be Arrythmogenic right ventricular cardiomyopathy?

I was diagnosed with AVRC noong tumuntong ako ng kolehiyo. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Nanlulumo at palaging umiiyak. Unang taon ko sa kolehiyo tapos muntik pa akong patigilin ng Mommy. Pero lumaban ako dahil ayokong mawalan ng buhay. Gusto kong maging normal. At lalong nagpursige akong mabuhay ng makita ko si Pierre. He gave me a reason to live. A reason to fight.

Narinig kong bumukas ang pintuan. At hindi ko inaasahan ang sumunod na narinig ko.

"H-hi. We're here to visit Lani." Napalingon ako sa nagsalita at napangiti ng mapakla. Agad na tumayo si Pierre at yinakap ito. I know, he badly missed her.

Yngrid Nuevo. Pierre's girl.

"Sinong kasama mo? Bakit hindi sila pumasok?" Tanong ni Pierre habang kumakalas sa yakap. Bumalik ako sa pagtalikod. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita sila.

"Hindi sila. Sino siya dapat. I'm with Zack." Sabi ni Yngrid. Lucky woman.

"Why are you with him?" I can sense danger in his voice. Galit siya.

May narinig akong yapak ng takong palapit sa akin.

"How are you Delaine?" I don't want to be rude. Nilingon ko ito at nakitang may dala itong isang basket ng prutas. Pero nagtataka ako dahil hindi niya sinagot si Pierre. Is she angry?

"I-I'm okay. Salamat sa prutas." Sabi ko dito. She smiled.

"Good. Hindi na kami magtatagal, alam mo na, napadaan lang." She's cold. Galit ito. Wala akong nagawa kundi ang ngumiti ng pilit.

Bumukas muli ang pintuan at iniluwa si Zack. Yeah one hell of a lucky woman. I could sense coldness in Yngrid's voice while I sense danger in Pierre's gaze.

Pierre stood up at may ibinulong kay Yngrid.

If you'll fight, huwag dito. Madadagdagan lang ang sakit sa puso ko.

Tinitigan ko lamang ang dalawa habang papalabas. Doon ko napansin si Zack na nakapanglumbaba. We, we both fell in love with someone who loves another. We both are lovesick. Pero iba ang sitwasyon ko. I am physically, emotionally and now mentally sick.

Baliw ka na Delaine Mae Solidad, na confine ka lang kung ano-anong kabaliwan na agad ang naiisip mo.

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon