Kabanata 22
Flashback
Ameren's POV
Nagising akong parang nakalutang sa bigat ng ulo ko. Nakatulugan ko na pala ang pagiyak. Shit! Daig ko pa may hangover.
"Here, put this at your nape it will help you lessen the pain." Tinanggap ko ang inabot ni Yuki na ice bag sa akin at ginawa ang sinasabi nya. Nakakatulong naman kahit papaano.
"Where's Cloud?" Hindi ko sya tinignan instead nilingon ko ang alarm clock sa side table ko.
6 pm na pala. Ang tagal ko rin palang nakatulog. Mabigat ang pakiramdam ko at ang gusto ko lang gawin ngayon ay umiyak. Umiyak ng umiyak hanggang mapagod na ako.
Ang sakit lang dahil alam ko naman na noong umpisa pa lang na hindi nya ako kayang mahalin pero pumayag pa rin ako at ang higit sa lahat na masakit tanggapin ay ginamit nya lang ako para mapalapit sa anak nya.
Pepper love him, hindi lang sya marunong gumawa ng effort para sa anak nya. And I hate him for using me!
"He left but he'll be back later." He said at saka dahan dahang naupo sa tabi ko. I can't look at him, nahihiya ako sa kanya dahil ilang beses nya akong sinabihan na masasaktan lang ako pero hindi ako nakinig.
"Okay."
"If you want to cry go on, kung yaan ang magpapagaang nang nararamdaman mo. I will not judge you or paggagalitan don't worry. You just love him at the wrong time."
Tiningnan ko sya at kusang nalukot ang bibig ko at naiyak. Niyakap nya lang ako at hindi nagsalita. He didn't say any words basta nakayakap lang sya sa akin at yun ang kailangan ko ngayon. Tahimik lang akong umiiyak.
Bahagya syang natawa ng marinig nyang tumunog ang tyan ko. Lumabi naman ako. Nagdadrama ako pasaway na tyan 'to nagutom pa. Pinunasan nya ang pisngi ko at saka inalalayang tumayo. Sya pa nga ang naglagay ng tsinelas sa paa ko.
He dried my cheeks. "Stop crying lalo kang pumapanget. Let's eat nagluto kanina si Manang mas masarap kumain kesa sa umiyak. Stop crying, it's his lost not yours." Mas lumabi ako sa kanya.
"I still love him Yuki." Niyakap nya ako at hinalikan sa noo.
"I know, sino ba nagsabi sayo na dahil break na kayo makakalimutan mo na sya agad? It's a long process Ame. Hindi yan isang araw lang tapos naka move on ka na. You're just 21 and don't waste your time sa pagiyak lang at pagmukmok. Show him kung ano ang nawala sa kanya, prove to yourself that you are better than this."
Napangiti ako. Ako ang mas matanda sa amin dalawa pero sya ang mas nagbibigay ng payo at nagaalaga sa akin. I don't know kung makakayanan kong mag move on. I love Phoenix for a long time itatapon ko na lang ba yun ng ganun ganun na lang? But he has a point.
"Kaya mahal na mahal kita Yuki eh! Fine I'll try my best to move on." Kahit mahirap gagawin ko ang payo nya. Sinunod ko na ang sarili ko maybe kailangan ko namang sundin ang payo ng iba.
After ng usapan namin na yun sinunod ko nga sya. As much as possible hindi ako pumupunta kina Phoenix instead kung gusto kong makita si pepper sya ang pinapapunta ko sa bahay.
Umattend ako ng graduation at salamat sa kapatid ko na hindi ako hiniwalayan kaya hindi ko nagawang lapitan si Phoenix kahit miss na miss ko na sya at gustong lapitan tiniis ko. Nagawa ko lahat sa tulong ni Yuki.
BINABASA MO ANG
Intoxicating Love (Completed)
General FictionPhoenix Ethan Walters the second grandchild of Light Rain and Francheska Paris Walters. Second son of Slate and Iris and twin brother of Bridgette Margaret. Father of Shellaine Pepper Walters and Skyler Peyton. Ameren's first love. Ameren Miracle...