Knight’s POV
“Ang tanga ko bakit ko siya sinigawan.” Nasabi ko sa sarili ko ng mahimasmasan ako. Nag-madali agad akong tumakbo wala akong paki kahit magkasakit pa ko dahil sa ulan na toh ang mahalaga lang ngayon ay maabutan ko si Mine. Siguro naman hindi pa nakakalayo yun. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa may makita akong dalawang taong magkayakap. Oo alam kong ako ang may mali dahil pinairal ko ang selos na nararamdaman ko. Pero bakit kailangan may kayakapan siya? Lumapit agad ako sakanila.
“So ganun? May pasundo-sundo ka pang nalalaman tas pag nakatalikod ako may kasama ka naman palang iba.” Sabi ko. Na halata namang ikinagulat nilang dalawa agad naman silang napaharap sakin.
“Knight, mali yung iniisip mo.” Mine.
“Ok.” Yun na lang sinabi ko at nag-umpisa ng maglakad pa-uwi ayoko ng pahabain yung usapan baka kung ano nanaman masabi ko. Alam niyo readers hindi ko na alam ang nagyayari sakin sobrang seloso na ko tapos hindi ko na ma-control yung sarili ko minsan. Pansin niyo naman siguro di ba? Let me tell you something simula ng mamatay si Mama nag-iba na ko sobrang naging cold miski sa Tatay ko akala ko nga pati kay Mae magiging ganon na rin ako pero ewan ko ba nung makita ko talaga siya nun sa unit nung pagka-uwi ko dito parang biglang nag bago yung ihip ng hangin naging makulit ulit ako at mapang-asar, kaya sobrang thankful ako na nandyan si Mae para sakin, ngayon kasi feeling ko wala na siyang pakielam sakin L Alam ko mali talaga ako pero ayoko lang naman na mawala siya sakin takot na kong mawalan ng isa pang importanteng tao sa buhay ko ok lang kahit kalabasan ko ay selfish basta wag lang mawala si Mae sa tabi ko. Kasi pag nawala siya hindi ko na alam ang gagawin ko.
“PUCHA! ANG SAKIT!” Sigaw ko habang nakahawak sa ulo ko, tangna sino kaya yung nang-bato sakin ng tsinelas papalamon ko sakanya toh. Pag-lingon ko sa likod yun nandun si Mine.
“Ano bang problema mo?” Tanong ko sakanya.
“Ewan ko sayo.” Sabi niya tas naglakad na siya. Sinundan ko naman siya.
“E, bakit mo ko binato? Papansin lang.” Sabi ko.
“Buwiset ka kasi kanina pa kita tinatawag dyan hindi ka man lang lumilingon.” Mine.
“Bakit pag ba tinatawag mo ang isang tao at hindi siya lumingon kailangan batuhin?” Ako.
“Hindi. Pero trip kita batuhin kasi ang pangit mo, buwiset ka umalis ka na lang bigla-bigla dun.” Mine.
“Ano gusto mo gawin ko? Panuorin kayong magyakapan dun?” Ako.
“Hay, sumasakit na ulo ko sayong abnormal ka. Kailan mo na ko binigyan ng time para mag-explain sayo?” Mine.
“Heh basta nagtatampo pa rin ako sayo.” Tas umupo ako dun sa swing, nandito na kasi kami sa playground ng village.
“Pwede ba wag ka na magtampo, tara na Kanina pa tayo hinhintay nila LemoNade dun. Atsaka ang lakas ng ulan o parang masisira na nga yung payong ko e at-” Mine.
“At talagang yung payong mo yung inisip mo? Kesa sakin na kanina pa nababasa ng ulan?” Ako.
“Yun nga yung sasabihin ko hindi mo lang ako pinatapos mag-salita.” Sabi niya tas nag-cross arms siya.
“Weah? Niloloko mo lang ako.” Tas yumuko ako.
“Hindi kaya.” Mine.
“Talaga?” Ako.
“Oo nga, halika na.” Tumayo ako at kiniss si Mine :”””””>
“Yuck kadiri ka Knight bakit mo ko kiniss?” Tanong niya.
“Sabi mo halikan na. Sus gusto mo rin may pa-yuck-yuck ka pa dyan.” Sabi ko.
“Manyak ka talaga, tara na nga.” Umakbay naman ako sakanya.
“Wag ka umakbay basa ka.”
“Sige ganyanan na.”
“Hindi joke lang haha.”
Sa wakas bati na kami :”””> Haha.
-Knight Ocampo.
A/N: To all readers isang maraming THANK YOU! =)) At sa mga nag-add sa reading list nila =))
-Elle Crespo.
BINABASA MO ANG
Back Off He's Mine
Teen FictionStory na walang maayos na plot. Pedro mae-enjoy niyo naman! Hehe, samahan natin sila Mae at Knight sa kanilang makulit na love story ^__________^V