Kabanata 10

22.8K 456 8
                                    

Kabanata 10

Ameren's POV

"Ano yang dala nyo?" ni-check ni Phoenix ang dala ni Pepper para sa kanya.

"It's a rounded pancake daddy but it taste good!" Kinuha naman ni Phoenix ang takoyaki saka nagsimulang kumain.

"Hmmm, masarap nga. Hon do you want some?" Alok ni Phoenix sa akin. Umiling lang ako sa kanila at nagpaalam na babalik muna sa room ko. Pumayag naman silang dalawa.

Iniwan ko na muna ang mag-ama sa kwarto nila pati na rin ang pinamili ni Pepper mamaya ko na lang aayusin pagbalik ko.

Separated ang room namin ni Phoenix naku baka tumawag ng pari si Daddy sa Vatican kapag nalaman na sa iisang kwarto lang kami natulog. Magkatabi lang ang room namin.

Inilagay ko sa kama ang mga shopping bag na dala ko saka balewalang nahiga sa kama. Napagod ako ng sobra kanina pero sulit naman kasama ang batang makulit.

Bigla ko namang naiisip ang sinabi nya kanina. She's too young para maranaasang mainggit kung may magagawa lang sana ako para sa kanya ginawa ko na.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kung hindi pa nagvibrate ang phone ko hindi pa ako magigising. Hindi na ako nagabalang tingnan kung sino pa sya basta ko na lanag sinagot.

"Moshi, Moshi." Walang buhay kong sagot. Aba ano aasahan sa taong kakagising lang.

"So anong feeling mo Japanese ka?! Hoy wag ka ngang mag inarte dyan." I rolled my eyes kahit na nakapikit pa ako. Napabuga ako ng hangin dahil sa lakas ng boses ni B.

"Shut up B. What do you want?"

"Nothing mangangamusta lang. Ano sinuko mo na ba ang perlas ng silanganan?" Naginit ang pisngi ko dahil sa tanong ni B.

"Shut up B! I'll hung up na I need to take a bath na baka malate kami sa pupuntahan namin." Hindi ko na sya hinintay na sumagot at binabaan ko na sya agad.

Ang lakas talagang mangasar ng tao na yun. Tiningnan ko ang orasan at meron pa akong almost 2 hours bago kami umalis. Makatapos akong maligo ay nag ayos na ako agad.

I'm wearing a shiny tank top and skinny jeans na kulay pink and a skin toned pumps. I put lite make ups lang rin and I'm good to go. Kailangan ko pang bihisan ang baby ko para terno kami.

Hindi na ako kumatok kasi may duplicate key ako kaya walang problema. Naabutan kong nagaayos si Phoenix ng damit nya si Pepper naman ay kakatapos lang maligo.

"You look good." I smile sa papuri ni Phoenix at saka lumapit sa kanya at humalik sa pisngi. "But, kailangan ba talagang kita ang belly bellybutton mo?" Nakasimangot na tanong nya sa akin.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nya at pinuntahan ko na lang si Pepper saka inayusan. I braided her hair para maganda at bumagay sa kanya.

"You look perfect na darling, magkamukha na tayong dalawa." Pumapalakpak pang sabi ko. Ang ganda naman kasi talaga ng batang 'to eh kamukhang kamukha ko kasi.

"Thank you mommy, you too, you look good rin po." I kissed her cheeks at saka hinawakan sya sa kamay.

"Let's go Phoe." Lumapit na kami ni Pepper sa kanya. I felt his warm hand in my tummy kaya napaatras ako ng konti. Para akong nakuryente at parang biglang nawalan ng laman ang tyan ko ganun yung pakiramdam ko.

Nginisihan nya lang ako at saka ibinalik sa bewang ko ang kamay nya habang nasa gilid ko si Pepper. Halos lahat ng madaanan naming tatlo napapatingin sa amin.

Hindi na ako magtataka kung bakit tinitingnan kami ng mga tao dahil na rin sa kakaibang aura na meron etong magama na eto. Lahat rin ng madaanan namin na tao kusa nang gumigilid.

Intoxicating Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon