Kabanata 12

19.7K 442 24
                                    

Kabanata 12

Ameren's POV

Mabigat ang pakiramdam na pumasok ako sa bahay. Buti na lang wala nag parents namin kaya hindi nila nakita ang pag iyak ko. Pagkasara ko palang kanina ng pinto kusa nang pumatak ang mga pinipigilan kong luha.

Ako rin naman ang may gusto nito pero bakit ang sakit sobra?

Dumapa na lang ako sa kama at duon nagiiyak. I don't know how long I've been crying nakatulugan ko na nga. Nang magising ako heto naman ako nagbababad sa bathtub.

Bakit nga ba sya nagsosorry kanina? Maybe because he's guilty. Pero naiinis pa rin ako sa kanya and I don't want to talk to him baka maibalibag ko lang sya ngayon.

>>>

Three days ko nang iniiwasan si Phoenix. As much as possible gumagawa ako ng paraan wag lang kaming magkita o di kaya todo iwas ako sa kanya wag lang kaming mag-usap pero ngayon nauubusan na ako ng madadahilan.

Heto ako ngayon nakahilata sa kama at tinatamad na lumabas. Wala naman akong gagawin sa labas eh wala rin akong pictorial ngayon kaya mas okay pang magburo na lang ako sa loob ng kwarto at least hindi kami magkikita ni Phoenix.

Bakit ko nga ba sya iniiwasan eh mukhang sa akin rin nag ba-backfired dahil miss na miss ko na sya. Haist buhay nga naman ng baliw sa pagibig. *frown*

"Miss Ameren nandito po ang boyfriend nyo." Napatayo ako agad at derecho sa salamin saka nagayos ng marinig ko ang sinabi ng katulong namin. Natuptop ko naman ang noo ko ng marealize kong galit pala ako dapat.

"Tell him I'm busy." Sinilip ko pa sa salamin ang itsura ko nandito na lang rin naman ako lubos lubusin ko na. Tank top at short, short ang suot ko pambahay na pambahay ang ayos ko ngayon. Napangiti ako ng makitang ang ganda ko pala haha! Chos!

"Ame, let's talk." Nanlaki ang mata ko at dinaig ko pa si the flash sa paglinis ng kalat ko.

Napakamot ako sa ulo. Bakit ba ako nagaayos eh ayaw ko nga syang kausap. Haist!

"Go away Phoenix! I don't want to see your face." Bumalik ako sa kama at nahiga. Niyakap ko pa si Ted my 7 year old teddy bear. A gift from one of my friends. Wala na sya ngayon rito nag migrate na sa London ang buo nilang pamilya.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero hindi pa rin ako gumagalaw sa pagkakayakap kay Ted. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at nakikiramdam lang sa paligid.

Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagpasok ni Phoenix at pagtango nya kay Yuki. That brother of mine! Malapit lapit ko na talaga yang sakalin eh!

Lumundo ang paahang bahagi ng kama ko kasabay noon ang nakakapangilabot na haplos ni Phoenix sa binti ko. Hindi pa rin ako natinag sa papagkakatitig ko sa bintana. I bite my inner cheeks para wag lang gumalaw at wag magpaapekto sa hawak nya.

I heard him sighed. "I'm sorry. I know dapat hindi ko ginawa yun and I'm sorry for breaking our agreement." He said sincerely.

Oo nga pala agreement lang 'to. I can almost taste my own bitterness. Naiinis ako kasi ang tanga ko at hindi pa ako magising gising.

Hindi pa rin ako umimik at gumalaw. Sorry won't change anything. He cheated.

"Ano ba ang dapat kong gawin para wag kang magalit? Bati na tayo please?" Naupo ako at saka tinitigan sya.

"If I ask you to stop flirting would you do?" I smirk ng makita ko syang nagiwas ng tingin. A playboy will always be a playboy no matter what. "I bet you can't. I know you still love her and it will always be her there (sabay turo sa dibdib nya) but please respect me kahit hindi bilang girlfriend kung di bilang kaibigan o bilang babae man lang."

Intoxicating Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon