Kabanata 35

26.5K 462 22
                                    

Kabanata 35

Bakit mas madaling mag edit kesa sa gumawa?

Ameren's POV

"Mom, did you see my book? I can't find it!"

"I already put it in your bag darling!"

"Hon, where's my watch?!"

"Nasa drawer! Left side!"

"Uwaaah! Uwaaah!"

This is our daily routine simula ng ikasal kami ni Phoenix a week ago! Every morning nagsisigawan kami sa bahay at sumabay pa ang bunsong anak ko na nakikiconcert rin kapag umaga.

Simula ng lumipat kami sa bahay namin. Yes may bahay kami na pinagawa ni Phoenix a year ago 'raw' and his gift to me. He's showering me with material things simula pa ng ikasal kami which is kahit sabihin kong ayaw ko hindi nya pa rin ako sinusunod. Ganto na kagulo ang umaga namin. Daig pa namin ang may World war 3 araw araw.

Akala ko madaling maging isang magulang dahil isa lang si Sky pero mahirap pala lalo na kung dalawa na sila ay mali tatlo pa! Kasama si Phoenix. Damn! Haggard na haggard na ang itsura ko. Ang buhok ko hindi ko pa nasusuklay, ang damit ko hindi pa napapalitan at naka pantulog pa rin ako. Wala akong slipper dahil hindi ko mahanap. My marriage life is a big disaster! Well not really... I guess.

"Bye mom! I love you!"

"I put your snacks na sa bag mo, just call me if you need something okay. Bye, I love you more." I kissed her temple saka nag wave sa kanya.

One down. Nakaalis na si Pepper papasok sa school. Mamaya nang hapon ang balik nya. Nakakaloka ang bahay namin kulang ang tatlong katulong. Disaster kapag nagsama silang mag-aama pero isa rin yun sa mga perfect days nila.

Every morning sa loob ng isang linggo naming magkakasama sa bahay ganto ang umaga namin. Maski si Skyler nakikipalahaw ng iyak pero kapag wala naman na yung dalawa titigil na sya at mag lalaro na. *frown*

Sa mga nangyari kung may isa man na sobrang natuwa ng magpakasal kami ni Phoenix wala nang iba kung hindi si Pepper. My pepper. She said meron na raw syang complete family and to tell you, my heart broke when I heard that. Lalo na at nagaalinlangan pa akong pakasalan si Phoenix despite everything he said.

"And you little piggy, you behave. Mommy has a lot of things to do pa so better sleep na?" He giggles. Ayan tahimik na sya dahil wala na ang ate nya. Mamaya maya sigurado tulog yan lalo na kapag tapos na dumede. Two down, one more left.

Nilapag ko na sya sa crib nya saka nilagyan pacifier nya na may malalaking ngipin. Para syang cute na little devil haha! Kidding. Iniwan ko na muna sya duon para puntahan ang tatay nyang sasaksakan ng pasaway at bagal kumilos.

"Kumakain ka pa rin Phoenix Ethan Walters?" I rolled my eyes at saka madabog na naupo sa lamesa. Umalis na si pepper pero sya nandito pa rin at kumakain. I know now kung saan na mana ni Sky ang pagiging piggy nya.

"Yes Mistress Ameren Miracle Walters." Nginisihan nya pa ako. Binato ko sya ng isang slice ng tinapay na sinalo nya lang at balewalang kinain. Gross.

"I'm waiting for you wife. Let's eat."

"Bakit dala ko ba ang pagkain? Husband." Note the sarcasm.

Ganto kami kapag umaga parang may gyera sa bahay. It's kinda annoying yet I find it unique and sweet.

Nginisihan nya ako ng nakakaloko sabay tingin ng weird sa akin.

Intoxicating Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon