Chapter 30 - Alden's

1.2K 21 2
                                        

Alden’s POV       

“Ako nga.”

“Ako sabi e.”

“No! Ako ang unang isasayaw ni Bhes.”

“No it’s me.”

Hay -.- Alam niyo naman siguro kung sino yang nagtatalo diba? Di ko na talaga alam gagawin sa dalawang toh. Akala ko pa naman tumino na sila kasi hindi na nila ako masyadong ginugulo. Pero bat ngayon pa ulit sila sinumpong? At talagang sa Dance Ball pa namin. Waaaaaah di ko na alam T_______T Somebody help me please.

“Bhes ako ang unang isasayaw mo diba?” Arjem sabay kapit sa kanang braso ko.

“Diba Bhes hindi. Kasi ako diba?” Amnah sabay kapit naman sa kaliwang braso ko.

“Look? Pwede namang pagkatapos nung isa yung isa naman diba?” Sabi ko sakanila.

“Oo nga. Amnah hintayin mo na lang kami matapos ni Bhes tas kayo naman.” Hinawakan ni Arjem ang kamay ko at akmang lalakad na papuntang dance floor ng mag salita si Amnah.

“Teka? Its unfair. Ikaw ang magiging first dance niya. No way.” Hinawakan naman ni Amnah ang kabila kong kamay.

“Yes way. Kami muna ang magsasaway.”

“Kami nga.”

“Kami.”

“Kami.”

“Kami.”

“Kami.”

Fudge naman o. Ang sakit na ng mga kamay at braso ko kakahila nila sakin. Pinagtitinginan na nga kami dito e.

“Uhm, Arjem si G-dragon at Taeyang o.” Sabi ko binitawan naman ako ni Arjem at tumingin-tingin sa paligid.

“Ah? Amnah si Daesung at Seungri o.” Ganun din ang ginawa ni Amnah bumitaw sakin at tumingin-tingin sa paligid. Wooh! Time to escape. Bwhaha ang dali naman nilang mauto XD Asa naman sila na nandito yung Big Bang di ba? Pumunta ako sa may Garden part nitong Venue mahirap na baka makita pa ko nung dalawa. At walang katapusang agawan nanaman -_____-

“HELP!!”

Narinig kong sigaw ng isang babae. Agad naman akong naglakad para mahanap kung san yun naggaling.

“WAAAAH!! TULOOOONG!!”

“Nakita ko naman si. Teka? Tama ba tong nakikita ko? Si ano nga! Si pag-ibig *u* Ang ganda niya talaga. Teka, mamaya na nga yan Alden tulungan mo muna siya.

“Wag ka ngang maingay dyan.” Sabi nung lalaki.

“Lumayo ka nga sakin.” Sabi ni Pag-ibig habang tinutulak-tulak palayo yung lalaki.

“Ano ba kanina ka ha!” At akmang sasampalin na si Pag-ibig siyempre ‘cute boy to the rescue’ Hahaha.

“At ano sa tingin mo ang gagawin mo?” sabi ko pagkahawak ko dun sa kamay nung lalaking bumabastos kay Pag-ibig.

“Pre, wag kang makielam dito.” Sabi niya.

“Wag mo kong ma-pre-pre dyan hindi tayo close. Ano ka ba niya ha?!” Tanong ko siyempre sa maangas na tono.

“Boyfriend niya lang naman kaya kung pwede iwanan mo na kami.” Sabi niya.

“Yuck! Boyfriend your face in your dreams you ugly creature.” Sabi naman ni Pag-ibig. Malulungkot na sana ako e buti na lang.

“O? Di ka naman pala boyfriend e.”

“Pakielam mo ba ha?!” Tas tinulak niya ko.

“Nakakabastos ka na ng babae.” Tas tinulak ko rin siya. Mukhang naka-inom na tong isang toh a. Oo may wine ngayong Dance Ball total minors nanaman daw kami kaya pwede na pero may limitations yun.

“Ano naman sayo?! Ikaw ba yung binabastos?!” Aba gago toh. Susuntukin na niya ko buti na lang naka-iwas ako, nasuntok ko naman agad siya. Yun bagsak sa mga damo. Nilapitan ko agad si Pag-ibig.

“Uhm, Pag-ibi- I mean Miss ok ka lang?” Tanong ko.

“Yes I’m fine. Thanks for savning me to that monkey.” Natawa naman ako sa huling sinabi niya.

“No prob. Basta ikaw.” Napatingin naman siya nung sinabi kong ‘basta ikaw’ siguro Nagtataka siya.

“Sophie Park.” Ako naman ang napatingin ng sabihin ni Pag-ibig ang pangalan niya. So, Sophie pala ang name niya. Bagay sakanya. Kanina pa ko pag-ibig ng pag-ibig e noh? Obvious naman di ba? Na may gusto ako kay Pag-ibi- I mean kay Sophie. Lagi ko siyang nakikita sa school at talagang kapansin-pansin ang ganda niya hanggang sa magustuhan ko na siya at laging pinagmamasdan kada naglalakad siya. Di ko kasi alam name niya kaya Pag-ibig na lang ang pinangalan ko sakanya sa sarili ko. Baduy ba? Sa dinami-dami ng ibibigay na pangalan pag-ibig pa.

“Mukhang ayaw mo namang magpakilala. By the way thanks talaga.” Nabalik naman ako sa reyalidad ng magsalita siya. Teka? Kanina pa siya nagsasalita? Aw patay tayo niyan baka isipin niya snober ako kahi- Ay mamaya na nga hahabulin ko muna siya. Nang maabutan ko si Pag-ibi- I mean SOPHIE sensiya naman nasanay lang. At dahil chance ko na toh imbis na tawagin ko na lang siya para tumigil siya sa paglalakad e hinawakan ko yung kamay niya. Napatingin naman siya sa kamay niya hawak-hawak ko. Kaya agad ko tong binitawan.

“Uhm, sorry. Ako nga pala si Alden Cruz uy wag mong isipin na snober ako ha.” Nahihiyang sabi ko. E nakakahiya naman kasi talaga ewan ko natotorpe ako pag dating sakanya.

“Ah.”     

“Pwede bang sabay na tayo pumasok sa loob?”

“Sige.” At yun nag-sabay na kami. Nag kwentuhan kami habang papasok sa loob. May gusto pala sakanya yung lalaki kanina at hindi niya daw alam na sinundan pala siya nung nag punta siya sa Garden. Nang maka-pasok kami sa Venue, hinawakan ko ulit yung kamay mahirap na mamaya biglang mawala toh ang dami kasing tao. Yayayain ko kasi siyang sumayaw.

“Why are you holding my hand?” Mahinang tanong niya. Binitawan ko naman ulit yung kamay niya at napakamot na lang sa ulo ko. Tsk, baka isipin nito nananching ako.

“Ka...kasi gu..gus- Ay ano ba yan sorry Sophie. Sige pumunta ka na sa mga kaibigan mo.” Kaasar bat ba hindi ko masabi. Tatalikod na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.

“Uhm, Crus- I mean Alden pwede ba kitang isayaw?” Tanong niya habang nakatungo. Ang cute niya *u* Tama ako ng pagkakarinig di ba? Niyaya niya kong mag sayaw. Kinikilig ako readers.

“Yan din sana yung gusto kong itanong sayo kanina.”

“Talaga?” Di makapaniwalang tanong niya.

“Oo.”

“So shall we dance?” Dagdag ko pa. Nginitian niya lang ako. At  naglakad na kami papunta sa dance floor.

Back Off He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon