Kabanata 31

21.5K 461 36
                                    

Kabanata 31

Ameren's POV

"N-no... No... n-no please..." naramdaman kong may mga kamay na yumayakap sa akin. It's B, George, Zoe and Grae.

"Why did you do that ate? You're not that desperate right?" naguguluhang mata ni Cloud ang sumalubong sa tingin ko.

I was just torn that time. If only I could have choices but then Phoenix is the only choice I have before. God knows how much I wanted to regret all the things I've don but I can't... Dahil sa pagkakamali ko isang blessing ang dumating sa akin.

I know some people won't understand kung ano ang nararamdaman ko. Bilang isang babae, gustong gusto kong magkaanak pero dumating lang sa point na kailangan kong i-advance yun dahil kung hindi ako rin ang mahihirapan in the near future. Madaling sabihin na ganun lang ang sakit ko at madaling lunasanan but the truth is no. And it sucks. Big time. It'll be forever with me.

"Shut up Cloud! We all know that Ameren is not that pathetic. There's a reason behind everything and tonight is not the night para pagusapan yun. Come on get up, kailangan nating masundan agad si Yuki baka lalong magkagulo. Think about sky, Ame."

Nanlaki ang mga mata ko pati ang ulo ko ng marinig ko ang pangalan ng anak ko. Aminin ko man o hindi natatakot ako sa maaring magawa ni Phoenix lalo na at mas makapangyarihan sya sa akin, sa amin. No not my son. He's my everything.

"B-B, ang anak ko b-baka kuhain nya." Ikakamatay ko kapag nawala ang anak ko sa akin.

"Hush... I won't allow it. We will not allow it, that's a promise. Right guys?!"

"Ate Bridge is right. Nandito lang kami for you. Get up na ate its killing me seeing you in that state." Cloud.

"T-thank you and I'm so sorry... I promise when everything's okay sasabihin ko sainyo lahat." Tinanguhan lang nila ako at inalalayan na makatayo.

"We will never judge you. We're all here to support you." Mint.

Kimingn ngiti lang ang binigay ko sa kanila. Ang laking pasalamat ko sa kanila dahil kahit na may nagawa akong hindi maganda hindi nila ako hinusgahan. Lakad takbo ang ginawa namin makarating lang sa mansion.

Halos wala akong makita kakaiyak ko. Natatakot ako. Halos triple ang tibok ng puso ko sa kaba at nerbyos ng masalubong ang nagbabagang tingin ni Phoenix sa amin. O tamang sabihin na sa akin.

3rd Person's POV

Halos kaladkarin ni Phoenix paakyat sa itaas kung nasaan ang library si Ameren. Galit na galit sya sa nalaman nya kay Yuki. Pakiramdam nya niloko sya.

Pabalibag nyang binitawan si Ameren pero tiniyak nya pa rin na hindi masasaktan ito. Gustuhin man ni Yuki na ipagtanggol ang kapatid alam nya na malaki ang kasalanan nito kay Phoenix.

Hanggang ngayon naguguluhan pa rin si Yuki kung papaanong nagkaanak si Phoenix at Ameren kung buong alam nila ay nasa London na 'to at si Phoenix naman ay nasa manila.

"Tell me is it true?! Totoo ba ang sinabi ni Yuki?! Ameren?! Damn! Sumagot ka naman!" Napatalon si Ameren sa lakas ng boses ni Phoenix.

Helpless na tumingin sya kay Bridgette na sobrang guilt ang nararamdaman dahil kasama sya sa mga nagplano neto. Alam nyang darating ang time na sisingilin sila sa ginawa nila noon. Pinisil ni Bridgette ang kamay ni Ameren na para bang sinasabing magiging maayos rin ang lahat.

"Answer me!" Napapitlag ulit sya ng sumigaw si Phoenix.

"Y-yes... Skyler is yours..." Nailagay ni Ameren ang kamay sa mukha at duon umiyak.

Intoxicating Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon