Knight’s POV
Miss niyo ko? Hahaha. Ang ganda talaga ni ng Mine Ko ngayon, lalo tuloy akong na-inlove *u* Excited na ko sa pagsayaw namin. Kainis naman yung program ang tagal.
“Uy Pre.” Bati sakin ni Alden sabay tapik sa balikat ko.
“O? Akala mo nakalimutan ko na yung katangahang ginawa mo sa E.K.” Sabi ko.
“Sorry naman. Kita mong kulang na tayo sa oras nun e kaya pangit yung sulat ko. Atsaka biglaan naman kasi Pre.”
“Oo na. San si Vincent?”
“Nandun sa kanyang pinaka mamahal na si Aya Hahaha.”
“Inggit ka? *bleh* ikaw kasi walang partner.” At iniwan ko na siya dun. Bwhaha, sarap talagang asarin nung si Alden medyo may pagka-isip bata. Ewan ko ba kung ano nagustuhan dun ni Arjem at Amnah at panay ang habol nila e ang gaganda nung dalawang yun chix na chix pero siyempre kay Mine pa rin ako. Speaking of my Mine nasan na ba yun? Nagpa-alam kasi sakin pupunta lang daw sila sa Restroom. Mapuntahan na nga baka may kumuha pa dun.
“Miss ok ka lang?” Tanong ko. Natapilok kasi siya.
“Do I look ok to you?” Maarteng sabi niya.
“Maybe.” Nag tuloy na ko sa paglalakad. Ayokong aksayahin ang oras ko sa mga taong ganyan.
“Gosh. Wala ka talagang balak tulungan ako?” Sabi niya. Lumingon naman ako sakanya at sinabing.
“Miss tinanong kita kung ok ka tapos isasagot mo sakin.” I clear my throat at ginaya yung sinabi niya. “Do I look ok to you?” gayang-gaya ko miski yung pagbigkas niya. “Ikaw na nga tong inaalala ikaw pa tong may ganang manaray dyan.” Sabi ko at tuluyan na kong naglakad palayo. Gentleman naman ako diba? Ayoko lang masira tong mood ko ngayon gabi. Nakita ko naman sila Mine na kalalabas lang ng Restroom.
“Mine ang tagal mo.” Sabi ko sabay pout.
“Para ka namang bata dyan.” Tas ngumiti siya at pinalo yung nguso ko.
“Mine, bat mo ko pinalo.”
“Feeling mo bagay sayo mag-pout.”
“Bagay naman talaga diba?” Pagtatanong ko kayla Amnah at Arjem.
“Tsk, oo na lang.” Sabi nilang dalawa. Okay, mukhang napilitan sila -_____-“
“Tampo ka naman agad. Oo bagay sayo.”
“Ha? Ano yung huli mong sinabi Mine? Hanggang agad lang yung narinig ko e. Kayo ba narinig niyo?”
“Una na kami Mae, kaw ng bahala dyan kay Knight ha.” At umalis na yung dalawa. Humarap sakin si Mine at nilagay yung magkabilang kamay niya sa pisngi ko.
“Knight.”
“O?”
“Bagay sayo naka-coat and tie.” Nakangiting sabi niya.
“Talaga Mine?”
“Oo. Tara na.” At naglakad na kami pabalik sa pwesto namin habang naka-holding hands :””> Ang dami ngang tumitingin sa Mine Ko kaasar. Bat kasi ang ganda-ganda niya ngayon well lagi naman pero iba kasi ngayon agaw pansin tuloy siya.
“Mae ang ganda-ganda mo talaga, pwedeng ma-inlove ulit?” Sabi ni Alden pagka-upo namin batukan ko nga.
“Toh naman. Joke lang Pre pag ako talaga nagka-girlfriend.”

BINABASA MO ANG
Back Off He's Mine
Teen FictionStory na walang maayos na plot. Pedro mae-enjoy niyo naman! Hehe, samahan natin sila Mae at Knight sa kanilang makulit na love story ^__________^V