Chapter 39

1.1K 20 1
                                    

Knight's POV

"Una na kami Knight salamat sa time Pre at hindi mo kami pinagtabuyan paalis." Sabi ni Vincent habang akay-akay nila si Alden.

"Ge, ingat pero payo lang ha kung ako sa inyo iwan niyo na lang yang si Alden dyan sa tabi-tabi hahaha." Sabi ko.

"Gago, hahaha." Sabi naman ni Ji-yong.

"Joke lang ge layas na." At yun umalis na sila. Biglaan nga pag punta nila dito e, trip daw nila mag-inom. Naligo ako para medyo mawala yung impact sakin nung alak at para na rin mawala yung amoy magagalit sakin si Mine, wait speaking of My Mine nasan na ba yun? Anong oras na wala pa siya.

"Hoy Knight." Nagulat ako ng may tumulak sakin pa-upo sa sofa. Tsk, si Mine lang pala.

"Teka? Mine ikaw ba yan?" Kinusot-kusot ko yung mga mata ko baka kasi imagination ko lang tong nakikita ko si Mine nakasuot ng ganto. IMPOSIBLE.

"Yes the one and only." Sagot niya sabay smirk. Anyare dito?

"Ikaw ba talaga yan? Bat ganyan suot mo?"

Ang fierce niya tignan sa suot niya ngayon. Sht lang nakaka turn on ang hot niya. Woooh ang init.

"Lalo ka bang na-inlove?" Tas ngumiti siya, yung ngiting seductive. Ano ba nangyari at naging ganto toh?

"Teka? Uminom ka ba?" Tanong ko. Napansin ko kasing namumula siya.

"Medyo, sila Aya kasi nagyaya tas sila din nag-ayos sakin." Tas umupo siya sa tabi ko.

"Hoy, bat ka uminom ha? Atsaka anong medyo ka dyan. Lasing ka na ata e."

"Ha? Ako lasing hindi noh. Teka bakit parang amoy alak ka din?" Tas hinila niya ko palapit sakanya.

"Sabi ko na nga ba. Hindi sarili ko yung naaamoy ko e ikaw yun Knight."

Ano bang ginagawa ng babaeng toh? Talaga bang inaakit ako nito o ano? Nung hinila niya kasi ako napahiga siya sa sofa kaya ayun napunta ako sa ibabaw niya at juskopo sobrang lapit ng mukha niya sakin.

"Hoy! Mag-salita ka." Sabi niya.

"O-Oo nakainom nga ako." Tas bumalik ako sa pagkakaupo. Umupo din ulit siya at yumakap sakin.

"Knight."

"O?"

"Naiinitan ako. Kuha mo kong damit." Tumayo naman ako at kinuha siya ng pajama at t-shirt. Pero pag balik ko nakapag-palit na siya.

What the heck is she wearing?

Lingerie ba yun?

"O-Oh? Bat g-ganyan yung suot mo? Hoy hubarin mo yan ito, i-ito isuot mo." Tas inabot ko sakanya yung pajama at t-shirt.

"No! Ayoko sabi sakin nila Aya ito daw isuot kong pantulog sorry kung pinakuha pa kita nakalimutan ko kasi. At sabi pa nila matutuwa ka daw pag ito yung sinuot ko." Sabi niya tas lumapit siya sakin at  nilagay niya yung dalawang kamay niya palibot sa leeg ko at hinila ako palapit sakanya.

Mine please lumayo ka sakin. Lord, help me to resist this.

"Ano natuwa ka ba?" Tanong niya.

Patay sakin yang sila Aya kahit kailan talaga.

"O-Oo natuwa talaga ako pero mas matutuwa ako k-kung magpapalit ka na." Tas tinulak ko siya papasok sa kwarto at nilapag yung damit sa kama.

"Mag-palit ka Mine ha."

"Ayoko nga. Mas komportable toh kesa dyan." Tas tinuro niya yung pajama at t-shirt at umupo sa kama.

Back Off He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon