Mae’s POV
“Ate Mine I’m so excited na bat ang tagal natin umalis?” Tanong ni Lemon maga-out of town kasi kami pupunta kaming Bagiuo Sem Break na kasi ang bilis nga nga panahon e.
“Tagal naman kasi kumilos nun ni Knight, atsaka nasan na ba yung Crush mo? Sige ka iiwan ko yun.” Sabi ko.
“Stephen just texted me a while ago that he’s on the way home na daw.” Si Nade kasi nag swimming kasama yung Family ni Tita Marilyn dun din siya nag Celebrate ng Birthday nung December 19 lamang pala siya ng 1 year kay Lemon.
“Alexis ang tagal ko ba? Pasensiya na traffic eh.” Sabi niya na hingal na hingal.
“No maaga ka pa nga eh.” Lemon.
“Bat ba kasi ang tagal ni Knight? Dyan lang kayo ha pupuntahan ko lang sa taas.” Tas pumanik na ko.
“Ano ba yan Knight? Kanina ka pa dito ano ba kasing hinahanap mo?” Mataray na tanong ko.
“Tsk, wait lang Mine alam ko kasi dito ko lang nilagay yun eh. Bat nawala.” Sabi niya na mukhang naiirita na.
“Ano ba kasi yun? Sabihin mo sakin malay mo nakita ko.” Sabi ko.
“Wala lang yun, tara na nga.” Tas nauna na siya mag-lakad sakin.
“Uy tara na.” Sumunod na ko sakanya. But ganon? Parang ang weird.
Habang nagda-drive si Knight huminto kami sa Mercury.
“Wait lang may bibilin lang ako. May gusto ba kayong ipabili?” Tanong niya.
“Kuya sakin Moby atsaka Chuckie.” Lemon.
“Ganon na din sakin.” Nade.
“Sayo Mine?” Knight.
“Piatos.” Pagka-alis ni Knight.
“Lemon alam mo ba kung ano yung bibilin nun?” Tanong ko.
“Hindi ko alam Ate Mine baka nauhaw lang yun.” Sabi niya.
“Baka nga.”
Ok naman ang naging biyahe namin. Ewan ko lang kung si Knight ay ok ba? Habang bumibiyahe kasi kami tingin siya ng tingin sa oras tas ewan? Basta, ang weird talaga.
“Kuya I want to rest.” Tas naghikab si Lemon.
“Gusto ko ng matulog.” Sabi naman ni Nade.
At dahil pagod na yung dalawa. Pumunta na kami sa room namin, kasama naman namin yung Yaya ni Lemon so hindi din kami mahihirapang asikasuhin sila.
“Knight ok ka lang ba?” Tanong ko sakanya habang naka-upo sa kama.
“Oo naman, bat mo natanong?” Humiga naman siya sa kama.
“Wala lang para kasing ang weird ng mga kinikilos mo.” Nag-sign naman siya na humiga ako sa tabi niya.
“Excited lang kasi ako.” Sabi niya habang nakayakap sakin.
“Ano yung hinahanap mo kanina sa kwarto?” Tanong ko.
“Aah yun ba, relos ko na binili ko kahapon nakalimutan ko kasi kung san ko nilagay.” Tas lalo niyang hinigpitan yung pagkakayakap sakin.
“Nagugutom ka ba?” Tanong ko ulit.
“Hindi haha.” Knight.
“Bat ka natawa?” Ako.
“Kasi ang sweet mo ata ngayon, ano nakain mo?” Knight.
“Ewan ko nga din e haha.” Hinawakan ni Knight yung kamay ko.
“I love you.” Sabi niya tas kiniss niya ko sa cheeks.
“I love you too.” Sabi ko, magkaharap na kami ni Knight ngayon.
“I love you.” Sabi niya ulit.
“Pa-ulit-ulit?” Pabirong sabi ko.
“Oo at hindi ako magsasawang sabihin na mahal na mahal na mahal kita.” Tas kiniss niya ko sa lips I respond to his kiss.
“Mine please wag kang maging sweet sakin.” He said after we kiss.
“Bakit naman?” Tanong ko.
“Kasi lagi mo na lang sinasabayan ang pagiging sweet ko sayo mahirap na baka mamaya makalimutan ko mga limitations ko haha.” Umupo siya.
“Mga pinag-iiisip mo naman.” Sabi ko. Hinawakan ulit ni Knight yung kamay ko.
“Mine mahirap na, lalaki ako noh.” Sabi niya naman.
“May tiwala naman ako sayo.” Alam ko naman na hindi magagawa ni Knight yun noh.
“Mine iinom lang akong tubig, matulog ka na kung gusto mo.” Bago siya tuluyang makalabas lumingon muna siya sakin at ngumiti ganun din ang ginawa ko.
Pero may napansin ako, bakit ganun yung ngiti niya? Parang may mali. Parang malungkot na Masaya. Hay bala na makatulog na nga lang.
BINABASA MO ANG
Back Off He's Mine
Teen FictionStory na walang maayos na plot. Pedro mae-enjoy niyo naman! Hehe, samahan natin sila Mae at Knight sa kanilang makulit na love story ^__________^V