Mae' POV
Hanggang ngayon hindi pa rin mag sink-in sa utak ko. Kung pano nagka-usap si Knight and Joshua kahapon.
"Knight pupunta pala akong school." Sabi ko kay Knight pag kabasa ko nung text ni Joshua.
"Oo nga pala. Ako din e may lakad ako 1:30 na Mine maligo ka na."
"Ha?"
"Naka-usap ko si Joshua. Dito pala nag aaral yung mokong na yun, at ang maganda pa dun mag kaklase kayo sa lahat ng subject. Good may taga bantay na ko sayo Mine Ko. Nabanggit niya rin sakin na kailangan mo nga daw pumunta sa Field ng school mamayang 2 pm uy maligo ka na baka nag hihintay na dun yun."
Kaya eto nag lalakad na ko papuntang field. Natanawa ko naman si Joshua na naka-higa at may nakalagay na earphone sa tainga tinanggal naman niya toh ng makita niya na ko.
"So? Ano bang klaseng sayaw ang pa-praktisin natin?" Tanong ko.
"Ewan."
"Anong ewan?"
"HIndi ko alam Mae, basta ang narinig ko lang e yung tungkol dun sa sayaw."
"Pssh, maka-sabi ka sakin na hindi ako nakikinig e isa ka rin pala." Nilagay niya lang ulit yung earphone sa tainga niya.
"May kilala ka bang Cassandra Lai Remington?" Tanong ko. Pero hindi siya sumagot. Tsk naka-earphone nga pala. Tinanggal ko naman yung earphone niya.
"Bakit ba?" Iritang tanong niya.
"May kilala ka bang Cassandra?" Tanong ko din.
"Oo, pwede ba, Wag ka nang tanong ng tanong." Tas tumayo siya at nag lakad na palayo.
Naku, kung hindi lang para kay Cass. Hindi ko talaga kakaibiganin toh e. Tsk.
"Hoy! Joshua wait!"
Joshua's POV
Tsk, ang kulit ni Mae, hindi ba niya napapansin na umiiwas na ko. Nung nakita ko siya sa perya nun ang saya ko akala ko pwede pang ibalik yung dati. Pero nung malaman kong sila pa pala ni Knight nawala lahat ng pag-asa ko. At na-isip ko na hayaan na lang sila. Alam ko naman kung gano kamahal ni Knight si Mae at kampante na ko. Kaya ito dumidistansya ako. Pero ito talagang si Mae.
"Sa wakas.. nahabol din.. kita." Sabi niya habang nakahawak sa tuhod niya.
"Sino ba may sabing habulin mo ko?"
"Nang-iiwan ka na lang kasi bigla-bigla."
"Sino kaya nauna?" Tanong ko sakanya. Napatulala naman siya.
"I..ikaw." Sabay turo niya sakin.
"Pssh." Tas nag lakad na ko ulit. Sumunod nanaman siya.
"San mo ba talaga balak pumunta?" Tanong niya habang nasa likod ko siya at sinusundan akong mag lakad naka labas na kami ngayon sa campus.
"Pwede ba. Wag mo na kong sundan." Sabi ko at hinarap ko na siya nauntog naman siya sakin.
"Ikaw naman may kasalanan noh. Hindi mo naman pala alam kung ano yung pa-praktisin natin tapos pinapunta mo pa ko atsaka wala si Knight kaya boring pag umuwi ako, basta sasama ako sayo." Tas ngumiti siya.
Yun yung mga ngiting sadyang nag hulog sakin dyan kay Mae DATI.
Agad naman akong tumalikod kay Mae. Wooooh, siyempre gusto ko siyang makasama. Pero kaiangan ko talagang iiwas yung sarili ko noh. Kasi sa bandang huli alam kong ako nanaman ang masasaktan.

BINABASA MO ANG
Back Off He's Mine
Teen FictionStory na walang maayos na plot. Pedro mae-enjoy niyo naman! Hehe, samahan natin sila Mae at Knight sa kanilang makulit na love story ^__________^V