kabanata 33

23.2K 465 16
                                    

Kabanata 33

Ameren's POV

Umiling ako sa kay Phoenix. I can't marry him.

"No Dad please." Pagmamakaawa ko kay Daddy. Tinapunan nya lang ako ng masamang tingin.

"Are you sure about this young man? Baka nabibigla ka lang?" Please Phoenix say no.

Mas nakakatense pa 'to kesa sa araw ng panganganak ko. Mataimtim na tinitingnan ni Daddy si Phoenix na wari bang sinusukat nya kung seryoso nga ito sa sinasabi nya.

"Yes Tito. I will marry her. I want to marry her as soon as possible."

I gave Phoenix a pleading look. He did not bothered to look at me. Naiinis na ako dahil kung magusap sila parang wala lang ako rito at hindi ako ang gusto nilang ipakasal.

"Think about your son Ame." Sinamaan ko ng tingin si Yuki na prente lang nakaupo sa couch at para bang walang kaguluhang nangyayari.

"Shut up Yuki Daniel." I don't need his opinion. Naiirita pa rin ako dahil sa ginawa nya.

Huminga ako ng malim at saka nagsalita. "I can't marry Phoenix Dad. I'm engaged. I l-love toby." Hindi ako makatingin sa kanila ng sinabi kong mahal ko si Toby.

Niloloko ko lang ang sarili ko dahil alam ko sa sarili ko na ang taong mahal ko simula noon hanggang ngayon ay si Phoenix pa rin. Panandalian nga syang nawala pero parang kidlat naman sa bilis na bumalik ang nararamdaman ko sa kanya sa isang iglap lang at natatakot ako dahil duon.

Natatakot akong masaktan ulit. Natatakot akong umasa ulit. At si Toby... Malaki ang utang na loob ko sa kanya. He was there when I needed someone to talk, someone who will took care of me, when Yuki wasn't there and when no one wasn't there for me.

"Then cancel your engagement with him. My decision is final you will marry Phoenix before the end of this month end. End of conversation." Napanganga ako sa sinabi ni Daddy.

Walang pasabing umakyat na sila ni Mommy. Gusto kong umiyak ng umiyak dahil pakiramdam ko nagiisa na lang ako.

"I would not allow it to happen Ame. Kaya kong gawin ang imposible. You know what I mean." Nakipagsukatan ako ng tingin kay Phoenix. I saw a glint of pain or not. Hindi ko alam. "Hindi ako papayag na ibang ama ang kilalanin ng anak ko at ibang apelyido ang dalhin nya. You will marry me whether you like it or not."

Bumitaw ako sa mga titig nyang nakakapaso. Kaming dalawa na lang ang naiwan rito sa salas dahil kanina pa umalis si Yuki kasabay ni Daddy.

I knew it. Sabi ko na kaya nya ako gusto nya lang akong pakasalan dahil gusto nyang maghiganti sa akin. Nang hihinang napaaupo ako sa upuan. My knees are literally shaking. Ito ba ang consequences ng mga ginawa ko dati? Bakit ba minsan mas inuuna ko pa kasing magdesisyon ang puso ko bago ang utak ko?

Gusto kong magalit pero kanino? Kina Mama Sam? Kay B? Kay Tita Iris? Dahil sila ang kumumbinsi sa akin pero paano? Kasalanan ko rin naman dahil hindi ako makakarating sa gantong sitwasyon kung hindi rin ako pumayag. Kung hindi ko sinunod sila kaya kasalanan ko rin.

"I'm sorry Phoenix pati ikaw nasama sa gulong nagawa ko. I'm really sorry." Kung bukod sa sorry ay may magagawa pa ako para mabago ang lahat gagawin ko.

Iniisip ko rin si Toby. Masasaktan sya kapag nalaman nya 'to at nahihiya ako sa kanya dahil tinago ko maski sa kanya kung sino ang ama ng anak ko.

"Let's not talk about how it all started for now. I'll go ahead I have tons of meeting today. Rest and I'll see you tomorrow. Mamamanhikan kami bukas."

Intoxicating Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon