Knight’s POV
“Uhm, Mine nakausap mo na ba yung ka-group mo?” Tanong ko habang kumakain kami ng hapunan.
“Oo.” Walang ganang sagot niya.
“Ok naman ba siya?” Tanong ko ulit.
“Ok? Oo super ok sa sobrang ok nga eh gusto ko na siyang ibaon sa lupa.” Sarcastic na sabi niya.
“Ah I see.” Sabi ko.
“Ate Mine, dib a scholar ka naman kaya mo naman siguro matapos yung report ng ikaw lang mag-isa diba?” –Lemon.
“Kaya ko naman talaga, may mga lesson lang na medyo nahirapan lang talaga ako at sabi kasi ni Sir Art kailangan daw talaga may partner dun.” –Mine Ko.
“Sino ba kasi yung partner mo?” –Ako.
“Alden.” –Mine Ko.
“Yung Alden na nanligaw sayo dati?” –Ako.
“Sa kasamaang palad siya nga -______-“ –Mine Ko.
“Selos naman ako dun.” –Ako.
“Kaw bahala.” Sagot niya. Ano bang itsura ng Alden na yan? At anong ginawa niya sa Mine Ko at mukhang badtrip na badtrip?
KInabukasan.
“Hi Knight.” Bati ni Aya.
“Hi.” Sabi ko.
“So papasok nab a kayo? Pwedeng sumabay?” Tanong niya. Tumingin naman ako kay Mine nag nod lang siya.
“Geh.” Sagot ko.
“So pansin ko lang lagi kayong magkasama sa school sabay din kayo pumasok at umuwi. Ano ba talaga kayong dalawa?” –Aya.
“Tao.” –Mine Ko
“Yeah I know, pero may relasyon ba kayong dalawa?” –Aya.
“Oo.” Sagot ni Mine. Teka wag mong sasabihing aamin na siya? ^__________^
“Mag-bestfriends kasi kami.” Sabi niya sabay akbay sakin.
Bigla tuloy nag iba expression ng mukha ko eto na -à -____________-“
“Aah, talaga. Sige see you later Knight.” Tas kumiss nanaman siya sa cheeks ko.
Mae’s POV
Ok lalo nanaman akong nabadtrip. Kaya naman pala ang bilis uminit ng ulo ko kasi mag kakaron na ko -_____-“
“Mine, ano sagot dito turuan mo naman ako oh.” Knight habang tinuturo yung tanong sa number 4, quiz kasi naming ngayon walang pagpipilian.
BINABASA MO ANG
Back Off He's Mine
Teen FictionStory na walang maayos na plot. Pedro mae-enjoy niyo naman! Hehe, samahan natin sila Mae at Knight sa kanilang makulit na love story ^__________^V