Kabanata 16

20.5K 387 12
                                    

Kabanata 16

Ameren's POV

"Salamat naman at pumayag kang sumama sa akin na mag shopping. Akala ko kasi ibuburo mo na lang ang sarili mo sa bahay nyo eh."

Sino pa nga ba ang babaeng blunt kung magsalita kapag kasama ako edi walang iba kung hindi si B.

"Oh shut up! Let's go and stop ruining our day." I rolled my eyes at saka naglakad kasabay nya.

She smirked. Sabi nga nila birds of the same feather makes a feather duster! Haha! Kaya close na close kaming dalawa eh maldita parehas.

Kasunod naming naglalakad ang dalawang nyang bodyguard. Palagi nyang kasama yan basta lumalabas syang solo. We can go naman kahit na walang bodyguard eh, kayang kaya namin ang sarili naming ipagtanggol ang sarili namin dahil lahat kami pinagaral ng self-defense ni Lola Paris for personal protection raw.

At dahil wala pa si Phoenix at bukas pa ang dating nya kami na lang munang dalawa ang mag bo-bonding. Well sakto rin wala pa akong isusuot para sa graduation namin one month from now.

Nagpunta muna kami sa FC to look for a dress na susuotin namin sa graduation. And I found this simple green dress ayaw ko rin namang gawing bongga ang suot ko dahil graduation yun hindi naman party. I bought the dress and next stop namin is shoes.

"Ame, look it will look good on your dress." Pinakita nya ang gold heels na kita nya. "Not every shoes is made perfectly for us, only few. Just like him, not everything he does is true."

Napatingin ako kay B. Seryoso nya akong tiningnan. Kumunot ang noo ko at umayos ng pagkakatayo.

"What do you mean B?" Sumeryoso rin ako ng tingin sa kanya. I don't get it. I mean I get it pero hindi ko maintindihan kung ano ang gusto nyang ipahiwatig.

"Nothing. Come on try it out na para makita natin kung bagay sayo." She shrugged and looked away.

I sighed. Sinunod ko na lang ang sinabi nya at sinukat ang sapatos. Napangiti ako ng makitang para syang sinukat para sa akin. It fits perfectly.

Napaisip ako sa sinabi ni B kanina. She's right Phoenix makes me feel loved and love kahit hindi nya pa sinasabi sa akin na mahal nya ako. Masyado ba akong umaasa sa wala?

"Hey! Natulala ka na dyan. Let's pay that my treat." Inirapan ko ang loka. Pagkatapos nya akong pagisipin sasabihin nyang sya na ang magbabayad ano yun pampalubag loob? kung di ko lang kaibigan 'to malamang hinagis ko na 'to palabas.

On the second thought wag na lang baka ako pa ang mahagis ng maton na 'to.

"Stop rolling your eyes baka mahilo ka. And stop overthinking things. You'll just make it more complicated." She smile at kinuha ang sapatos sa kamay ko.

Binigay nya yun sa sales lady. Pinagmasdan ko lang sya habang papunta sya sa cashier. Buti pa ang gaga na 'to wala masyadong problema sa buhay.

Ewan ko ba rito kung bakit ayaw mag boyfriend eh marami namang nagkakagusto sa kanya. Sabagay nakakatakot kasi si Tito slate masyadong protective.

"I hate you B! Nakakainis ka! Hmp!" Tinawanan nya lang ako.

"I love you too! Haha!" Pati ako natawa sa sagot nya sa akin.

After naming bumili ng gamit nagderecho na kami sa restaurant. What I like about them kung may kasamang driver or bodyguard sinasama rin nila sa restaurant kung kakain pero magkaiba lang ng table.

Intoxicating Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon