Chapter 32 - Arjem's

1.2K 21 1
                                    

Arjem’s POV          

Imbis na mukha ni GD at Taeyang ang nakita ko e mukha lang naman ni Young-bae ang classmate ko sa lahat ng subjects na lagi na lang akong inaasar half Korean siya pero fluent kung mag tagalong.

“Hi Miss ye-ppu-da, can I dance with you?” Tanong niya. Pero di ko siya pinansin at nilingon si Alden. Teka nasan na si Alden?

A/N: ye-ppu-da - beautiful

“Manloloko talaga yun kaasar.” Nasabi ko Aish! Bat ba kasi ako naniwala? Asa namang nandito talaga si GD at Taeyang Babes di ba? Kahit kalian talaga uto-uto ako.

“Sinong manloloko?” Tanong ni Young-bae.

“Wala ka na dun.” At umupo na ko sa table namin kung san nakaupo din si Vincent at Aya na nakasandal sa balikat niya.

“Bat di na kayo sumasayaw dun?” Tanong ko sakanila.

“Pagod na daw ang Babe Ko.” Sabi ni Vincent.

“Ah.” Nakatingin lang ako sakanila. Nakakatuwa sila kasi kahit opposite ang ugali nila at palaging nagtatalo e mahal na mahal pa rin nila ang isa’t isa. Nabaling naman ang atensyon ko kila Mae at Knight na magkayakap na habang nagsasayaw isa pa yang loveteam na yan kahit na palaging tinatarayan ni Mae si Knight e mahal na mahal na pa rin siya nitoh. Waaaah kainggit *pout*

“Wag kang mainggit sa lovelife ng iba, magkakaron ka rin niyan pag naging tayo na.” E? san naman nanggaling yun. Nakita ko naman si Young-bae na naka-upo na sa tabi ko.

“Pwede ba? Kahit ngayon lang please tantanan mo muna ako.” Sabi ko sakanya.

“May sasabihin lang kasi ako sayo eto naman napaka-sungit.” Sabi niya.

“Go. Spill it. Ano ba kasi yang sasabihin mo?”

“Arjem di mo ba naiisip?”

“Na?”

“Na kaya kita laging inaasar at pinagtitripan ay dahil.”

“Ay dahil nga malakas ka mantrip at ako lagi ang target mo.” Pagtutuloy ko sa sasabihin.

“Sus, kaw lang naman tong di sumiseryoso sa mga sinasabi ko.” Napatingin ako sakanya. Ang seryoso ng pagkakasabi niya. Parang totoong-totoo. Pero hindi. Hindi ako maniniwala sakanya.

“Ha? May sinabi ka ba? Di ko kasi narinig e.” Sarcastic na sabi ko.

“Bat pa kasi sayo pa ko nahulog. Sa isang tao na walang ibang pinakikinggan kundi sarili lang niya.”

“Anong sarili ko lang pinakikinggan ko ha?” Tanong ko.

“O, naririnig mo naman pala ako.” Ay patay hule. Ayoko lang kasi talaga siyang pakinggan kasi baka maniwala ako at tuluyan ng mahulog sakanya.

“Arjem, humarap ka nga sakin.”  

“Ayoko.” Nagulat ako ng tumayo siya at hinila lang naman ako papunta sa Dance Floor. Habang hinihila niya ko may nakita akong isang babae na di naman sa panlalait a dambuhala siya. Na umiiyak at sinasabing “Friends nakita ko may kahalikan si Ji-yong.” Poor girl.

Now Playing: Walang Iba

By: Ezra Band

Ilang beses ng nag-away

Back Off He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon