Chapter 1: Bitterness

339 5 0
                                    

If black is your brightest color.
If hurt is your only lover.
When you fight, we'll fight together.
I'll stand by, I will stand by you.

Napapailing ako sa kanta. Paano ako makakasama sa mga laban niya kung may karamay na siya. Paano ko siya maipaglalaban kung may lumalaban na para sa kanya. Ganito naman palagi eh, abnormal ata ako. Nagkakagusto ako sa mga taong iba ang gusto.

Hay buhay, kelan ba darating 'yong taong ipaglalaban ako? Dahil napapagod na akong maghintay.

"Yngrid, ang mali kasi sa iyo, utak ang unang pinapagana mo hindi puso." Bumalik lang ako sa totoong mundo ng narinig ko si Keila na nagsalita.

"Bakit? Mali bang paganahin ang utak upang maiwasan ang sakit dito?" Sabay turo sa may bandang puso.

"Yngrid, bente kana. Kinse palang tayo ganyan na ang paniniwala mo. Kaya you always end up brokenhearted. " Kaibigan ko si Keila simula noong High School palang kami. Alam na alam na namin lahat pati na ang buhol ng mga bituka namin pati na appendix.

"Limang taon na Yngrid, limang taon kanang bitter. Hanggang kailan mo pangangatawanan ang pagiging bato mo?" Pangaral na naman nito sa akin.

"Hanggang sa makalaya ako sa pagkakakulong sa alaala niya." Naramdaman ko na naman iyon. Iyong ayaw kong pangalanan.

"Matagal ka ng nakalaya sa alaala niya Yngrid. Ang palayain mo ay ang sarili mong kinulong sa pader na batong ginawa mo." Madamdaming sabi ni Keila.

"Iyon na nga ang ginagawa ko. Akala ko sapat na ang isang taon. Pero kung ilang taon ko siyang minahal, iyon din ang dami ng taon para makalimutan ko siya." Sagot ko sa kanya.

"Ikaw naman kasi. Kung magmahal ka eh totohanan. Bata pa tayo noon. May iba pang lalakeng darating. Hindi lang siya." Suporta ni Gem kay Keila.

Tumayo ako at niyaya na si Keila at Geminie para bumalik sa klase. Kunting  gapang nalang, makakatapos na din kami.

Isa akong working student. Working student kasi nagtatrabaho ako sa umaga, hindi para pantustos sa tuiton ngunit pangpatay oras. Waitress ako sa umaga, estudyante sa hapon. Stress na nga sa buhay, stress pa sa buhay pag-ibig.

"Akala ko ba aalis na tayo? Bakit hindi ka man lang natitinag sa kinatatayuan mo?" Maangas na sigaw ni Keila sa 'di kalayuan.

"Diyan na! Ba't ba ang angas mo?!" Balik sigaw ko dito.

"Kasi nakaka-BV ka!!" Napangiwi ako ng iwan na talaga niya ako sa bench.

"Anong nangyari dun?" Nagugulohan kong tanong kay Geminie.

"Alam mo na iyon, pikon din. Hahay, magkaibigan nga tayo." Nakatawang sagot nito.

Hindi ako pinapansin ng bruha, natiis talaga ako. Hindi niya talaga ako pinansin hanggang mag-uwian kami.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"May I take your order, Ma'am ?" Walang gatol na tanong ko sa mga babaeng kanina ko pa tinatanong. Hindi man lang nakikinig. Geez.

"Oh sorry, I like to have a Paella and a strawberry juice." Order noong isang babaeng makapal ang lipstick. Strawberry? Ang baho nun.

"Pasta would be fine for me." Sabi ng babaeng makapal ang blush-on. Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon? Puro pintura ang mukha.

"One paella, one Pasta and one strawberry juice. Copied." Pumunta akong counter para orderin ang mga ito.

Nang matapos kong mahatid ang mga order ng mga babaeng pintura ay pumunta ako sa table 8. Even numbers ang table na pagsisilbihan ko. 2, 4, 6, 8, 10. Hanggang ten lang, si Kuya kasi pauso.

"May I take your order Ma'am, Sir?" Tanong ko sa couple na naglalambingan sa harap ko. Walang forever. Maghihiwalay din kayo. Ang bata pa ng lalaki, ano 'to? Pedophile?

"Carbonara and lasagna. Babes, ano sayo?" Tanong ng lalake sa babae.

"Paella." Tipid na sagot nito. I'm sure, masama ugali nito.

"Carbonara, lasagna and paella. Copied." I smiled before I left their table. It's a simper smile.

Hahay, ani ba itong utak ko. Ang sama mag-isip. Babes, baboy? Kilabot.

Yngrid, wag kang makialam sa kanila. Kung bitter ka, bitter ka. Walang damayan.

Letseng utak, ayaw makipag-cooperate. Nang matapos ko ang shift ko ay agad-agad akong umuwi. Ala una dapat ready na ako ngayon tapos malapit ng mag alas dose.

Umaga lang ako sa maliit na restaurant na ito. May pasok ako tuwing ala una y medya ng hapon. Kailangan ko lang talaga ng pampalipas oras. Ayoko sa bahay, nalulungkot lang ako.

Natapos ko ang trabaho ko at exactly twelve. Ang sakit ng mga binti ko ngunit kaya pa. Umalis na ako ng restaurant at umuwi na. Kailangan ko pang maghanda para sa klase ko.

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon