Chapter 41: All She Could

8 0 0
                                    

I am happy. I should be happy. Tapos na ako ng pag-aaral. May trabahong nakaabang sa akin. Ano pa ba ang mahihiling ko? I smiled bitterly. I'm a good liar now, kahit sa sarili ko eh nagsisinungaling ako. Totoo nga siguro ang  Theory of Acquired Characteristics. Napailing ako, kung ano-ano na tuloy ang naiisip ko.

But then I know, inside my heart I was hoping for him to come. I was that in love. Ganun ako katanga kasi mahal ko. Mahal ko kaya hihintayin ko.

Kasagsagan ng kasiyahan nang tinawag ako ng Mama. She said someone was waiting for me outside. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. I hope it was Kirstein but the one who came was the last person I want to see tonight.

I was shocked to see the sophisticated Mrs. Solidad, standing behind my mother. She smiled to me and I smiled back not minding if it was an awkward one.

I offered her to come in but she refused. Ayaw siguro niyang pumasok sa bahay naming simple lamang.

"Can I talk to you in private?" She said and I nodded. I don't know but I felt weird. I guided her to our garden na walang katao-tao.

Silenced filled the air. I was giddy. I'm afraid. I'm confused. Natatakot ako sa pwedeng mangyari at kung ano ang sasabihin niya. It might change my world.

"I love my daughter very much. I will do everything just to save her. As a mother, my heart aches seeing her suffering like that." Her voice broke. It breaks my heart too, sino bang ina ang gustong masaktan ang anak. But I don't know the reason why she's saying this.

Hindi ako kumibo. I am waiting for her to continue.

"I have one option Yngrid. It's for her best. Kung pupunta siyang America at doon magpagamot, her life would be longer. Makakasama ko siya ng matagal. Pero ayaw niya, gusto niyang-" And then she sobbed. "Gusto niyang makasama si Pierre. Kahit daw sa mga natitirang mga araw niya."

Naramdaman kung nanlamig ang katawan ko. Para akong binuhusan ng isang baldeng yelo. Natalo ko pa iyong mga nag-ice bucket challenge. I felt hot liquids running on my cheeks. Parang patak lang ng ulan, nag-uunahan ang mga luha ko sa pagpatak.

"I have a favor to ask Yngrid. Alam kong sobra pero I am asking you to let go of Pierre. Please, I am begging you." She held my hand.

Hindi ako makakibo. Tinitimbang ko ang mga pangyayari. Bigla na lang nagflash ang mga pangyayari sa buhay ko na kasali si Kirstein Pierre. Iyong unang kita namin, mga pang-aasar ko, noong pinagalitan ko siya, unang date, kiss, away namin,  mga ngiti, tawa at mga luha. Kaya ko bang bitawan ang mga iyon para madagdagan ang mga araw ni Lani?

Para kaming mga baliw dito sa garden, mag-uusap at sandali lamang ay mag-iiyakan. Hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko. Ang sakit eh. Ayoko. Ayoko pero kailangan. Paano naman ako?

Kailangan bang umabot sa ganito? Sa puntong ako na naman ang magpaparaya dahil sa awa. Bakit ba ako? Bakit ako na lang parati? Wala ba akong karapatang sumaya. Pinahid ko ang mga luha ko. Buong lakas na namutawi sa mga labi ko ang mga salitang ayaw kong bitawan pero kailangan.

"Is that the only way, Mrs. Solidad?" Binasag ko ang pananahimik ko.

"Yes at kung kailangan kong lumuhod sa harapan mo ay gagawin ko. Please, save my child. Please, save her." Paulit-ulit niyang sinabi ang mga katagang iyon.

"Please, save my child. Please, save her."

Like a cue, right there, as I watched her weep for her daughter I know for that moment that I already have an answer. I am not selfish enough to let her suffer while I am happy. I will never be happy when I think about her.

"I w-will t-talk to him po." She hugged me after I uttered those word. Even if I'm dying to take it back, I won't. I am not Yngrid if I take it back. I am not human if I will take it back.

Moments later, I found her leaving and me on my room, dying. I am silently dying inside.

Tinanong ako ng Mama kung okay lang ba ako and kahit na alam kong alam niya, umoo ako.

Heto ako ngayon, binubuhos lahat ng luha sa gagawin ko. Ayoko. Ayokong bitawan iyong kasiyahan ko. Pero may boses na bumubulong sa akin na kailangan. Kailangan kasi kailangan.

He will hate me for this. I know.

Alam ko na hindi ko kaya. Ayoko. I always believe in happy endings. I believe in fairy tales. Pero ano 'to?

Is this the climax of my love story or the end already?

Napaisip ako. Napatulala. Napapikit. I have a heart that beats perfectly and I know, time will come, my wounds will heal.

Hindi man ngayon pero darating din ang panahon.

I am now letting go of my own happiness. I am letting go of Kirstein Pierre.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon