kabanata 27

21.2K 448 8
                                    

Kabanata 27

Ameren's POV

"Sweetheart, can you do daddy a favor?"

Nilingon ko si Daddy. Nangiwi sya ng nakitang ang pagdede ng anak ko sa akin. Naka-cover naman ako pero uneasy pa rin sya at nagiwas ng tingin. Gusto kong matawa sa itsura ni Daddy.

"What is it dad?" Kagat labi kong tanong sa kanya dahil sa pagpipigil ko ng ngiti. Baka mapagalitan pa ako kapag tinawanan ko sya.

"Pag pasensyahan mo na ang daddy mo. Hindi lang sya sanay makita na ang baby nya may baby na rin." Humagikhik pa si mommy kaya mas lalong napasimangot si Daddy.

Pilit na lumabas ang anak ko sa pagkakasuklob ng cover nya at saka nakangiting humarap kina mommy kahit na punong puno pa ng gatas ang gilid ng labi nya. Hindi ko malaman minsan kung saan nagmana ang bata na 'to nuknukan ng pagiging tsismoso.

"Are you bringing Skyler with you?"

"Yes mom. Have a safe flight. I love you mom and please say hi to Lolo and kiss him for us." I kissed her cheeks.

Bibisitahin nya si Lolo na nagkaroon ng minor accident. She'll be gone for a week or more at susunod na lang sa kanya si Daddy so they won't miss each other that much.

She kissed her apo at saka umalis. Sumakay na rin kami ni Sky sa sasakyan para mag puntang L.E. Papa Thunder won't mind naman ata kung kasama ko ang apo nya.

Nakiusap si Daddy na dalhin ko ang files na kailangan nya sa CEO ng L.E na si Papa Thunder. Kailangan raw na mapirmahan yun ngayon at maibalik ko sa kanya bago sya umalis bukas.

Napairap ako sa kawalan. Ginawa pa akong messenger ng daddy ko. Naalala ko si Cloud at ang naging usapan naming dalawa.

Flashback

"Si kuya ba ang tatay ni Sky?"

Nanlaki ang mata ko and slap myself mentally. Shit! Bakit ba hindi ko naisip agad na masyadong matalino ang mga tao sa paligid ko para hindi mapansin na may hawig ang anak ko kay Phoenix at habang tumatagal lalong lumalaki ang hawig ng anak ko sa ama nya.

Ang daya nga eh! Akala ko ako kamukha kaso ngayon mas nagiging kamukha nya na ang daddy nya pati si Pepper.

"N-no... his not my sons father." I gulped. Wag nya sanang mapansin ang pag stammer ko.

"Okay." Nakahinga ako ng maluwag. At least binili nya ang alibi ko.

Pero bigla akong binagsakan ng langit at lupa ng ngumisi sya sa akin ng nakakaloko. I'm doomed! He knows my secret! What to do?! What to do?!!!

"D-don't look a-at me like that C-Cloud!" Kahit na tense na tense na ako nagawa ko pa rin syang sawayin.

Ang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Pakiramdam ko rin nawalan ako ng dugo. Nadrain na ata lahat.

"Wala naman akong sinasabi ah. I'm just kidding ate. And it's impossible kasi you were in London for the whole 3 years am I right?" Nakahinga ako ng konti.

Crap! Hihimatayin ako sa biro nya. Kung alam lang ng batang 'to kung gaano kabilis mag-palpitate ang puso ko ngayon at kung gaano nya kagusto nang lumabas dahil sa biro nya.

"Y-yeah... Dito na lang, keep safe and drive safely okay. Derecho uwi na ha!" nagwave pa ako sa kanya bago pumasok pero parang itinulos ako sa kinatatayuan ko sa sinigaw nya.

Intoxicating Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon