Mae's POV
"Tsk, wala na palang stock na pagkain sa ref." Nasabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang ref kong walang ibang laman kundi tubig. By the way I'm Mae de Vera soon to be Ocampo daw pagka-graduate ng College. Nakatira ako sa condo na bigay ng mga parents ko para daw matuto na kong maging independent at para daw maging ready na ko pag naging mag-asawa na kami ni Knight WTF.
Buti nga at nasa America yung manyak na yun hehe, 1st year ko pa siya huling nakita hay wish ko lang na huwag matuloy ang pag-uwi niya ngayong year dahil ang status kong SINGLE ay magiging IN-A-RELATIONSHIP nanaman sa ayaw at sa gusto ko. Yehey 2nd year college na ko sa darating na pasukan.
DING DONG!
Pssh aga-aga may buwisita agad. Naglakad na ko papunta sa tapat ng pintuan pero nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba o hindi baka kasi mamaya si Knight yung nag-doorbell eh, wag naman sana.
*Inhale*
*Exhale*
Wooh kaya mo yan Mae so yun binuksan ko na yung pinto.
"GOOD MORNING ANAK!"
"Ano ba yan Ma, Pa duet pa talaga kayo ang sakit sa tainga. Kailangan sumigaw?" Sabi ko at naglakad ako papunta sa sofa at naupo.
"Looks like our Angel isn't happy to see us Hon?" Tanong ni Mama habang nagdadrama lumapit ako sakanya at niyakap siya. Angel ang tawag sakin ng mga parents ko kasi daw hulog daw ako ng langit sa kanila. Ok ang corny nila.
"Siyempre Ma I miss you so much lalo na yung luto mo." Sabi ko.
"Sige Angel ganyanan na ang Mama mo lang ang namiss mo." Sabi ni Papa na nag pout pa. Tinampal ko nga yung nguso niya.
"Yuck Pa wag kang mag pout hindi bagay. Of course I miss you." Tas hinug ko din siya. Tsk ang hirap pag mas matured ka pa mag isip kesa sa mga magulang mo.
"By the way Angel dumaan lang kami ng Mama mo para ibigay yung allowance mo." -Papa.
"Tsk ganun?" Whaha ako naman ang magdadrama ngayon.
"Yes Angel were sorry if we couldn't stay here for a long time." -Mama.
"It's ok Ma I understand ganyan naman kayo lagi eh." Sabi ko tas naglakad papasok sa kuwarto.
"Angel were very sorry." -Papa.
"Huhuh Angel sorry talaga huhuh kung hindi ka namin masyado nabibigyan ng oras." Sabi ni Mama habang umiiyak, yeah plan succeed ang paiyakin si Mama wooh party-party. Humarap naman ako sakanila.
"^______________^V" Ako yan pagharap ko sakanila. Lumapit naman sila at niyakap ako.
"Hay naku ang Angel ko wala pa ring pinagbago lagi mo pa ring pinagtitripan si Mama." -Mama.
"Hehe namiss ko kayo pagtripan eh peace." Sabi ko. Humiwalay naman na sila sa pagkakayakap sakin.
"Angel pinapasabi nga pala sayo ni Knight na hindi daw ulit siya makakauwi." Sabi ni Papa. Whaha bobo kasi yun dapat last year pa yun uuwi para sabay kami mag-college eh ayun bumagsak dun sa isang subject niya kaya nag summer class.
"Sabihin niyo sakanya wag na siya umuwi." -Ako.
"Your so mean Angel." -Mama.
"Una na kami Angel bye." Sabi ni Papa tas kiniss ako sa cheeks.
"Bye Angel." Mama na kiniss din ako sa cheeks.
Hinatid ko sila sa pinto ako naman bumalik sa kuwarto at natulog ulit. Pag-gising ko 1:30 pm na wow grabe lang tulog ko nagbihis na ko mamaya na ko maliligo pag-uwi ko galing sa SM.
SM.
Kuha lang ako ng kuha ng magustuhan ko habang nag-babayad ako sa counter biglang nag-vibrate yung cellphone ko.
From: Bessy
Punta ako sa condo mo mamaya ha.
---
To: Bessy
K.
SENT
Pagtapos kong mag-grocery naglibot muna ako sa department store para bumili ng t-shirt at doll shoes. Habang naglalakad ako palabas sa mall feeling ko may sumusunod sakin kaya tumingin ako sa likuran ako pero wala naman lahat naman ng tao normal wala namang abnormal.
Hanggang sa sakayan ng jeep sumusunod pa rin sakin kung sino man yun kaya sumakay agad ako kahit masikip yung jeep yuck grabe may putok ata yung nakatabi ko ang baho kaya bumaba agad ako kahit medyo malayo pa maglalakad na lang ako kesa ma-suffocate sa amoy na yun. Kaya ayokong sumasakay sa jeep na puno eh.
Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa unit ko yan nanaman yunh feeling ko na may sumusunod sakin naiinis na ko kanina pa yan kaya lumingon ulit ako pero ang nakit ko ay mag boyfriend-girlfriend na naghahalikan grabe di man lang pumasok sa loob ng unit nila at dun na lang yan gawin.
"Tsk." Yun na lang nasabi ko at nagdiretso na ko sa unit ko. Yehey makakaligo na rin ako.
DING DONG!
TOK! TOK!
DING DONG!
TOK! TOK!
DING DONG!
DING DONG!
"Buwiset naman oh naliligo yung tao eh. For sure si Bessy na yan grabe maka-doorbell at maka-katok wagas nako matatamaan talaga sakin tong babaeng toh." Sabi ko habang naglalagay ng tuwalya sa katawan ko.
DING DONG!
DING DONG!
"AY PUCHA! MAG-HINTAY KA NGA!" Sigaw ko habang palabas ng banyo good buti naman at tumigil sa pag-doorbell nagmadali akong buksan yung pintuan.
"HOY BESSY BAK- WAAAAAAAAAAAH!"
"Hello there sexy." Sabi ni Knight with matching evil smile. Sabay tingin sakin mula ulo hanggang paa tas nag-smirk.

BINABASA MO ANG
Back Off He's Mine
Teen FictionStory na walang maayos na plot. Pedro mae-enjoy niyo naman! Hehe, samahan natin sila Mae at Knight sa kanilang makulit na love story ^__________^V