kabanata 37

25.8K 458 6
                                    

Kabanata 37

Ameren's POV

Napapangiti ako habang pinanonood ang mag aama ko na masayang naglalaro sa swimming pool. Ni minsan hindi sumagi sa isipan ko na magiging ganto sila kami kasaya.

Akala ko hindi ko na mabibigyan ng buong pamilya ang anak ko pero heto kami ngayon masayang nagkukulitan at naglalaro na para bang walang nangyari sa mga nagdaang panahon.

"Daddy, darling come on meryenda's ready."

Magkasabay pang lumingon ang mag-ama sa akin at nagpapapasag naman sa pagkakakarga si Skyler kay Phoenix ng marinig ang boses ko. Masyadong attach sa akin ang Skyler ko na marinig lang ang boses ko umiiyak na at nag hahabol sa akin.

Nakasimangot si Phoenix na lumapit sa akin habang karga sa kanang kamay si Sky at hawak nya naman sa kaliwang kamay si Pepper na ngiting ngiti. Parehas na anak nya maka mommy kaya.

"How's your swimming lesson with daddy, Darling?" Lumuhod ako para magkapantay kaming dalawa ni Pepper.

Bagay na bagay sa kanya ang cute na two piece swimsuit na dinesign ko at si Mama B nya naman ang nag tahi. As usual pair ang suot nya sa damit ko. So cute!

"Daddy's great mom! Let's swim again after please?" Pinagsalikop nya pa ang mga maliliit nyang kamay.

Ngumiti ako sa kanya at pinisil ang pisngi nya. "Of course darling. But we will eat first." Hinalikan ko muna sya sa pisngi bago tumayo at sinalubong ang nakasimangot na si Phoenix habang karga ang umiiyak na si Sky.

"He's a mama's boy." Hindi kwestyon ang sinabi nya and I know, my son is mama's boy and I love it haha! For now sa akin muna ang baby ko at ie-enjoy ko muna ang pagaalaga sa kanya.

"I know honey. Don't worry Pepper is a daddy's girl naman eh right darling?" Hindi ko mapigilang hindi mangiti dahil marunong nang mambola ang anak ko.

"Yes Mom! Daddy's my superman and I am his Louis Lane!" Kinuha ko na si Sky kay Phoenix kaya si Pepper naman ngayon ang binuhat nya at pinaluguan ng halik. She keeps on giggling dahil sa day old stubble ni Phoenix.

Ang sarap sa tenga ng tawa ni Pepper.

"Enough na yan at lalamig ang pagkain at baka sumakit rin ang tyan ng princess natin."

Mommy duty first bago ko asikasuhin si Phoenix. It's has been one week after ng huling paguusap namin ni Toby. Ang alam ko bumalik na sya sa London at wala na akong ibang balita pa sa kanya though his parents... Ilang tawag at text ang natanggap ko galing sa kanila at lahat yun sinasabi kung gaano nila ako kinamumuhian but thanks to my husband pinaparamdam nya at inaassure na magiging maayos rin ang lahat.

Habang pinapagmasdan ko kung papaano asikasuhin ni Phoenix ang mga bata alam ko sa sarili ko na wala kong dapat na pagsisihan sa pinili kong mahalin at samahan. Ngayon ko nakikita kung gaano ako kaswerte sa kanya. Hindi lang sa material na bagay kung di pati kung gaano ito kabuti bilang asawa at ama sa mga anak namin.

Hindi sya nakakalimot kahit isang beses na iparamdam sa akin kung gaano nya ako kamahal pati na ang mga bata

"Baka matunaw naman ako sa titig mo?" Nag-init ang pisngi ko.

Naiiling na lang akong nagbaling ng paningin sa ibang dereksyon.

"I love you..." Pigil ang ngiti at hindi ko pinansin si Phoenix dahil sa kilig. Simpleng I love you lang pero pakiramdam ko gusto nang lumabas ng kung ano sa tyan ko.

Intoxicating Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon