kabanata 38

22.5K 435 7
                                    

Kabanata 38

Ameren's POV

Alas singko y medya pa lang ay nakaayos na ako at naghihintay na lang sa pagdating ni Phoenix. Suot ko ang pinadala nyang damit na kulay kahel at tinernuhan ko ng skin tone pump. I'm good to go.

Ang mga bata naman ay sinundo ni B kaninang makapananghalian ipagsho-shopping nya raw. kapag naiisip ko si B hindi ko maiwasang hindi magalala para sa kanya lalo na at ang laki na ng pinagbago nya. Hindi lang sa appearance kung hindi pati na sa ugali. It seems like there is something that's bothering her pero ayaw ko namang magtanong. I respect her at kung mag o-open sya ay makikinig ako kung hindi naman ay hindi na ako magaabalang magtanong pa.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sumilip ako sa bintana habang nagaayos ng hikaw kong susuotin. Napakunot ako ng noo ng mapansin ang kulay green na SUV malapit sa gate ng bahay namin. Nakahinto lang sya at nakababa ang salamin kaya medyo aninag ang tao sa loob pero hindi ko mamukhaan dahil masyado akong malayo at naka shades pa ang tao.

Nagangat ng tingin sa akin ang tao sa loob sasakyan. A girl. Binundol ng kaba ang dibdib ko sa di malamang dahilan. Nagmadali akong umalis sa pwesto ko para kunin ang largabista nila Pepper naginagamit nila sa panonood ng bituin para mas malinaw kong makita ang taong nasa loob ng sasakyan. Pero huli na ako naka alis na sya.

Sino yun?

Bakit ako kinakabahan ng ganito?

Bakit may pakiramdam ako na kilala ko yung tao na yun?

Wala akong maalala sa magpipinsan na may ganung klaseng sasakyan. Even in my side wala rin at kung meron man syempre mauuna yun pumunta sa parents ko kesa sa akin.

Shit! Who is that girl?

"Ma'am dumating na po si Sir Phoenix."

"Ay bakulaw!" Napahawak ako bigla sa dibdib ko at napalingon agad sa nagsalita.

"You scared the hell out of me!" Nakahawak pa rin ako sa dibdib ko habang habol ang hininga. "Sige sabihin mo baba na ako."

Ang bruha kong katulong imbes na matakot humagilhik pa bago lumabas. Kinuha ko ang bag ko at naglagay ng pabango bago tuluyang lumabas. Deredrecho na akong lumabas ng bahay kung saan si Phoenix naghihintay.

"You look dazzling Honey." Agad itong lumapit sa akin at humalik sa labi.

Matamis na ngiti ang sinagot ko rito at nagpasalamat. Nakasuot ito ng kulay abong suit na iba na sa suot nya kaninang umalis sya ng bahay. Alam ko ang suot nya kanina dahil ako ang nagaasikaso ng susuotin nya sa araw araw.

"Let's go mommy?" Tumango ako sa kanya at pumasok na rin sa sasakyan.

Kami lang dalawa sa sasakyan nya habang nakasunod naman sa amin sa likuran ang mga bodyguards gamit ang sarili nilang sasakyan. We have a total of 7 bodyguards na lahat ay magagaling at galing. Dalawa sa akin, dalawa kay Pepper at tatlo kay Phoenix.

Sa panahon ngayon hindi na ligtas kung mag babyahe si Phoenix na solo lalo pa at hindi lang sya oridinayong tao kung di isang CEO ng pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas at ilang parte sa mundo. Kaya hanggat maaari kailangan kasama nya ang mga bodyguards' nya. At kabi-kabila rin ang mga threats na natatanggap ng pamilya kaya doble ingat kami ngayon.

Huminto kami sa isang exclusive restaurant na by reservation lang makakain. I heard mahirap raw makapagpabook rito dahil palaging puno at marami na akong naririnig na masarap raw ang pagkain rito though I'm not really sure dahil first time ko rito.

Pasimple kong nilibot ang paningin ko sa kabuuan ng establisyemento ang paningin ko at masasabi kong maganda sya. Ancestral house na ginawang restaurant habang nasa loob pa rin ang mga lumang kagamitan. Mangilan ngilan lang ang tao sa loob.

Intoxicating Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon