kabanata 36

23.2K 467 7
                                    

Kabanata 36

Phoenix's POV

Gusto kong matawa kanina kay Ameren ng tanungin nya ako kung hindi ko ba nakita ang malaking resemblance ni Gianna at Magnolia. Honestly wala akong makita maski kaunting pagkakahawig sa dalawa at kahit kelan naman hindi ko pinagkumpara si Gianna sa kahit sino.

Gianna would always be Gianna. Minahal ko si Gianna bilang sya at kahit na nabaliw ako sa pagkawala nya ni minsan hindi ako naghanap ng kamukha nya para lang mapalitan sya.

I enjoyed buying clothes for my children. And mostly nag enjoy akong kasama ang asawa ko. Damn! It's feels good calling her my wife.

"Ako na bahala rito magpahinga ka na sa loob I know you're tired." I gave her peck kiss on her lips. Natatawa pa syang tumalikod papasok habang ako naman ay papunta na sa likod ng sasakyan para kuhain sana ang pinamili namin ng makita kong natigilan si Ame sa paglakad.

Sinundan ko ang tinitingnan nya. I gritted my teeth and clenched my fist pagkatapos ko syang hapitin papalapit sa akin. Back off dude. Ameren is mine. My wife is mine.

"Toby..." Nagseselos ako. I wanna crash his face and turn it into dust.

"Can we talk Ameren? Alone?" Sinamaan ko ng tingin si Toby. Makuha sya sa tingin dahil baka magdilim ang paningin ko at masapak ko sya ng wala sa oras.

Tiningnan ako ni Ameren with a pleading look. Mas lalong umigting ang panga ko. Damn! I can't say no to my wife.

"Please Phoe? Dito lang kami sa garden I promise it won't take long." Umiling ako kay Ameren. Hindi ko gustong maiwan silang dalawa lang. Natatakot akong baka mas piliin nya si Toby kesa sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari yun.

I looked away.

"I'll be in the kitchen. I'm watching you Ame."

Ameren's POV

"I'll be in the kitchen. I'm watching you Ame." Kinilabutan ako sa lamig ng boses ni Phoenix.

I know he's mad at ayaw nya kaming iwanan ni Toby and mostly I know he's jealous pero wala naman syang dapat ipagselos dahil sya ang mahal ko. He kissed me at hindi basta kiss kung hindi French kiss. Huminto lang sya ng may marinig na tikhim at kilalang kilala ko kung sino ang nagmamay ari nuon.

"Tss." May pahabol pang smack kiss si Phoenix bago tuluyang pumasok sa loob pero huminto muna sya sa harap ni Toby at nagsukatan sila ng tingin.

Napabuga ako ng hangin bago hinarap si Toby. Malungkot akong ngumiti sa kanya and he faintly smiled back. Hindi ko alam kung yayakapin ko ba sya to welcoming him or not. Pinili ko na lang ang hindi na knowing my husband nandyan lang yan sa tabi tabi nagbabantay.

Inaya ko na lang sya papunta sa garden kesa sa loob ng bahay. Feeling ko kasi it's inappropriate napapasukin ko sya lalo na at bahay namin ito ni Phoenix. At higit sa lahat ayaw kong saktan pa lalo si Toby.

"Is there anything you want eat Toby? Juice or coffee?"

"I didn't come here to eat Ameren." I sighed. I understand kung saan nanggagaling ang pagiging sarcastic nya it's my fault.

Ang awkward bigla ng atmosphere. Hindi ko alam kung papaano sya kakausapin na hindi sya masasaktan. Either way masasaktan sya.

"Look Toby, I'm really really sorry... My sorry won't change a thing but I want you to know how sincerely sorry I am." Matatanggap ko kung hindi nya ako mapapatawad dahil sa nagawa ko sa kanya.

Tiningnan nya ako ng punong puno ng hinanakit. Bakit ba kasi kapag nagmamahal kailangan na may masaktan?

"Why Ameren? Why? Akala ko ba pagbalik pwede na nating simulang ang pagaasikasp sa kasal natin but I was wrong because my fiancée is now married to her ex-boyfriend. What a nice welcoming surprise right?"

Intoxicating Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon