kabanata 40

26K 435 10
                                    

Kabanata 40

Phoenix's POV

Tulad nga ng gusto ng asawa ko dumaan muna kami sa mall para bumili ng ice cream para sa lahat. Sa laki namin hindi pwede ang ang ilang piraso lang.

Hindi ko na sinabi sa kanya kanina kung ano ang ginawa ko sa magasawa dahil alam kong kahit na may pagkamaldita ang asawa ko malambot pa rin ang puso nya but not to me. Walang kapatawaran ang ginawa nya sa anak ko, lalo na sa asawa ko. Pinatawad ko na nga ang kapalpakan nila sa mga supply nila sa mga hotels tapos ganun pa ginawa nila sa anak ko. They deserve what I did to them.

I'm not as cruel as my grandparents. Pero hindi rin basta basta ang ginawa ko dahil alam kong malaking kawalan sa kanila ang pagtanggal ko sa kanila bilang supplier namin. Para silang napilayan dahil duon but I don't care. If only I could take their life I would pero hindi pa naman ako ganun kasama.

"We're here!" Bungad ni Ameren sa bahay ng mga lola. As if they can hear us.

"They can't hear you. Baka nasa pool area sila." Ngumiti lang sya at yumakap sa bewang.

"I can hear you. Gosh ang landi talaga ni Ame." Ameren chuckles dahil sa sinabi ni Ate.

Sanay na kami sa ugali nya. Hindi na bago sa akin ang mga pinagsasabi ni Ate at saka mag bestfriend silang dalawa kaya nagkakaintindihan sila. Lumapit sa amin si Ate at nagbeso kay Ameren ganun rin sa akin.

"Is that a compliment? Well I highly appreciated it." naiiling na lang ako sa usapan ng dalawa. May mga bagay minsan na sila lang ang nagkakaintindihan.

"Hello Blaze, come to tito." Sumama naman sa akin ang bata.

Blaze Hunter is turning 1 few months from now. He's Bridgette son. Long story and it's not my story to tell pero mahal na mahal ko ang bata na 'to. Sya ang nagbibigay ng buhay sa kapatid ko. I don't know what happened to her at hindi ko rin ugaling magtanong pero nararamadaman kong may pinagdadaanan sya. I'm willing to wait para mag open up sya.

Ameren's POV

Nagpaalam na muna ako sa asawa ko ng mag aya si B na pumunta ng kusina. Tinanguhan nya lang ako dahil busing busy sya sa baby ni B. Ang gwapong bata ng baby ni B.

"Nandito na pala kayo. Where's your husband Ameren?" Lumapit ako kay Nanay at humalik sa pisngi. Ganun rin ang ginawa ko kay mama Sam, Tita Spring at tita Amber.

"Nagpunta na po sa mga pinsan nya kasama si Blaze. May maitutulong po ba ako rito?" Pakitang tao lang ang tanong ko dahil sa totoo lang wala naman talaga akong alam sa kusina.

Binatukan ako ni B tapos tinawanan naman ako nila Mama Sam.

"As if may alam ka sa kusina. Dinala kita rito para kumain. Hindi para guluhin sila Tita." Ngumuso ako sa sinabi ni B.

Kasalanan ko na na kahit ilang beses akong mag-try mag luto eh ayaw nya talaga sa akin.

"Kaya na namin 'to Ameren. Maupo na lang kayong dalawa dyan at ipaghahain ko kayo." Nanay.

Naupo na kami ni B at nagkwentuhan habang busy sila nanay sa pagtulong sa mga maids.

"Kelan mo pa naiuwi si Blaze rito? God can I take him home with me? Ang gwapo gwapo talagang bata."

"Shut up. Inagaw mo na nga sa akin si Pepper eh." Lumabi pa sya na ikinatawa namin. Pero agad rin nawala ang ngiti. "Last month pa. You know it's a long and tiring battle."

Intoxicating Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon