Kabanata 3

29.7K 602 6
                                    

Kabanata 3

Ameren's POV

After 30 minutes dumating na si Yuki na nakasimangot pero kahit ganon hindi pa rin sya nakalimot na magkiss sa akin. Sweet si Yuki pero minsan matindi rin kung mag tantrums.

"Storbo ka." Nakasimangot na sabi ni Yuki.

I kissed his cheeks at umangkla sa braso nya papasok sa loob. May sarili kaming room rito pinagawa sa amin ni Tita ang room, customized sya para sa mga magpipinsan kasama kami. Malalaki ang kama at tig dalawa sa bawat kwarto kaya para sa lahat.

"I love you too!" He tsk-ed pero nag I love you naman sa akin. Hindi naalis sa kanya ang pagiging sweet kahit na naiinis pa.

"You sleep beside me Ame. Baka mamaya gapangin ka pa dyan." He said habang matalim na nakatingin kay Phoenix na hindi naman kami narinig dahil busy sa pakikipaglandian sa cellphone nya.

Napailing ako. Ayaw na ayaw nya kay Phoenix kasi raw walang maidudulot na maganda sa akin ito. He knows also that I am in love with that jerk kaya nga bantay sarado nya ako kasi baka maging willing victim pa raw ako kapag nagkataon.

"I'm here because pepper asked me not because of him. How's mom?" inabot nya sa akin ang paper bag na dala nya.

I immediately opened it. Hindi nga ako nagkamali sa iniisip ko nagluto si Mom ng bicol express and kare- kare bagnet. Ewan ko ba kapag magkakasama sila nila tita bonding nila ang magluto habang sila Dad naman ang bonding nila eh ang magkwentuhan at mag share ng mga business ideas.

Sana ganyan rin kaming lahat sa susunod kapag lahat sila nasa legal age na.

"She's fine. Mom said duon raw tayo sa bahay bukas umuwi kasi aalis sila out of the country the day after tomorrow gusto nila sabay tayong magdinner."

Masama pa rin ang tingin nya kay Phoenix at feeling ko pinapatay nya na eto sa isip nya. Civil naman sya kay Phoenix kapag nakakausap nya siguro kaya lang sya ganya dahil kasi kapatid nya ako at mahal nya ako.

"Okay. Wala sila tita sila B lang. Mint is upstairs puntahan mo na lang hinihintay ka nya papatulong ata." Close silang dalawa kahit na malayo ang agwat nila nagkakasundo pa rin.

Nilapitan ko na si Mr. handsome na mukhang iba na ang kausap dahil todo simangot na. Nagangat sya ng tingin at ngumiti sa akin saka tinap ang tabi nya. Sinunod ko sya at naupo sa tabi nya saka pinatay ang phone nya ng hindi man lang nagsasabi ng ba-bye sa kausap.

Rude!

"Thank you." Tinaasan ko sya ng kilay dahil out of the blue nag t-thank you sya.

"For what?"

Tumingin sya sa malayo at sinundan ko ang tingin at nakita kong nakatingin sya kay pepper na naglalaro sa swing.

"For allowing her to call you mommy and for taking care of her. For making her feel complete. I wanna be the best father for her but I don't know how to. Ang laki ng pagkukulang ko sa kanya pero kahit minsan hindi ko man lang sya nakitang nagalit sa akin and it's because of you...

Thank you Ame. Please let her call you mommy please. I can see her eyes twinkling every time she's with you. Kung sana hindi lang kinuha agad si Gianna..."

Na-touch ako sa sinabi nya. Ano kaya ang nakain neto at nageemote? Pero sa totoo lang masaya pa nga ako kada tatawagin ako ni Pepper na Mommy nakakagaan sa pakiramdam.

Intoxicating Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon