Epilogue
Ameren's POV
"Merry Christmas everyone!"
Isa isa naming binati si Granny Paris at Granpa Rain. At tulad ng palaging nakaugalian. Dito kami sa Chateau ng mga grands magpapasko then kapag new year na ay sa kanya kanya na naming pamilya.
The kids are all excited to open their Christmas presents. Ang lalaki na ng mga bata. Pepper is now 13 years old, si Sky naman ay 5 at ganun rin si Blaze. At syempre habang tumatagal mas lalo pa silang lumalaking gwapo at magaganda. Aba syempre it runs in our blood.
It has been five years after ng masalimuot na parte ng buhay namin. It took me a year to cope up para sa nawala naming anak. Hindi ko matanggap noon na ni hindi ko man lamang nalaman na dinadala ko sya ay agad na syang nawala sa akin.
Ilang beses akong dumaan sa therapy para lang maka move on. Pero heto na ako ngayon masaya na sa piling ng magaama ko. We got the justice that we want.
Nakulong si Magnolia at nahatulan na makulong ng labing limang taon. Pero kahit na nakulong pa 'to hinding hindi naman noon na maibabalik ang buhay ng anak ko. Ay kahit kelan hinding hindi na maibabalik ang pagkakaibigan namin ni Toby. Their family begged for forgiveness at para makalabas si Magnolia and I do pinatawad ko na sya pero hindi ang batas. May ginawa syang kasalanan na dapat pagbayaran sa batas.
Ngayon tanggap ko na nakahit kelan hindi na masusundan si Sky and for phoenix naman nandyaan lang sya sa akin to give support at para iparamdam sa akin palagi kung gaana nya ako kamahal.
Napangiti ako ng may pumulupot na braso sa bewang ko at hinalikan ako ng mariin sa pisngi.
"Merry Christmas to the most beautiful and sexy girl I knew. I love you honey."
"I love you too. May tanong ako." Umikot ako sa pagkakayakap nya kaya naman ngayon maghaharap na kami.
He gave me three little kissed on my lips bago sinagot. "What is it?"
I smile. "Bakit ang gwapo mo pa rin? At ang yummy." Pabulong na lang ang hulong salitang sinabi ko.
He laughed at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"Hey lovebirds! Kakain na raw. Mamaya nyo na ituloy yan na gabi. Ouch ate! Bakit ka ba nangungurot?! Siguro hindi ka napagbigyan kagabi no? Awww! Mom help! Si Ate!"
Naiiling na lang kami kay Cloud. Mabuti ngang paulanan sya ni B ng kurot para magtino tino na kahit papaano. Matanda na't lahat lahat pero ubod pa rin ng palikero. Di na ako magtataka kung isang araw may darating na lang rito at sasabihing nabuntis nya.
Masayang nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Catch up para sa mga araw na hindi kami halos nagkikita kita. Ang iba busy na sa kanikanilang trabaho habang ang iba naman ay nasa college na at nagsusunog ng kilay ayon sa kanila.
"What are you reading darling?" I asked Pepper na nakahiga sa lap ko. Nandito kami sa park na pinatayo nila Grands para sa mga bata. Nasa gitna ito ng buong village na pagmamay-ari ng Walters.
Palagi kami rito kapag Saturday afternoon. This is our family day at kapag Sunday naman ay magsisimba kami at kakain sa labas saka mamamasyal or mags-shopping. Saturday and Sunday is our family day at pambawi sa kanila para sa mga araw na sobrang busy namin sa trabaho ni Phoenix.
Ipinakita nya sa akin ang libro. Nalula ako sa nabasa ko. Vector math ang pinagaaralan nya. Natampal ko na lang ang noo ko. She's just 13 years old for pete's sake at ang pinagaaralan nya eh pang matatanda na.
BINABASA MO ANG
Intoxicating Love (Completed)
Ficção GeralPhoenix Ethan Walters the second grandchild of Light Rain and Francheska Paris Walters. Second son of Slate and Iris and twin brother of Bridgette Margaret. Father of Shellaine Pepper Walters and Skyler Peyton. Ameren's first love. Ameren Miracle...